God Is Bigger Than Tsunami
“Those who are healthy do not need a physician, but the sick do.” – Luke 5:31
Hello sa inyo mga kablogs at sa ating pinakamamahal na author! It’s been a long time mula nang huli akong magblog. Matagal-tagal na rin. Pero hindi ba nga, may perfect timing palagi para sa lahat ng bagay. Kahit na alam kong hindi “perfect” ang timing ngayon sa mundo dahil sa sakunang nangyari sa Japan. Alam ko at naniniwala pa rin ako na may dahilan palagi si God sa mga bagay na nangyayari sa atin.
Kung bakit “God Is Bigger Than Tsunami” ang title ng blog ko ngayon dahil ito ang naging inspirasyon ko ngayon para ganahang magblog. Sobrang natuwa kasi ako nang nagtext sa akin ang pinakamamahal kong kapatid,
“ate gudmorning po! Aga q ngcng, aq tgabntay ng tndhan ngaun eh. Haha aalix dn po kc cla mamu pupnta xa araneta my gathering po ung cfc. :) kme poh ni kat kat ang bantay. Haha ate . Kmxta k poh jan? Blta q poh my xkt k ah? Wg k mxdong pkpgod ate. Auz lng po kme d2.. Mgdasal lng po tau. Our God is bigger than tsunami. :) kaw jan ate , kmaen k ng madami d bale ng 2mba ka, bxta healthy ka. Sbi xau, inuman m n kgad ng gmot yan te eh. Hmp. Lab u xo much ate qng mhal! Mwaaaah!.” (hirap magtype ng text message!!!)
O di ba, sobrang cheesy??? I lab u so much din Cheng bhe! Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong ishare ‘tong touching text message ng kapatid ko. Pano kasi, after ng aking pagkakasakit, nakakalumo yung nangyari sa Japan. Worried na ako morning pa lang na baka mag-impact din nang malakas sa Pinas. Todo pray ako and tawag sa bahay at tutok sa news. Bakit nga ba ako sobrang nag-alala? Tama ang kapatid ko. God Is Bigger Than Tsunami. God is greater than anything else. Wala dapat tayong ipangamba at dapat ay magtiwala lamang tayo sa Kanya.
Tinanong ko ang mahal nating author kung ano nga ba ang lesson na nakuha natin sa nangyari sa Japan? Sabi nya – MAGING HANDA. Oo nga, dapat tayong maging handa. Hindi lang pisikal na paghahanda. Ispiritwal ring paghahanda. Kelan ba tayo nagkaroon ng kasiguraduhan sa kung hanggang kailan tayo lalagi sa mundong ito? Wala namang assurance. Isa lang ang sigurado tayo – na mapupunta tayo sa Kaharian ng Panginoon… katumbas ng paggawa natin ng kabutihan.
May mga nagsasabi, “Kaya nga dapat ienjoy na natin ang buhay. Gawin na natin lahat ng bagay na gusto nating gawin hangga’t nabubuhay pa tayo.” Tama na mali. Tama na dapat ienjoy natin ang buhay, Mali na gawin ang “gusto” nating gawin. Gawin natin ang DAPAT nating gawin. Iparamdam na natin sa mga mahal natin sa buhay ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila. Humingi na tayo ng kapatawaran sa mga kasalanan natin. Gumawa ng kabutihan. Tumulong sa kapwa. Sa kahit anong paraan, maliit man o malaki. Ito ang tunay na paghahanda.
Those who are healthy do not need a physician, but the sick do.
Gaano man kayaman ang bansang Japan, gaano man sila kahealthy, marami pa ring bansang nakiramay at tumulong sa kanila. Because they are sick. They need physician. Tayo rin, pwedeng maging doktor sa kahit na anong paraan. Hindi lang sa panggagamot sa maysakit, kundi sa pagtulong sa kapwang nahihirapan.
Gamutin natin ang ating mga sarili ngayon Lenten Season sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kanya. Si God ang pinakamagaling at tunay na Healer. Kahit na maysakit ako, I attended mass on Ash Wednesday dahil sabi ko, He will heal me. And he really did. Naniniwala ako na anuman ang sakit ng Japan ngayon, God will heal them in His own ways… in His own special time…
Bowowow.
God bless us all. J
Comments