comment - Monday of the Second Week in Lent

cielah, gusto ko to. eto na cguro ang pinaka thankful ako na pina realize sa akin noon ng kaibigan kong weird. ang wag mag judge ng ibang tao at wag nanggagatong kht magmukha ka pang plastic. pero minsan nasasali p rn ako pag mau usapan pero madalas eh "ah gnon ba"ang comment ko. by blogger
reaction ko:
Mhirap tlgng umiwas sa ganun. pero napansin ko rin na kapag pinaparamdam mong gusto mo iyong mga negative na usapan, patuloy nilang ipapasok iyon. Kapag sa simula naman, iminumulat mo na sa kanila na you don't entertain those kind of chat, magaganda ang mga topics niyo. Napansin ko iyan sa pakikihalubilo ko though hindi ko talga maiwasang makarinig at mapangiti.

Isa pa, pansinin mo rin. kunwari 5 kayong magkakaibigan, A, B, C, D at E. Kapag wala si A, siya ang pag-uusapan. Kapag wala si B, siya naman ang topic....

Heto pa, mag-ingat ka sa mga taong nagsasabi ng negative sa kapuwa mo at itstsimis sa iyo. Kung nagagawa niya sa iba, palagay mo kaya hindi niya kayang gawin sa iyo iyon? Baka pag nakatalikod ka na, ikaw naman ang pulutan. Sa mga ganoong tao, ipagkakatiwala mo ba ang secret mo?

Isa pa ulit, smart people talk about ideas while foolish people talk about people. Doon na ako sa smart para kahit pano maging smart ako ng kaunti. hehehe

Nasa bible yata to pero I'm sure nasa 7 habits of highly effective people. Ang idea na ito ang pinakanagstruck sa akin when I was in 2nd yr college.

Napakacorny kong tao kung hindi ako nagsabi ng negative sa kapuwa ko. Ang kaibahan lang ay nagkukuwento ako sa mga piling tao na alam kong maruong magtago ng sikreto. at saka ang intention ko kaya ko sila sinasabihan ay para magkuwento ng nangyayari sa buhay ko at hindi para mangtsismis. bowowow

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?