Low point ulit comment

Two thumbs up! :-) ayos sa comment ha. makatulong sipon. ayk

Hello muli sa iyo pinakamamahal naming napakagaling na author! Namiss ka talaga namin nang husto author naming mahal. Sobrang iba kasi talaga kapag nakakagawa ka ng mga blogs. Nakakainspire kasi lahat. Pero masaya rin kami dahil nakapagbakasyon ka nang masaya at nakapiling mo ang mga mahal mo sa buhay. Sabi mo nga, kelangan nating magpark minsan at magpagasolina. Kaya para sa yo at sa iba pang mga OFWs dyan, ang pamilya natin at mahal sa buhay ang syang nagsisilbi sa ating gasolina. Kahit na sobrang mahal ng halaga ng gasolinang ito, sulit na sulit naman at sobra pa para sa maayos at matiwasay na paglalakbay sa buhay.
Alam mo mahal naming author, meron din akong kaibigan na galing lang sa bakasyon. Ang pangalan nya ay Cindy. Nakapagbakasyon na rin sya last November pero ginusto pa ulit nyang magbakasyon nitong April kahit na 5 months pa lang ulit sya sa ibang bansa. Syempre dahil 5 months lang, hindi sya masyadong nakapag-ipon. Pero masasabi rin nyang napasaya nya ang pamilya nya kahit sa maliit na paraan. Ayaw na raw sana nyang mapalayo sa mga mahal nya sa buhay, pero yung pagmamahal na rin na yun ang nagpapatindi para magpatuloy sya sa ibang bansa dahil gusto nyang mapaginhawa ang pamilya nya.
Tulad ni Carla at ng iba pang mga OFWs dyan, nakaramdam din sya ng low point, ngayon at nakabalik na sya sa abroad. Dumating yung time na umiiyak sya at nagtatanong kay God ng mga bagay-bagay na hindi naman nya ginagawa dati, dahil palagi rin syang positive sa mga nangyayari sa kanya. Tinatanong daw Nya palagi si God nitong mga nakaraan kung bakit ba kasi hindi sila mayaman katulad ng iba para hindi na sya mapalayo sa mga mahal nya sa buhay. Sinabi pa nya kay God, hindi naman daw sya magiging masamang tao, at kung nangyari man na mayaman sila, tutulong pa sya sa mga nangangailangan. Pero yun ba talaga ang mangyayari kung sakaling naging mayaman sya? Talaga bang hindi sya magiging sakim kung nangyari yun? Isang bagay na walang kasiguraduhan. Na narealize nya lang nung nakausap nya yung isang taong mahalagang mahalaga sa kanya na dumaranas din kapareho nya. Simula nun, nakatatak na raw sa isip nya yung mga sinabi ng taong ito na, "Ayaw ni God na maging greedy tayo kaya hindi Nya tayo ginawang mayaman. Gusto ni God na maging mabuti tayong tao. At sa mga pinagdadaanan natin, gusto Nya tayong matuto sa buhay." At hindi na nya tinanong ulit si God, at patuloy na lang syang nagtiwala sa magagandang plano ni God para sa kanya.

Nakakatuwa nga yung istorya ng kaibigan kong si Cindy. Pati na rin yung story ni Carla. Pareho silang dumanas ng low point sa buhay nila. Ako rin minsan, nakakaramdam ng ganon. Pero dapat ay diretso tayo palagi ng tingin sa tinatahak nating daan (journey). Porkit baku-bako ba ang daan (low point), hindi na tayo magpapatuloy? Dapat palagi tayong nakatuon sa kung saang lugar gusto nating marating (pangarap sa buhay). Kung napapagod na ang sasakyan, syempre kelangan ng gasoline (mga mahal natin sa buhay) sabi nga ng mahal nating author. Na palagi lang namang available (communication), kahit na medyo may kamahalan nga lang (load, chat, atbp.). Pero sapat na naman ang isang full tank (isang beses isang linggo pero matagal na communication) di ba para sa mahaba-haba nang paglalakbay? At ang pinakamaganda ay kapag naniniwala tayo na may kasama tayo palagi sa paglalakbay na yun. Sino pa ba? Syempre, si God at wala nang iba pa. Sya kasi ang nakakaalam ng tamang destination natin. Kaya dapat na makinig tayo sa Kanya. Wag din dapat matigas ang ulo natin dahil baka maligaw tayo. Ayk.

Mahal naming author, namiss ka talaga namin. Kasi namiss ko rin talaga magcomment sa magaganda mong mga blogs e. Natutuwa nga ako na nakapagshare na naman ako kahit papano. Kumusta mo na lang ako kay Carla ha. Kaya natin lahat, dahil kasama natin palagi si God. Bowowow.

Happy Birthday Kuya Athan! Nabati kita nung nakaraan sa cell Kuya Ats. Hindi ko lang alam kung nareceive mo. Hehehe. Kumusta po kay Ate Lhok. Kiss kay Kylie. God bless you po.
Happy Birthday din kina Jepot at Enggoy! (Sina JR ba to at Eng? Hehehe.) Ingat kayo palagi. God bless you.

At syempre hindi ko makakalimutang batiin ang pinakamamahal kong Daddy. Happy Happy Birthday Daddy ko! Mahal na mahal po kita. Pasensya ka na po Dada kung napapagsabihan kita minsan ha. Concern lang po talaga ako sa health mo. Ayoko po na magkakasakit ka o kahit na po sino sa pamilya natin. Sobrang thankful po ako kay God dahil biniyayaan Nya po ako ng isang napakamapagmahal na Daddy. Gusto ko po palagi na makita kang masaya at patuloy pong nagsiserve kay God. I’m really a very proud daughter for having a very great daddy like you. I love you so much Dada. Please take care of your health always. Kaya ko po lahat basta palagi pong kayong malusog, masaya, at nagmamahalan. Miss na miss na po kita Daddy. Mwah.

Pwede pa lang bumati ditto mahal naming author e. Heheley. God bless us always. J

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?