comment - kkk

Hello na naman muli sa iyo pinakamamahal naming author! Hello rin sa iba mo pang mga kablogs. Alam ko kung gaano mo pinaghirapan tong blog mong ito. 1 hour per K. Pero alam ko rin na kahit pinaghirapan mo ito, hindi ka pa rin nahirapan. Dahil tinatatype mo lang naman ang gustong sabihin ng puso mo e. Yun nga lang, nagutom ka. Ayk. Hehehe.

Isang maligayang pagdiriwang ng Katawan at Dugo ni Kristo sa ating lahat! Masaya ako na naging active ako sa simbahan thru Parish Youth Ministry. Bakit ko naman biglang nasabi ito? Kasi, kung hindi ako naging active sa simbahan, isa lang akong normal na parishioner, na magsisimba tuwing linggo, tapos ang alam lang na celebration ng simbahan, ay Pasko, Holy Week, Easter, Fiesta (minsan nga hindi alam na may fiesta dahil sa patron saint), at birthday ni Mama Mary (konti lang din ang nagsicelebrate). At dahil nga naging active ako, naging aware ako sa iba pang mahahalagang celebration ng simbahan na hindi alam ng ilan. Solemnity of the Body and Blood of Christ. Isa ito sa iba pang mahahalagang celebrations gaya ng nakaraan, Pentecost, Solemnity of the Holy Spirit, Solemnity of the Holy Trinity, at marami pang iba. Sobrang ganda ng story na shinare mo mahal naming author tungkol sa cheese sandwich. Dati, noong hindi pa malalim ang faith ko, katulad din ako ng iba na hindi nakakaalam ng kahalagahan ng Katawan at Dugo ni Kristo sa misa. Minsan nga, hindi pa nagsisimba ang iba kaya lalong hindi nila malalaman. Gusto ko lang sabihin na sana maranasan din nila ang sarap ng pakiramdam ng pagtanggap kay Kristo sa misa sa pamamagitan ng Osta at Mompo. Naishare nga rin ng pari ditto na merong isang hindi Katoliko. Hindi man sya Katoliko, alam nya ang kahalagahan ng Body and Blood of Christ sa mass. Kapag nagsisimba ang mga kaibigan nya, pagkatapos ng mass, hinahawakan nya ito sa ulo at sa pamamagitan daw nun, kahit na hindi sya Catholic, nararamdaman nya si Kristo sa mga ito. Kaya nga dapat na pahalagahan natin ang ating mga sarili. Dahil tayo ay imahe ng Panginoon. Sa pagtanggap natin sa Kanya, damhin natin ang presensya sa ating buong pagkatao. Dahil ang Katawan at Dugo na ito ang syang inialay Nya para matubos ang lahat ng mga kasalanan natin sa mundo. Bow K1. Hehehe.

Sa pangalawang K naman ng author nating mahal na mahal, Kalayaan, alam nyo ba na habang tinatype ko ito, ay birthday ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. At syempre, birthday ng mahal na mahal kong Mama. Happy happy birthday Mama! I love you so much po. Isang Maligayang Araw ng Kalayaan nating lahat! Kahit na hindi na June 12, malaya pa rin tayo sa pang-aapi kaya dapat na icelebrate natin ito araw-araw. Malaya man tayo sa mga nanakop sa atin, sana maging malaya na tayong tuluyan sa lahat ng mga problemang kinakaharap ng ating bayan. Nung pumunta ako sa ibang bansa, ditto sa Taiwan (gaya-gaya.hehehe), naisip ko na magiging bayani na ako. Hehehe. Although hindi naman yun yung purpose ko kung bakit ako nag-abroad, somehow, alam kong nakakatulong ako sa ating bayan. Hindi madali na mapalayo sa sinilangang bayan. Sobrang maninibago ka sa lahat. Minsan, meron kang hindi gusto sa ibang bansa, minsan naman, may gusto ka na sana ganun sa bayan nyo. Natutunan ko na dapat na tanggapin ang kultura ng ibang bansa. Kasi, sa ganitong paraan din nila matatanggap ang ating kultura. Kapag nasa pinas ka, hindi mo masyadong mararamdaman ang kahalagahan ng bansa natin. Pero once na mapadpad ka sa Brunei, Taiwan, at iba pang bansa, doon mo mararamdaman ang isang pagiging tunay na Pinoy. Marami kang mamimiss na original pinoy tradition. Na kapag bumalik ka na sa pinas, sobrang gusto mong igrab yung opportunity na maranasan ulit ang pagiging Pilipino. Sobrang ramdam na ramdam ko yung kanta sa PinoyTV ditto na “Pilipinas Kong Mahal”. Habang kinakanta yun, pinapakita yung magagandang tanawin ng ating bansa. Kaya ako, Proud to be a Filipino! Contribution ko na sa bansa natin yung gawin yung best ko sa trabaho, dahil sa pamamagitan non, maipapagmamalaki ko ang lahing Pilipino. Bow K2.

Tungkol naman kay Kuya Ryan, sobrang bilib din ako sa kanya. Iba kasi sya kapag nagtrabaho. Talagang fully dedicated sya. Kapag nangako sya na gagawin nya, gagawin nya, pero sa paraang gusto nya. May pagkamahiyain kasi sya. Sa mga practice ng plays, ayaw nya ibigay nang todo ang pag-arte nya. Lagi nya sinasabi, “Basta gagawin ko yun sa mismong play.” Sabi nila, Practice makes perfect. Pero hindi yun applicable sa kanya. Kasi, kahit walang practice, he is always perfect kapag kailangan. Ganun si Kuya Rye. Ngayon na humaharap sya sa panibagong challenge sa buhay nya, wala man syang practice sa ganito, alam ko na mapeperfect din nya ito.

Author naming mahal, gusto kong sabihin kay Carla yung sinabi mo sa conclusion mo. Dapat ay magtiyaga lang sya sa pagsubok na nararanasan nya ngayon dahil darating yung time na ipapaalam ni God kung bakit nya kailangang maexperience yun. Sa dami ng mga pagsubok na nalagpasan nya, naniniwala ako na makakaya rin nya itong pagsubok na ito. Bukod nga sa yo, sobrang hinahangaan ko sya sa lahat ng aspeto. At sa dami ng nagmamahal sa kanya tulad natin, faith power works wonders. May isang napakagandang regalo si God na para sa kanya. Sinusurprise lang siguro sya ni God. Heheheley. Bow K3.

Pinakamamahal naming author, sana hindi masyadong mahaba yung comment ko. Heheley. Sana magpatuloy ka lang sa pag-enjoy ng buhay, at tulad ni Carla sa pagharap ng pagsubok. Marami kaming sumusuporta sa iyo. Maraming kaming masusugid na tagasubaybay mo. Marami kaming nagdarasal para sa yo. Binibigyan mo kami ng inspirasyon. Sabi mo nga, Kaagapay sa Matagumpay na Buhay. Marami kaming aagapay sa yo. Mahal ka naming lahat.

Bowowow.

God bless us all always. J

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?