Masayang Pagod
He said to them, "Come away by yourselves to a deserted place and rest a while." People were coming and going in great numbers, and they had no opportunity even to eat. – Mark 6:31
Happy weekend muli sa inyo mga kablogs! Nakakapagod na linggo na naman ang nakalipas. Lahat tayo ay naging abala sa nakaraang linggong lumipas at kung hindi man abala ay syempre may ginawa naman tayo na lahat ay dapat nating ipagpasalamat sa Maykapal.
Naranasan nyo na ba na maging masayang pagod? “Luka-luka ka talaga, Day!” ika nga ng mga housemates ko kung tatanungin ko sila ng tanong na yun. Hehehe. Karamihan kasi sa atin, kapag pagod, mainit ang ulo, wala sa mood, walang lakas, gutom, stressed, nalulungkot, o kaya, wala lang, walang pakiramdam. Puro negative feelings, pero lahat ay natural lang na mga nararamdaman ng isang tao. Pero lahat ay may katumbas na reward sa lahat ng nararamdaman nating mga pagod. Dapat lang ay alam natin kung paano ito hahanapin. At kapag nahanap na natin ito, doon natin mararamdaman na masaya palang mapagod.
Sa 24 hours na ibinigay ni God sa atin, 8 hours lang ang binigay Nya para sa trabaho ng mga workers o kaya naman 6 hours na pasok sa school at 2 hours na aral sa bahay para sa mga estudyante (minsan nga nagkacutting class pa e.hehehe); paghahanda, pagbyahe, at kung anu-ano pa ay sabihin na nating 3 hours; 3 hours din para sa maayos na pagkain ng 3 tatlong beses sa isang araw, average na 6 hours sa pagtulog ng lahat, at ang 4 hours ay bakanteng oras - oras na nilaan ni God para tayo maging masaya. Papaano? Halimbawa. Bakit ba tayo nagtatrabaho o nag-aaral mabuti? Karamihan ay para sa pamilya natin. Pag-uwi ng bahay, ang apat na oras na natitira ay ideally na para sa ating pamilya at mahal sa buhay. Sila ang humihigop ng pagod na nararamdaman mo pagkagaling sa eskwela dahil ang tamang kuwentuhan lang sa kanila ay pagheal na sa pagod na ating nararamdaman. Doon natin mararamdaman na masaya palang mapagod. Dahil gusto mo ulit na makita ang mga ngiti ng mahal mo sa buhay, lalo na kung swelduhan na o kaya naman ay kapag mataas ang nakukuha mong marka sa eskwela. Sila ang nagpapasaya sa pagod na ating nararamdaman.
Nang minsang magkakwentuhan kami ng mga kasama ko sa bahay tungkol sa hirap ng buhay OFWs, namiss naming lahat ang mga mahal namin sa buhay. Dito kasi sa malayong pook, kelangan mong matutuhang alagaan ang iyong sarili para makasurvive. Kailangan mong magluto para sa sarili mo, labhan ang mga damit mo, mamalantsa, at gawing makabuluhan ang mga bakanteng oras mo para hindi ka malungkot. Namiss namin yung pag-uwi namin ng bahay galing sa trabaho, nariyan na at nakahanda na ang pagkain para sa yo, lalabhan nila yung damit pamasok mo, paplantsahin, at makikita mo kung gaano sila kasaya sa konting pasalubong pagkasweldo. Sabi ni God sa pamamagitan ng pananalig ko sa Kanya, kahit na malayo tayo sa nakasanayang masayang kapaguran kasama ng mga mahal natin sa buhay, inooffer Nya ang sarili Nya sa ating mga nasa malalayong pook para ibigay hindi man ang pisikal nating pangangailangan, kundi ang emosyonal at spiritwal. Gusto Nya rin tayong mapahinga. Gusto Nya lahat tayong magpahinga sa mga pagod, sakripisyo, at lahat ng hirap na nararanasan natin. Na magagawa lamang natin kung bibigyan natin ang ating mga sarili ng pahinga sa piling Nya. Ang 1 hour na pagsisimba every week ay katumbas ng 1 buong taong pahinga at saya. Ang saya na hindi natin nakikita, dahil ito ay sayang panginternal. Tunay na saya sa ating kalooban.
Sa mga kababayan ko na nasa Pilipinas, imaximize natin ang panahon at oras sa pamilya natin at mga mahal sa buhay. Lasapin natin at pahalagahan ang bawat sandali na kapiling natin sila. Wag natin silang pagbuhusan ng init ng ulo kapag napapagod dahil sa kanila din tayo makakakuha ng lakas para magpatuloy. At higit sa lahat, lalo na sa ating mga kakabayang OFWs, maglaan tayo ng oras sa Panginoon. Sa ganitong paglalakbay natin mas higit nating kinakailangan ang presensya Nya. Wag tayong panghihinaan ng loob sa mga panahon na akala natin ay wala na tayong matatakbuhan at malalapitan. Dahil nariyan lamang Sya palagi kasa-kasama natin. Tayo’y Kanyang palaging tinatawag at tayo lamang ang hinihintay para maglaan ng oras para sa Kanya.
Sa oras din ng ating pagtawag sa Panginoon, wag nating kalimutang isama sa ating mga panalangin palagi ang mga pamilya natin, mga mahal sa buhay, at ibang nangangailangan ng ating pagdarasal. Na palagi kong ginagawa para sa kaibigan kong si Carla. Tulungan nyo akong manalangin para ibigay na ni God ang magandang career na inihanda para sa kanya ha.
Paalala ulit: Wag kakalimutang magpahinga – sa pamamagitan ni God, pamilya, mahal sa buhay, mga kaibigan, at iba pa. Sabi nga sa kanta, “Stop and Talk A While.”
God bless us all always.
Comments