pahabol - light


Hello ulit PYM!
Narealize ko lang kanina habang nakafeel ako ng guilt na hindi ko nayaya iyong kaibigan ko sa misa - it's not enough na nagsisilbi tayo sa Panginoon. Nagsisimba nga ako at nakakatugon sa lahat ng panawagan ng Diyos kung hindi ko naman naipapasa sa iba, balewala rin.Tama na sa umpisa sarili muna natin ang pagyamanin natin pero kapag nakafeel na tayo na puwede na tayong manghikayat simulan na natin sa mga kapamilya natin at sunod naman sa ibang kapuwa. Mas matutuwa si God kung naibabahagi mo sa ibang tao ang mabuting balita.
Nairelate ko naman sa homily ni Fr. kanina tungkol sa light. Ang main message niya ay para maibahagi natin ang light dapat kakitaan muna tayo ng liwanag. Halimbawa, tayong mga PYM, paano natin mahihikayat ang mga kasama natin sa bahay sa mga gawaing simbahan kung hindi nila nakikita sa atin ang "isang mabuting lingkod?" Paano mo sasabihin na Nanay mo na magsimba kayo kung katatapos mo lang awayin ang kapatid mo? Maliban pa ron ay nagmumura ka at maraming bisyo. Medyo mahirap nga ang panawagan na iyon pero kung sisimulan natin sa small steps malayo rin ang mararating.
Nawa'y kakitaan tayo ng liwanag at unti-unti nating mahikayat ang mga mahal natin sa buhay para maranasan din nila ang kasiyahan kapag nagsisilbi sa Panginoon.
PYM, salamat sa pagiging kaisa ko sa paghahatid ng mabuting balita. Sobrang pasalamat ako sa lahat ng bumubuo ng PYM. Aasahan ko na sasamahan niyo ulit ako at ipagpapatuloy ang AG. Medyo mahihirapan tayong yayain ang mga youth kaya simulan na natin habang kids pa lang sila. At kapag lumaki na sila, madali na silang yayain dahil nasanay na sila sa mga gawain natin.
Kanina, may youth mass dito sa parokya namin. Naalala ko nong youth pa ako. Natutuwa ako at naging makabuluhan ang buhay-kabataan ko. Bilang ganti, nais ko ring ibahagi sa ibang mga kabataan ang lahat ng naranasan ko. Naniniwala ako na malaki ang naging part ng PYM sa mga biyayang natatanggap ko ngayon. Marami akong time, talent and treasure na inihandog sa kanya noong bata pa ako at sobrang siksik, liglig at apaw naman ang bumabalik. Maaari rin kayong maging kagaya ko. Kung mahal niyo ang mga kaibigan niyo, sasabihan niyo rin sila.

God bless. party time

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?