Ang Puso Ko'y Nagpupuri…
And Mary said, "My soul magnifies the Lord, and my spirit rejoices in God my Savior. – Luke 1:47
Hello na naman sa inyo mga kablogs! Nakalipas na naman ang isang linggo na punumpuno ng mga paghihirap na nalagpasan, kaligayahan, pagsubok, at kung anu-ano pang pwede maramdaman nating mga kablogs. Pero syempre palaging happy ang ending dapat dahil tayong lahat ay palaging pinagpapala ng Panginoon.
Para nga pala sa ating kaalaman, sinecelebrate natin ngayong linggo ang Feast of the Assumption of the Blessed Virgin Mary. Ito yung time na ginugunita natin ang pag-akyat ni Mama Mary sa langit. Si Mama Mary, ang butihing Ina nating lahat. Meron isang kaibigang nagshare sa akin. Sabi nya sa akin, palagi-lagi nyang pinagdarasal na sana maging katulad sya ni Mama Mary kahit papaano. Maraming beses na raw noon na gumaganap sya bilang Maria. Nang magsimba raw sya ngayon, natutunan nya na ang pag-akyat ni Mama Mary sa langit ay hindi soul lang nito ang umakyat. Kundi pati ang katawan ni Mama Mary. Ganoon din daw kapag pupunta na rin tayo sa destinasyon natin – syempre ang langit din. Hindi lang ang soul natin ang pupunta roon kundi pati ang ating mga bodies. Kaya dapat na alagaan daw natin ito. Katulad ni Mama Mary, alagaan natin ang ating mga katawan dahil ito ay itinuturing na tahanan ng ating Panginoon.
Sabi sa homily ng Parish Priest ditto, meron daw tayong 3 bagay na dapat hindi kalimutan:
1. God ALWAYS forgives.
Gaano man tayo magkasala palaging handang magpatawad ang Panginoon.
2. Men SOMETIMES forgive.
2. Men SOMETIMES forgive.
Kahit papaano marunong naman maawa ang tao kaya kahit gaano kabigat ng kasalanan marunong ding magpatawad. Lalo na kung iisipin mong si God nga nagpapatawad ikaw pa kaya...
3. Nature NEVER forgives.
Part ng nature ang ating mga katawan. Kaya kung halimbawa na puro tayo softdrinks sa araw-araw, ahem, wag daw nating tanungin si God kung bakit may diabetes tayo dahil Nature NEVER forgives. Kung halimbawa na pinuputol natin ang mga puno, kahit na ano raw panalangin natin kay God na wag bumaha, babaha pa rin dahil nga Nature NEVER forgives.
Pinapaalala sa pagbasa ngayon na dapat na pahalagahan at mahalin natin ang ating mga sarili pati na ang ating mga katawan dahil ito ay tahanan ng ating Panginoon. Sa ganoong paraan, pwede rin tayong maging katulad ni Mama Mary. Na dahil nananahan si God sa atin, dapat na alagaan natin ang ating mga sarili.
Ang Puso Ko'y Nagpupuri… Ang puso ni Maria ay nagpupuri. Sa ating mga tunay na kaligayahan at mga biyayang natatanggap, tayo ay dapat na magpuri rin sa ating mga Panginoon. Hindi man tayo ganon ka-blessed SA NGAYON na katulad ni Mama Mary, tandaan natin na balang-araw, tayo rin ay makakakanta ng pansarili nating MAGNIFICAT.
Bowowow.
God bless us all always. God is the very first sponsor of 4S. Papurihan natin Sya. :-)

Thanks contributor! mwah
Comments