STARS



"The Spirit of the Lord is upon me. He has anointed me to bring good news to the poor, to proclaim liberty to captives and new sight to the blind; to free the oppressed and announce the Lord's year of mercy." Lk. 4:18-19

'"Today these prophetic words come true even as you listen." Lk. 4:21



Hello mga kablog! 10:24pm Saturday Cinci time. I was contemplating kung gagawin ko ba iyong project ko, matutulog na ba o magbablog. Nanalo ang pagbablog kaya heto na kahit kumikirot na ang aking ulo. Paawa effect yan.

Napansin niyo ba iyong mga posts ko sa FB? Pinanood ko kasi iyong movie entitled Knight's Tale at talagang nainspire akong lalo sa kuwento. Ang tindi kasi ng paniniwala nong bida na mababago niya ang kanyang kapalaran. Pinag-igihan niyang mabuti para matupad ang pangarap niya at pangarap din ng tatay niya for him. Touched nga ako sa isang scene kasi sabi nya "I'm afraid" tapos sabi nong Tatay "Just follow your feet."

Sino nga ba naman ang makakapagsabi na isang star lang ang nabago, naging chain ang effect sa pamilya namin. Labing-apat na magkakapatid sina Nanay. Magsasaka si Lolo (naging kapitan din) at manghihilot naman si Lola. Ang ikinabuhay lang nila ay sa tuwing mag-aani ng mga palay at kaunting kinikita ni Lola. Sa labing-apat na magkakapatid ang Nanay ko lang ang bukod tanging nakapagtapos ng pag-aaral. Mahirap man sila, sinabi niya sa sarili niyang "I can change my stars." Nong magkapamilya at naging mga anak niya nga kami ipinangako niya sa sarili niyang hindi niya ipapadanas ang hirap sa amin gaya ng dinanas niya nong nag-aaral pa lang sya. Palagi niyang kinukuwento na kapag uuwi sya sa Mindoro para humingi ng pambayad sa tuition fee at humingi ng allowance, maaabutan niya sina Lolo at Lola sa gitna ng bukid at mag-iiyakan lang sila. (Ibig sabihin non walang maibibigay na pera kay Nanay). Kaya naman nong kami na ang nag-aaral, lahat ng pangangailangan namin ay ibinigay ni Nanay. Hindi ko malilimutan ang halos araw-araw na pag-ikot ng puwit ni Nanay sa paghahanap ng maibabaon namin. Wala ng natitira sa kanya dahil nga napupunta sa aming lahat. Nagbunga naman ang paghihirap nya dahil naging mabubuti kaming mga anak sa pangunguna ni Ate Nym. Hindi batid ni Nanay na sa bawat araw na mga nagdaan itinanim ko sa puso't isipan ko "I WILL CHANGE OUR STARS." "Papaginhawain ko ang Nanay ko at ipapadama ko sa kanya ang sarap ng buhay. Ang pakiramdam na may pera sa bulsa at iyong hindi na nangungutang kundi nagbibigay pa." Hindi pa man lubos ang pag-abot ko sa mga stars, I'm proud to say na unti-unti ng nakakaranas ng ginhawa si Nanay.

"The Spirit of the Lord is upon me. He has anointed me to bring good news to the poor, to proclaim liberty to captives and new sight to the blind; to free the oppressed and announce the Lord's year of mercy."

Sa buhay namin, naisip ko rin ang ibang pamilya. Isa lang si Nanay sa maraming Nanay na nahihirapang magpaaral ng mga anak. Tapos pansinin niyo - kapag nakapagtapos ang panganay, makakapagtapos ang mga kasunod. Kapag hindi nakapag-aral ang panganay karaniwan hindi na rin nakakapagtapos ang ibang mga kapatid. Kapag walang nakapagtapos ng pag-aaral sa pamilya karaniwan ay mababa ang income kaya kapag may mga emergencies gaya ng may kailangang ipagamot namamatay na lang ng dilat kasi nga wala namang means. Kaya naman narito kaming 4S para "sagipin" ang mga pamilyang iyon sa habambuhay na kahirapan. Mas madali mababago ang mga STARS ng kabataan kapag mayroong kagaya natin na aalalay sa kanilang pag-aaral. Kapag nakapagtapos ang isa sa pamilya, masusuportahan na nila ang mga kapatid at mga kamag-anak hanggang sa maraming-marami nang makakapagtapos ng pag-aaral. Magiging maginhawa ang pamilya, maraming pamilya at malay natin ang buong Pilipinas.

"Today these prophetic words come true even as you listen."

Batid kong ang lahat ay may mga pangangailangan na kailangan ding tugunan. Pero naniniwala din ako na tayong lahat ay may labis. Kagaya ng palagi kong sinasabi na buksan natin ang ating mga palad, makakawala ang blessings pero marami ring blessings na makakapasok. Muli akong kumakatok na pakinggan niyo sana ang aking hinaing. Sa pagbili niyo ng lapis, makakatulong kayong mabago ang stars ng mga kabaataan na sinusuportahan namin sa kanilang pag-aaral. Sa halagang Php50.00 maaaring 50 lives din ang mabago mo. Change one's stars by sharing your stars. bow.

Ipinapagawa na po namin ang mga lapis at malapit na rin naming makuha. Magbebenta na rin kami soon at inaasahan po naming makalikom ng sapat o higit pa para pantugon sa mga pangangailangan ng scholars. I cannot do this alone, we (4s Core Team) cannot do this by ourselves either, we need your help, we need your assistance...

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?