Untitled. Sleepy
Leave it one more year... if it doesn't, you can cut it down. Luke 13
Hello mga kablogs! Medyo nalate ang blog ko ngayon. Dahil late night na rin dito, iiksian ko lang para makatulog ako bago mag-12.
Paghahaluin ko ang blog ngayon sa pagbasang The Prodigal Son at itong pagbasa ngayon about sa figs on the tree. Naramdaman mo na ba kahit minsan iyong parang may kinikilingan ka? Ayan iyong homily ni Fr. sa misa noong isang araw. Mayroon daw nanay na may labing-apat na anak tapos tinanong siya ng isang kabataan kung may favorite raw sya sa mga anak nya. Ang sagot daw ng nanay ay OO. Mas minamahal daw niya iyong mas nangangailangan ng pagmamahal. Naalaala ko tuloy iyong commercial dati (can't recall iyong product). Top 1 iyong panganay sa klase tapos nakapasa naman iyong bunso. Mas narecognize pa ng mga magulang iyong nakapasa kaysa sa Top 1. Bakit nagkaganun? Dahil ang panganay ay likas na palang matalino at iyong bunso naman ay special child.
Sa buhay ng kaibigan ko nakaranas sya ng ganyan. May mga ibang requests na ginagrant nya samantalang hindi nya maiprovide ang pangangailangan ng mas malalapit sa kanya. Ang dahilan nya bukod sa very tight budget ay mas higit na nangangailangan ang binigyan nya. May guilt feeling din daw kahit papaano pero better naman iyong feeling na napasaya niya ang mga taong higit na nangangailangan. Halimbawa niyan ay humihingi ang kapatid niya ng pambili ng branded coffee at creamer, iyong isang party naman ay humihingi ng pambili ng "Bonna." Sana nasundan niyo iyong message. We give more love sa mga taong higit na nangangailangan. Kung may kaibigan kang kailangan ng listener dahil sa matinding problemang kinakaharap niya, uunahin mo pa bang ichat ang palagi mo nang nakakausap o sa puntong iyon ay bibigyan mo ng priority ang higit na nangangailangan ng time mo?
Sa kabilang banda naman medyo magkaibang istorya pero puwede ring iconnect. Yes, we give more doon sa mga taong higit na nangangailangan pero it doesn't mean na itotolerate natin sila. Kaya sinabi kong magkaibang istorya kasi sabi ng kaibigan ko hindi ito patungkol sa mga nagrant niya ng requests. Ibang anggulo raw ito. Gaya ng sinasabi ng pagbasa ngayong Linggo, puputulin ang puno na hindi namumunga after another year matapos lagyan ulit ng fertilizer. Tama lamang na tumutulong tayo sa kapuwa natin pero dapat maging maingat din tayong mga tumutulong. Maging maingat means dapat siguraduhin natin na tinutulungan natin sila at hindi pinapaasa sa tulong natin. Sabi nga nila "Teach them how to fish and not just give them fish." Halimbawa, may magsabi sa akin "Ate Shel, puwede bang pahiram ng pera para may makain ako." Bibigyan ko sya ng pera pero hindi lang para may pangkain siya kundi para may panghanap siya ng trabaho nang sa gayon he can have his own money pambili ng pagkain nya. Sana nasakyan niyo ulit iyong message.
Bilang pangwakas, lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ni Lord. Mas lalo Niya nga lang pinaparamdam ang pagmamahal Niya kaapg mas nahihirapan tayo. Binigyan din Niya tayo ng pantay-pantay na kakayahan, maaaring hindi pare-parehong magagaling kumanta pero bawat isa sa atin ay may angking kakayahan at talino. Nasa sa atin na iyon para i-discover iyon. Huwag na nating hintayin ang isa pang taon matapos ang maraming fertilizer at kapag hindi na naman tumubo ay baka bawiin sa atin ang kakayahang ibinigay sa atin... Share one of your 3 Ts. Share your time, talent and treasure.
Sa ngayon ay hindi ko pa iniiisa-isa ang mga kaibigan, kaklase at kakilala ko tungkol sa lapis. Hinahayaan ko lang muna kayong makabasa ng mga blogs ko at kung batid niyong may mabuting idudulot, welcome kayong suportahan kami. Hindi lang basta lapis ang ino-offer ng 4S, ang iniaalok namin sa inyo ay ang opportunity na maging part sa isang magandang future ng isang kabataan at maramdaman niyo ang saya kapag nakakapagpasaya ng iba. Sa halagang Php50.00 rin, matutulungan niyo kaming dugtungan ang tulay patungong tagumpay ng buhay-mag-aaral.
Comments