back to bow

The apostles returned... Mk. 6:30

Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Ang tagal na rin bago ulit ako nakabalik. Talagang namiss ko ang paggawa ng blog. Ano? Oo, sa 3 linggong nakaraan iba ang gumagawa ng blog. Nakakatuwa nga rin kasi nadagdagan na tayo ng blogger. Sa palagian niyang pagbabasa ng blogs ko hindi mo na mahahalata na magkaibang tao pala ang nagsusulat. Nag-emote kasi ako kaya nagstop muna akong magblog. Marami akong blogs tungkol sa motivation, worry-free at kung anu-ano pang pagpapatibay sa isang tao pero totoo rin ang kasabihang madaling sabihin mahirap gawin lalo na at kapag ikaw na mismo ang kumakaharap ng pagsubok. Kaya ganoon nga ang nangyari, sabi ko sa kaibigan ko siya na muna ang magblog hanggat hindi ko pa nalalagpasan ang low point na kinakaharap ko ngayon.
Tapos sa misa kahapon, umpisa pa lang ng kantang "Sing to the Mountains" gusto ko nang maiyak. Gusto ko nang sabihin sa Kanya na nahihirapan na ako at gusto ko nang malaman agad kung anong plano Niya. Good luck na lang sa akin kung kausapin Niya ako. hehehe. Kaya ayun idinaan ko na lang sa kanta.
Sing to the mountains, sing to the sea
Raise your voices, lift your hearts
This is the day the Lord has made
Let all the earth rejoice....
Nainspire lang akong bumalik sa dati kong gawain na pagbablog every week sa kabila ng kinakaharap ko dahil na rin kay Fr. Paul. Katatapos lang kasi niyang operahan sa tuhod pero makikita ang willingness niyang magcelebrate ng mass para mapalalim ang mabuting balita kahit nahihirapan siyang tumayo nang matagal. Parang ipinaparating sa akin na ituloy ko pa rin ang mabubuting gawain sa kabila ng hirap at pagsubok. Gaya rin ng pagbasa, the apostles returned kaya from now on makakabasa na ulit kayo ng mga blogs ko. Nadagdagan pa tayo ng sharer kaya 2 blogs na every week.
Magaganda rin ang ibinabahagi ng sharer natin. Nakakatuwa rin. Kapareho rin ng homily ni Fr. Paul na dapat daw ay magkaroon tayo ng time kay God. Kung si Hesus nga ay lumalayo minsan sa mga alagad Niya para lang magkaroon Siya ng quiet moment. Sikapin din nating maglaan ng oras para sa Panginoon. Naaalala ko rin na ang sabi nila hindi raw iyong puro tayo ang nagsasalita, maging tahimik lang tayo at pakinggan natin ang mensahe Niya.
Medyo late na rito kaya sa susunod na lang ulit ha. Gigising na ulit ako nang maaga para makapagblog. Pakisama niyo na rin ako sa prayers niyo na sana ay makahanap agad ako ng mas magandang trabaho.
Anuman ang kinakaharap nating problema palagi lang nating tandaan na hindi ibibigay ni God kung hindi natin kakayanin. Kailangan lang nating pagtibaying lalo ang ating pananampalatayang ang lahat ay naaayon sa plano Niya. He sees the big picture.
bow
God bless us all.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?