Labis = Lapis
"Two hundred silver coins would not buy enough bread for each of them to have a piece." Jn. 6:7
Hello mga kablogs! alas-4 ng madaling araw nang bumangon ako kanina. Sobrang excited akong maipost ang blog na ito... Simulan na natin.
Maraming salamat nga pala sa lahat ng nagdasal para sa akin. God answered our prayers. Salamat ulit. Si Carla OK na rin daw sa trabaho niya. Nakakatuwa ngang kumilos si God sa buhay niya e. Matagal na ring nasa abroad si Carla at dikit din kay Lord. Kung pananampalataya ang pag-uusapan talagang matibay ang pananampalataya niya at lalo pang na-test ng sitwasyong ito. Sabi niya alam talaga ni Lord ang bawat istorya ng buhay natin. He knows everything. Kailangan lang daw isurrender ang lahat sa Panginoon at kapag sinurrender mo na just believe - let go and let God. Napatunayan ko ring malaki ang naitulong ng sama-samang panalangin sa lahat ng answered prayers ko. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay talagang nagdasal kaya nga sabi ni Nanay nakulitan na si Lord kasi pare-pareho ang laman ng dasal ng iba't-ibang tao. Siguro sabi ni Lord, sige na nga. hehehe. Iba talaga ang nagagawa ng connection...
Dumako na tayo sa main point ng blog ko ngayon.
College student pa lang ako pangarap ko nang magkaroon ng Scholarship Foundation. Kapansin-pansin na kapag nababanggit ko ito sa ibang tao, natatawa sila. Siguro naiisip nilang imposible iyon. Marami rin namang nagsasabing "maganda yan Shel, sige sasali rin ako." Siguro nagtataka kayo kung bakit pumasok sa isip ko 'to? Unang inspirasyon ko rito ay ang Nanay ko. Nagsikap siyang mabuti para mapatapos kaming lahat sa pag-aaral. Kinain niya ang pride niya sa bawat umagang panghihiram niya ng pera sa mga co-teachers para lang may mabaon kami. Pati si Fr. J ay isa rin sa mga instrumento ng ideyang ito. Gipit na gipit kasi kami noon, sabay-sabay na pagbayad sa review center, pagbayad sa apartment at marami pang iba na kailangang huminto ang isa sa amin ni Memey. Salamat kay Padre sa pagtulong sa amin kaya pareho pa rin kaming nakatapos ni Memey. Si Ate Nym din ay may malaking contribution sa future foundation na ito. Dahil sa kanya kaya ako nakapag-aral ng libre sa Letran. Sila ang ginamit ni Lord para buuin sa isip ko ang ideyang ito. Sinabi ko sa sarili ko na babawasan ko ang mga nanay na nangungutang sa umaga para lang may mabaon ang mga anak. Babawasan ko rin ang mga nanay na nanghihiram sa mga bombay makabayad lang ng tuition fees. Pero, napansin kong gaano man kabuti ang intention ng isang tao hindi ibibigay ni Lord ang lahat sa taong iyon para matupad ang mabubuti niyang hangarin. Bakit? Dahil gusto ni Lord na maispread ang kabutihan sa maraming tao. Kaya nga siguro pinakaba niya ako para maisip kong ikalat sa ibang tao ang idea.
"Two hundred silver coins would not buy enough bread for each of them to have a piece." Jn. 6:7. Kung irerelate sa sinasabi ko, hindi sapat ang isang Shiela para matupad ang foundation na ito. Gaya nang nangyari sa pagbasa, napakain ni Hesus ang limang libong tao dahil na rin sa tulong ng mga taong naroon. Ang naaalala ko kasing paliwanag dyan ng pari namin dati, halos lahat naman daw ng naroon ay may baong pagkain. Hindi lang muna naglalabas kasi baka hingian ng iba. Pero nang nagsimulang maglabas ng baon ang bata, ginaya na rin siya ng lahat kaya ang resulta ay nakakain ang lahat at marami pang labis. Naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay may labis. Buksan kaya natin ang ating mga palad at pakawalan ang labis na iyon? Kapag bukas ang palad mo, makakawala ang blessings pero tiyak ding maraming makakapasok.
Hangarin ng foundation na ito na makatulong mainly sa mga kapos na college students. Nadamay na rin ang mga aktibong batang AG at kabatang PYM. Hinihiling kong samahan niyo ako sa proyektong ito. Naisip kong mag-assign ng Php50 para sa isang lapis para lahat kahit na nag-aaral pa lang ay ma-afford na makatulong. Depende iyon sa pag-appreciate mo ng blessings at sa kung magkano ang gusto mong ishare. Naaalala ko tuloy ang kuwento ni Bro. Servi, mayroon daw isang magsasakang faithful sa tithing niya. 10% ng kinikita niya ay ibinibigay niya sa simbahan. Nagsimula ang lahat sa Php50 kada buwan. Pinagpala pa siyang higit ni Lord dahil sa mabuti niyang gawain. Lumaki nang lumaki ang kinikita niya hanggang umabot sa Php10,000 ang kita niya. Sobrang natuwa siya dahil Php500 lang ang dating kinikita pero ngayon ay umabot na sa Php10,000. Nong kinompute niya ang 10% nalungkot siya kasi nahihirapan siyang magpakawala ng Php1,000. Kaya simula noon, kinalimutan na nya ang tithing at pagtulong sa iba. Isang araw, binagyo ang sakahan niya. Paalala sa ating lahat na tagapangalaga lang tayo ng ari-arian ni Lord. Siya ang nagbigay sa atin ng mga trabaho natin ngayon. God will bless us more kung alam nating i-manage ang blessings.
Balik ulit tayo sa plano. Nag-assign ako ng Php50 para sa isang lapis. Halimbawa, "Shel, willing akong magbigay ng 10 lapis sa May 2010." Ibig sabihin noon Php500. O kaya naman ay "Ate Shel, nagskip ako ng isang meal para makapagbigay ng isang lapis." Php50 naman iyon. Para naman sa mga super asenso na makakabasa nito "Shel, willing akong sumuporta sa monthly allowance ng 1 kabataan." O kaya, "Shel, may kilala akong willing sumuporta para sa tuition fee ng 1 kabataan." Basta bahala kayo kung magkano lang ang kaya niyong ibigay at maaring maitulong. Sa 2010 pa talaga ang balak ko. Sinasabi ko lang para magauge niyo na ang puwede niyong maibigay at matulungan niyo na rin akong ipasa sa ibang tao ang proyektong ito. Gamitin natin ang ating mga connections. Kapag nalaman na natin ang funds na papasok saka kami pipili sa PYM ng mga tutulungan natin starting June 2010. Nasimulan na rin this year na magbigay ng ilang school supplies sa mga bata. Itutuloy din natin iyon.
Pagnilayan natin ang ating mga labis na puwedeng iconvert sa lapis and experience the gifts of giving. :-) Share a Secret, Spread Success.
Have a blessed week.
Maraming maraming salamat ulit.
Comments