give me 5!
"Truly I say to you, this poor widow put in more than all those who gave offerings." Mt. 43
Hello mga kablogs! 12:45 rito. 12:45 ng madaling araw. hehehe. Katatapos ko lang kasing gawin iyong video na matagal ko nang gustong gawin. Oks naman at sana mapanood niyo. Hindi talaga kumpleto ang week ko kapag walang blog kaya heto na at para makatulog na rin ako. Oo nga pala, maganda ulit ang sharing ng isang blogger kaya kung ako sa inyo babasahin ko rin iyon.
Pagbukas ko kanina ng email ko, bumungad sa akin ang mga sponsors na magpepledge ng Php25, Php50, Php100 at Php500 every month. Grabe nakakatuwa talaga. Nakakataba ng puso at naisip ko agad na ipagdasal iyong mga taong iyon. Iyong pakiramdam na sana magawan ko sila ng pabor o iyong desire na sana matupad iyong mga wishes nila. Nagegets niyo ba ang ibig kong sabihin? Hmmm. Parang bigla tuloy akong napaisip na siguro ganoon din si Lord kapag nasosobrahan Sya sa saya. hehehe. Igagrant Niya iyong mga requests ng mga tao syempre kung makakabuti para sa kanila. Salamat ulit sa mga magpepledge. Kahit pa Php5.00 yan, matutuwa ako dahil kahit sa paningin mo ay katiting iyan, sa paningin naman ng mga nangangailangan katumbas nyan ay kabuhayan.
Ang pagbasa ngayon ay nakafocus sa pagbibigay. Sinabi ni Hesus na mas cheerful giver pa ang balo kasi ibinigay niya ang part ng kanyang kabuhayan. Kanina sa misa naisip ko ang 2 balo na malalapit sa akin. Una ay ang nanay ko at ikalawa naman ay ang Tiya Nelia ko. Common attitude nga ng 2 balong ito ay ang magbigay kahit wala nang matira sa kanila. Masaya silang nakakatulong sa kapwa. Siguro kaya marahil pinagpala silang 2. Si nanay, sa mga mababait na anak (ehem) at si Tiya Nelia sa mga malulusog na apo. Pinapaalala sa ating lahat na matuto tayong magbahagi sa ating mga kapuwa...
Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng 4S CORE members. Sinong mag-aakala na pagbubuklurin ang aming mga puso ng iisang adhikain, ang makatulong sa kapuwa. Iyong mga kasama ko sa CORE ay mga kaibigan ko sa iba't-ibang sets ng friends - Childhood barkada, Elementary, High School at sa trabaho. Iyong isa nga ron ay boss ko pa. Naging maganda rin ang responses ng mga nakabasa ng blogs tungkol sa 4s. May mga kabatch ako noong High School na willing sumuporta. Tunay ngang maraming may mabubuting kalooban kaya lang hindi nila alam kung paano makakatulong. Nawa'y mai-link namin ang mabubuting taong ito sa mga taong nangangailangan.
Hanggang dito na lang muna ha. Masakit pala sa ulo ang magpuyat. hehehe. To be continued.
Comments