OH MY BLOG - 2011 version
Hello mga kaibigan sa FB, mga followers ng blogs ko at sa lahat ng makakabasa nito.
Kung anuman ang pinapagdaanan ko ngayon sa aking career, ito ay kapareho noong 2009 at 2010. Hindi ko makakalimutan iyong 2009 kasi sobrang kaba ko kaya nakapagblog ako ng tungkol sa pangarap kong scholarship foundation. Babalitaan ko na lang kayo kung anong mangyayari ngayong 2011 dahil kahit ako hindi ko pa rin alam. Pakisama na rin ako sa prayers niyo.
Simula ng blog na iyon, nagsimula lang kami sa ZERO balance at ngayon ay may Php80,000+ na kami galing sa mga kaibigan ko from previous companies, mga kaibigang nakilala sa aking paglalakbay, mga kaklase at mga nakilala sa FB.
Isa kong pangarap ay makapagpublish ng book pero busy pa ang aking editor kaya malamang mananatili pa ring pangarap iyon. hehe. Nahiligan ko kasi talagang magblog na my week will not be complete kapag hindi ako nakapagblog. Tapos, I heard puwedeng pagkakakitaan ang blogging kaya naisip ko bakit hindi ko alamin para naman nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko, kumikita pa ako.
Wala akong balak angkinin ang kikitain ko sa book publishing o blogging. Lahat ng iyon ay mapupunta sa 4S - Share a Secret Spread Success. Ang daming puwedeng gawin sa community para makatulong sa maraming bata at kabataan pero kulang talaga sa pananalapi. Gustuhin ko mang saluhin ang mga problema nila sa pag-aaral, hindi talaga kaya ng budget.
Ang daming problemang dapat solusyunan kaya lang wala namang pera. Gusto ko sanang magbigay ng school uniforms sa mga batang nag-aaral sa Elem at HS eh iyong pinsan ko ngang kailangan din ng uniform hindi ko mabigyan. Gusto kong magpakain sa mga bata kaya lang mismo iyong family ng friend ko na hindi nakakakain nang maayos, hindi ko nga matulungan. Gusto kong sagutin ang pamasahe ng ilang nag-aaral sa HS by having multi-cab na parang school service, eh iyong gusto nga ng kapatid kong pambiyaheng sasakyan, hindi ko maibigay.
Itong mga bagay na ito ang pangarap ko pero nahihirapan akong tuparin kasi nga hindi ko naipoprovide sa immediate family ko dahil nga kapos din ako sa budget tapos gagawin ko pa sa iba. Nakakahiya namang humingi sa pondo ng 4s kasi para sa college scholars namin iyon.
Kaya, sabi ko I need to make something else. Mahilig po akong magblog at feeling ko may nagbabasa naman. Hindi ko pa natututunan iyong kikita sa pamamagitan ng number of viewers o iyong click-click kaya heto na muna ang naiisip kong gawin para kumita. Promise, wala akong kukunin sa kita. Lahat iyan ay itutulong natin sa ibang tao.
1) Maaari kayong bumili ng t-shirts
2) Maaari rin kayong bumili ng mugs
3) Kung may businesses kayo, puwede kong ipromote iyon sa blogs ko. Php100.00 kapag walang picture at Php200.00 kapag may picture.
4) Mention friends' name - Kung may gusto kayong igreet kunwari birthdays o annieversaries, isasali ko sila sa blogs ko. Php50.00 kapag walang picture at Php100.00 naman kapag may picture.
Kakaiba no?! hehe. Ganyan talaga ako, kapag may naisip ginagawa. Kung mag-click, salamat sa Diyos. Kapag hindi nag-click, ano ngayon, wala namang nawala. Why not try diba? Nakareceive rin ako ng message from God's whisper - mag-iisip lang daw tayo at gagawa ng hakbang tapos si God na ang bahala sa details...
Bow!
Pahabol - malapit na pala birthday ko. Never kong ipinaalam iyon sa iba. Tapos, nong umuwi ako sa Pinas, kinakantiyawan ako ng mga kaibigan ko - "Te Shel, malapit na bday ha. Saan tayo?" Sabi ko lang, "magpapakain tayo sa mga bata. Tayo ang magiging tagabigay ng isang mangkok na lugaw." Nagpapahaging sa mga kaibigan na kung gusto mong maging part ng bonggang birthday ko, samahan mo akong magpakain ng lugaw. :-) Kung hindi ka puwede, tumatanggap ako ng cash donation. hehe.
God bless us all!
Comments