comment - Monday of the Second Week in Lent


Alam mo author naming mahal, nararanasan ko yan ditto sa bahay na tinitirhan ko. Meron kasi dittong isang housemate na para sa lahat, feeling ay may-ari ng bahay. Medyo hindi maganda yung ugali nya kaya marami ang may ayaw sa kanya. Hindi ko yun alam dati. Hanggang sa mayroong time na naliligo ako tapos kinatok nya ako. Sabi nya kung matagal pa daw ako. Nagmadali tuloy ako. Ayk. Nalaman ko na lamang sa roommate ko na sinabi daw nun na sino daw ba ako at ang tagal-tagal maligo. Hindi ko daw ba alam na time nya yun para maligo? Heheley. Hindi ko naman talaga alam. At wala namang timings sa paliligo. At mabilis ako maligo. Heheley. Medyo nalungkot ako, hindi dahil sa ginawa nya yun. Kundi dahil maraming ayaw sa kanya. Medyo nalayo din tuloy ang loob ko sa kanya dahil sa nangyari. Hindi dahil sa nagtanim ako ng galit kundi ayoko na lang na may magawa akong ayaw nya. Nakakalungkot kasi although hindi talaga okay yung ugali nya hindi pa rin di ba dapat na pag-usapan sya palagi? Kasi lahat naman tayo, may weaknesses din. Hindi ako nakikisali sa mga usapan nila pero malungkot ako dahil wala akong magawa dahil lahat sila ay ayaw sa kanya. Ipagpipray ko na lang sya.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?