SPA
Hello mga kablogs! It's been a long time since I wrote my last blog. (dugo)
Nalalapit na naman ang aking exam. Kapag pumasa ako, iyon ang tinatawag na MALAKING HIMALA kasi I am not yet prepared. Anyway, didiretso na ako sa blog ko na related din sa point na 'to.
Year 2003 noong naipasa ko ang CPA Board Exam (kailangang magyabang minsan para medyo maniwala kayo sa mga sinasabi ko. hehehe.) Akala ng Nanay ko mababaliw na ako kasi super talaga ang aral ko - umaga, tanghali, gabi at madaling araw. Sobrang salamat sa Diyos at nakapasa naman ako.
Noong mapunta ako sa Bda at Oh, ang hirap ng kompetisyon. Hindi na nga ako fluent sa English, mga qualified pa mga katrabaho ko. CA (Chartered Accountant - Canada o South Africa), CFA (Certified Financial Accountant), CIA, CPA USA at kung anu-ano pang letra sa dulo ng mga pangalan nila.
Malay ko sa mga examinations na 'yan. Ang alam ko lang kapag Accountancy graduate puwedeng maging CPA. Dahil tayo'y mga Pinoy, kapag CPA ka sa bansa mo, sa bansa mo lang ikaw CPA. Hindi narerecognize sa ibang bansa. Sobrang pinalad lang talaga akong mahire sa Bda.
So, ayun na nga dahil sa takot kong mawalan ng trabaho at ang qualifications lang na nakikita ko sa mga job vacancies CPA USA, CA o CMA. Paano ako matatanggap?
Nagdecide akong mag-self-study. Dahl mayabang ako, akala ko dahil naipasa ko ang CPA ng take 1, madali kong maipapasa ang CMA. Bumagsak lang naman ako ng 2 beses bago ko maipasa ang part 1. Ouch!!!
Balewala ang pagbagsak kaya lang hindi ko nacontrol ang stress ko at maraming sleepless nights. Gustong magpahinga ng katawan ko but my mind was saying YOU NEED TO STUDY. Tapos, pag babangon naman ako para mag-aral, hindi ko magawa kasi nga pagod na ang isip at katawan ko.
I NEEDED HELP! I searched google how can I manage stress, how can I relax, how can I sleep well.
AHA! Body massage will definitely help. Then, I remember what Fr. Luke had told in his homily before or maybe I read it in Didache - WE ALL NEED TO BE TOUCHED. Parang mga baby lang na they cry para kargahin sila ng mga nanay nila. Sabi pa nga we need number of hugs every day.
Wala akong idea sa SPA noon. Bukod kina Nanay, Tiya Cynth, si Tita Vicky lang naman ang nagmamasahe sa akin.
Madilim iyong place. Parang natakot pa nga ako kasi bakit madilim. Tapos, sabi sa akin, maghubad daw ako at dumapa. Oh my cheese! Sa isip-isip ko, sige na nga. Tutal sabi sa internet marerelax daw ako.
Ang kinalabasan - it was really relaxing. Ang galing magmasahe hanggang sa hinahanap na ng katawan ko kaya hanggang dito sa HK, regular pa rin akong nagpapamasahe. At siguradong pagbalik ko sa Pilipinas, magpapamasahe pa rin ako.
Sa Cinci - USD55.00 per hour
Sa HK - HKD138 per 45 minutes
Sa Dynes SPA - abot kaya ang halaga.
I will definitely go to DYNES SALON AND SPA.
"YOUR EVERYDAY SALON"
MAIN:
21 Paso de blas, Val.City
Tel:4447885
BRANCHES:
119-C Mc Arthur Hi-Way, Marulas, Val. City
Tel:4458885
34 Gov.Pascual Ave. Acacia, Malabon City
Tel:2876435
Monumento Branch:
0922-8688689
Dati ko pong kabarangay ang may-ari. Hindi ko natatandaang nagkita kami ng personal noong nasa Barangay Capri pa sila pero I always hear her name sa pagtulong sa SILP. Bakit pa ako hahanap ng ibang spa business na hindi ko alam kung paano nila inispend ang profit nila. E di dito na ako sa alam kong hindi nakakalimot tumulong sa kapuwa. Suportahan niyo rin sana ako sa pamamagitan ng pagrepost at pagrefer sa mga kakilala niyong addict sa SPA.
God bless us all!
.
Comments