comment - bonus for this week

Hello sa iyo author naming mahal na mahal! Binabati ko nga rin pala ang mga bloggers mo at masusugid na mga readers. Natutuwa ako sa blog mong ito. Naalala ko kasi kaming magkakapatid. Namiss ko tuloy sila kahit na away-bati rin kami. Heheley.
Ipapakilala ko naman ang mga mababait at mapagmahal kong mga kapatid – sina CW, N, at CJ. Mahal na mahal ko silang lahat. Medyo kaiba yung mga away-bati style namin. Mga batang-isip kasi kaming lahat. Hehehe. Kaya walang matanda, walang bata. Nung mga bata pa kami, hindi kami nagtatanim (hanggang ngayon naman) ng sama ng loob. Kasi, physical naming inilalabas ang away namin. Wrestling. Hehehe. Hindi naman kasi malalayo yung agwat ng edad namin ng mga kapatid kong bros. Naghahampasan kami ng unan dati. Naalala ko, nung naghahampasan kami ng unan nung bata pa kami, paghampas ng unan, nadali yung fluorescent lamp, nabasag. Hehehe. Ginulpi lang naman kami ng tabo. Nakakatuwang-balik-balikan. Namiss ko tuloy maging bata, na hindi marunong magtanim ng dalandan, talong, kalamansi o kahit ano pa man.
Masaya rin ako ngayon at kuntento sa mga kapatid ko. Lahat kami cool sa isa’t isa. Panay asaran na para pa ring mga bata. Mag-away man, napakapetty lang. Mababait naman kasi silang lahat. Lahat nga lang din ay puro moody. Kapag wala talaga sa mood, maiinit talaga ang mga ulo. Pero mas madalas na makukulit at malalambing at masasayahin.
Madalas na nag-aaway sina CJ at N. Palaasar kasi itong si N kay CJ to the point na hindi nya nalalaman na nasasaktan na si CJ. Hindi ko alam kung nagtatanim si CJ kay N. Pero sigurado ako na talagang dumating yung time na masama ang loob nya sa dalawa nyang kuya. Nung naghalungkat kasi ako ng mga gamit, nabasa ko (nang hindi sinasadya) yung diary nya. Sabi nya kay Diary, malungkot na malungkot daw sya sa treatment ng mga kapatid nya. Malayo kasi yung age gap naming tatlo sa kanya. Kaya natauhan ako na palagi pala namin syang naaasar. Sa ngayon, masaya ako dahil alam kong kahit papano ay nararamdaman na nya ang pagmamahal naming magkakapatid sa kanya na talagang namang tunay na tunay na mahal namin sya.
Mabuti na lang, hindi marunong magtanim ng kahit anong prutas o gulay kaming magkakapatid (literally din.heheley). Masaya ako na para pa rin kaming mga bata. Pag bata kasi, hindi marunong magtanim ng sama ng loob. Moody kung moody, pero expressive na kapag galit, galit talaga, nasaktan, iiyak talaga. Kaya madali ring nagvavanish yung sama ng loob.
Subukan nating ‘wag magtanim ng galit. Masarap sa pakiramdam na wala tayong sama ng loob sa kapwa natin Madalas na nagmumula ang bunga sa mga buto. Kapag magandang buto ang itinanim natin, maganda ang magiging bunga. Kapag masamang buto, masamang bunga. Kapag nagtanim tayo ng galit, pwedeng away, o minsan sa iba, karahasan pa. Pero kung ang itatanim natin ay pagmamahal, ang bunga ay masaya at maluwat na pagsasama. Ewan ko nga ba kung bakit naimbento pa ang galit. Wala naman kasi mabuting dulot iyon. Makakasakit lang tayo ng ating kapwa at masasaktan din natin ang ating mga sarili. Pwede naman magalit pero saglit lang. Normal lang sa tao yun. Pero ang magtanim ng galit ay ang hindi maganda.
Ngayong panahon ng kwaresma, alisin natin ang mga galit sa puso natin. Matuto tayong magpatawad. Isipin natin na tayo ay magkakapatid kay God na Ama nating lahat. Sa lahat ng mga naging kasalanan natin kay God, wala tayong karapatang magalit at magtanim ng sama ng loob. Dahil sa kabila ng mga iyon, hindi tayo pinagiimbutan ni God ng kanyang buung-buong pagmamahal at sa halip ay isinakripisyo Nya ang kanyang sarili para sa ating kapatawaran.
Bowowow.
Author naming mahal. Salamat palagi nang marami sa yo ha. Sa lahat-lahat ng kabutihan mo. Lalo na sa blogs na nakakapagpamulat sa mga mata namin ng pagmamahal sa aming kapwa.
God bless us all always. J

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?