4S Launching

Simula pa lang iyang napanood ninyo. Bago tayo magpatuloy, kailangang ma-acknowledge ko muna ang lahat ng mga naglaan ng oras para lang makapunta rito – ang mga taong naging part na ng aking buhay simula noon hanggang ngayon. Unang una na ay ang Parish Youth Ministry na halos pagbuhusan ko ng aking time noong hindi pa ako nagtatrabaho sa ibang bansa. Sumunod dyan ay ang aking mga kamag-anak at mga kapit-bahay na itinuring ko ng aking pangalawang pamilya. Syempre, narito rin ngayong gabi ang mga kaklase ko sa elementary at HS. Papahuli ba naman ang mga nakasama ko sa trabaho (Nalate ang mga Megapips). Narito rin ang mga naging teachers ko sa paaralang ito. Higit sa lahat ay kapiling din natin ngayon ang aking pamilya na palaging nakasuporta sa aking mga plano. Sa iba pang mga kaibigan, sa inyong lahat ISANG MAGANDANG GABI.
Tunay pong napakahalaga sa akin ng gabing ito. Sino ba namang mag-aakala na ang isang mahiyaing Shiela ay nasa harapan ninyo ngayon, may hawak-hawak na microphone na akala mo'y isang pulitiko. Sa totoo lang kahit po ako ay nabibigla rin sa mga nangyayari. Mas lalo kong pinapaniwalaan ang kasabihang kahit isang simpleng mamamayang tulad ko ay hihipuin ng Diyos para maging instrument ng pagmamahal Niya. 4S o Share A Secret, Spread Success - iyan po ang dahilan ng lahat kung bakit nagkakatipon tayo sa lugar na ito bukod sa ating annual reunion. Para po sa kaalaman ng lahat, ugali ko nang bisitahin ang mga kaibigan ko sa tuwing ako’y magbabakasyon. Ngayong gabi ay ang official na opening ng project na ito. Ito po ay organization na naglalayong makatulong sa mga kabataang gustong makapagtapos ng pag-aaral pero kapos sa pananalapi.

Unti-unting nabuo sa isipan ko ang foundation na ito noong nasa kolehiyo pa lamang ako. Ilang beses ko nang nabanggit pero paulit-ulit kong sasabihin na halos araw-araw noong kami’y nag-aaral, inuutang ng nanay ko na ang aming baon para lang makapasok kami at hindi magutom sa eskuwelahan. Hindi pa niya nga sinasahod, nautang na niya agad. Hindi ko alam kung anong magic ni Nanay pero batid kong matindi ang pinagdaanan niyang hirap mapagtapos lang kami sa aming pag-aaaral. Kaya sabi ko balang araw ipaparanas ko kay nanay ang masaganang buhay. At unti-unti ko ring babawasan ang mga kagaya niyang nanay na nangungutang lalo na sa mga Bombay.

Mas lalong nabuksan ang aking puso at isipan sa mga kabataaan at mga kamag-anak na nakapaligid sa akin. Pinalad lang po akong magkaroon ng magandang hanap-buhay pero ang katotohanan niyan ay mahirap lang ang aming pamilya. Sa mga karanasan ko at ng mga taong nakapaligid sa akin, marami akong realizations. Kapag hindi na nakapagtapos ng pag-aaral ang panganay, hindi na rin magtutuloy ang mga kasunod na kapatid. Ang kakulangan din sa pag-aaral ang kadalasang nagiging sanhi ng early marriages. Karaniwan din na kapag pinanganak kang mahirap, mamamatay ka na ring mahirap. Sabi ko sa sarili ko, isa mga kasagutan sa mga isyung ito ay ang EDUKASYON.

Para po sa karagadagang detalye about sa foundation na ito, makipagugnayan lang sa akin o kahit sino sa mga 4S CORE members. Makikita iyan sa mga profiles namin sa Facebook.
Bilang pangwakas, nanininiwala akong ang lahat ng naririto , mapabata o matanda ay may mga pangarap. Maging inspirasyon sana ang gabing ito para sa ating lahat. Anuman ang ating pangarap basta’t naaayon sa kalooban ng Diyos, Siya ang gagawa ng paraan para matupad natin ang mga iyon. There can be miracles when you believe.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?