comment - Holy Spirit blog
Hello sa iyo ulit pinakamamahal naming author! Hello rin sa iyong mga masusugid na mga tagasubaybay. Para bang telenovela na inaabangan naming tuwing linggo yung blogs mo. Hehehe. Tama ka, sobrang bilis nga ng panahon. Hindi natin namamalayan. At katulad ng topic mo ngayon mahal naming author, hindi rin natin namamalayan na nandyan lang palagi ang Holy Spirit.
Nakakatuwa naman yung joke mo. Natawa ako dun ha. Ayk. Hehehe. Maganda rin yung homily ng priest ditto about sa HS. Hindi ko alam kung bakit feeling ko nung mga panahon na umattend ako ng mass, ginusto kong sa unahan umupo. Maaga din ako nakaattend ng mass tapos nakapagrosary pa ako. Hindi ko alam na bago pala magstart ang mass, prinepare na ako ng Holy Spirit para sa isang nakakaantig-pusong misa.
Hindi ko alam kung papano ko ieexplain kung bakit ako nagandahan. Katulad ng pagpasok ng HS sa atin, misteryo rin ang pagpapaliwanag. Hindi maintindihan. Kaya nga, sa pamamagitan lang ng pagdedescribe ng pakiramdam pwedeng maipaliwanag kung paano nagwowork ang HS sa atin. Kaya sasabihin ko na lang kung anong naramdaman ko nun. Naramdaman ko na sa lahat ng mga pinagdadaanan natin, mayroon tayong palaging kasama. Kailangan lang nating tawagin at hingin ang pagtouch Nya sa atin. Habang nagdarasal ako nang mga panahon na yun na sana gabayan ako ng HS parati, para bang tinanggal Nya lahat ng mga hindi magagandang pakiramdam sa loob ko.
Sa mga panahon na ito na nagkocomment ako sa blog ng mahal nating author, alam ko rin na HS ang gumagana sa akin. Hindi ko alam kung paano pero naniniwala ako na sa lahat ng kabutihan, nariyan Sya para tayo gabayan. Hindi ko alam kung nararamdaman ng author nating mahal na kapag binabasa nya ulit yung mga blogs nya, hindi sya makapaniwala na nakapagshare sya ng ganon. Na galing sa puso. Na mararamdaman na may paggabay ni God. Ganon kasi palagi ang nararamdaman ko kapag binabasa ko yung mga comments ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapagbahagi, pero may proof na nagshare talaga ako. At naniniwala ako na Holy Spirit ang gumagabay sa akin nang mga panahon na yun.
Naipaliwanag din ng pari ditto ang tungkol sa mga pagkoconvert ng mga Catholics sa iba pang religion. Sabi, sa mga panahon daw na may mga taong nagtatanong sa atin o kaya ay nagpapaliwanag sa atin na may intention na maiconvert tayo sa ibang religion, dapat ay palagi tayong tumawag sa HS para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng pag-iisip. Naalala ko rin minsan yung time na napunta kami sa situation na gusto naming matulungan yung mga kasama namin para hindi sila maiconvert sa iba. Sobrang lahat kami na nagpaliwanag ng pananampalataya namin ay nakaramdam na nasa amin ang HS sa mga panahon na iyon. May mga lumalabas sa bibig namin na talagang HS na mismo ang may gawa. Kung bakit? Dahil nung mga panahon na iyon, kapag pinaulit ulit sa min yung mga sinabi namin, hindi na namin masasabi ulit. Hehehe. Ganyan gumana ang HS. Sobra talaga napakamisteryoso.
Hindi tayo nag-iisa. Palagi nating kasama si God through the Holy Spirit. Sa mga panahon na nakakaramdam tayo ng kalungkutan,problema o kahit ano pa, magdasal lang tayo kay God at ipapadala Nya ang Holy Spirit para tayo maheal. Sya ang kailangan ng ating kalooban at hindi ang kahit na anong bisyo – alak, yosi, drugs at iba pa. Sabi nga ng pari sa kaibigan nyang naninigarilyo dahil daw nakakagaan sa loob at nakakawala ng tension, "Are you really smoking cigarette? Or the cigarette is the one smoking you?". Bakit nga ba sigarilyo o bisyo ang unang naiisip kapag may problema? Sa halip na usok ng sigarilyo ang pumasok sa katawan natin, bakit hindi Holy Spirit ang papasukin natin? Hindi ba?
Bowowow.
Mahal naming author, palagi naming ipagdarasal na sumaiyo rin palagi at sa amin ang Holy Spirit. Para naman makagawa ka palagi ng magagandang blogs na palagi mong ginagawa. Nagpapasalamat ako sa HS dahil ginabayan Nya ako sa pagbibigay ng comment sa maganda mong blog. Heheley. Salamat nang marami sa yo mahal naming author.
God bless us all always. J
Comments