Be Walastik Part 2



"For the sake of ten good people, I will not destroy Sodom." Gen. 18:32


Hello mga kablogs! Sabi ko matutulog ako ng maaga ngayon, mukhang uumagahin na naman. hehehe. Hindi talaga kumpleto ang aking week kapag walang blog. Kahit isa lang ang nagbabasa ng blog ko, tuloy pa rin.

May mga ideas na kahapon pa lang kaya lang ang hirap ng pagsama-samahin kapag exhausted na. Bahala na si Batman... Si Carla na lang ikukuwento ko para madali.
"6 lang sa inyo ang papasa!" sabi ng professor nya sa PRAC2. Hindi ko na maalaala iyong kuwento niya sa iba pang sinabi ng prof niya basta sabi niya buti na lang isa siya sa anim pero sinabi rin niya na siguro iyong mga kaklase niya galit na galit sa prof na iyon o iyong iba naman ay nagising at nag-aral nang mas mabuti para mapatunayan sa prof na hindi totoo ang sinasabi niya. Ang naging resulta ay ilan nga lang ang nakapasa sa batch nila.

Sa pagninilay-nilay ko, kahit ganoon pala katerror iyong prof na iyon, nakakatuwa pa rin kasi kahit sa tantsa nya ay maliit lang ang chance ng papasa sa class nina Carla, hindi pa rin sya nawalan ng ganang magturo. Siguro kung loko-lokong prof iyon, magiging tamad na lang at iisiping kaunti lang naman ang may mapapala bakit pa ako magpapagod?

Naalala ko rin ang isa kong kaibigan na ang hangad ay masuportahan ang mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagpapaaral ng isang pinsan sa bawat pamilya. Ang paniniwala niya ay kapag may isang nakapagtapos ng pag-aaral sa bawat pamilya ng kapatid ng Nanay niya, magiging maginhawa ang angkan nila. Hindi pa nangingibang bansa iyon may sinuportahan na siya kahit kaunti. Hindi ko na matandaan kung nakatapos ng 1st year iyong unang pinsan na sinuportahan niya basta ang naging ending ay nag-asawa nang maaga.

Hindi sumuko iyong kaibigan kong iyon, may pinaaral ang Tita niyang 3 pang pinsan. Siya, kahit hindi naman sapat ang sahod, nakikitulong din. Nagkaproblema ang Tita niya sa ibang bansa at nagkaroon naman ng issues between her mother at kapamilya ng isa niyang pinsan kaya ang kinalabasan, hindi rin nakatapos ang 3.

May isa pang pinsan na kahit kaunti rin ay natulungan ng pamilya nila. Matalino ang pinsan niyang ito. Gagraduate na lang, nagkaproblema pa kaya nadelay ng isang semester. Nagkaroon man ng pagsubok, nakagraduate pa rin ang pinsan niyang ito at ngayon nga ay unti-unti ng nagiging successful sa napuntahang career.

Sa istorya ni Carla, 6 ang nakapasa sa 30 students o 20%.

Sa istorya ng kaibigan ko, nagsimula sa isa, nadagdagan ng 3 at isa pa. 5 pinsan, isa lang ang nakapagtapos. 1/5 o 20%.

Tinanong ko iyong kaibigan ko, "Friend, buti hindi ka sumuko noong unang failure mo sa pinsan mo? Hindi ka ba kinakabahan na sa mga pinapag-aral mo, 20% lang ang makakapagtapos?"

Heto naman ang sagot niya... (Magkakilala pala sila ni Carla) "Kagaya ng professor ni Carla, kahit ilan lang ang alam kong makakapasa sa board, ipagpapatuloy ko pa rin ang pagtulong sa mga nangangailangan dahil hindi natin alam na iyong ILAN na iyon ay magiging stars in the future. (Idinamay pa ako) Kagaya mo rin Shel, kahit isa lang ang reader ng blog mo nagpapatuloy ka pa rin. Isa lang ang natatouch mong kaluluwa pero sobra ang effect sa buhay niya. Isa pa ay hindi biglaan ang effect ng mga ginagawa natin. Lastly, everything happens for a reason. Siguro, ngayon ay nagsisisi iyong pinsan ko dahil imbes na nag-aral siya nong may chance siya, hindi niya ginawa. Siguro natuto siya o talagang iniadya na mangyari iyon sa kanya para matuto ang mga taong nakapaligid sa kanya. Siya ang nagsilbing lesson para iyong mga pinapaaral ko ngayon ay mag-isip ng maraming beses bago sila gumawa ng 'hindi tama.' Ang opportunities sa buhay ng tao ay minsan lang kakatok. Kapag hindi mo binuksan ang pinto, maghahanap ng iba iyan." Dinagdagan pa nito, "para sa lahat ng mga nababahaginan ng blessings ko, hindi ako naniniwala sa 20%. Naniniwala ako na lahat kayo ay may potensyal at makakagtapos ng pag-aaral! Gaano man kalakas ang pressure ng mundo, maging matatag kayo. Sa mga babae, puwedeng mainlove pero saka na magbaby. Sa mga lalaki, puwedeng manligaw pero alamin ang limitasyon. Para sa lahat, ayos lang magbarkada pero kapag exams dapat ay nag-aaral. May panahon sa mga gimiks pero palaging isipin kung ano ang mga priorities."

Ayun lang. Nairelate ko lang sa 1st reading kasi hindi dinestroy ang Sodom kahit ilan lang mabuti kumpara sa masasama. Maganda rin ang message ng gospel about sa paghingi natin kay Lord. Inirelate ko ulit sa mga nag-aaral kasi kahit anong wish niyong gusto niyong makapagtapos ng pag-aaral kung hindi niyo gagawin ang part niyo, walang patutunguhan iyan. Sayang ang mga pera ng mga magulang niyo. Buti na lang mababait iyong mga scholars ng kaibigan ko.... bow.

God bless everyone!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?