Sunoooooooooog!
"For you, one thing is lacking. Go, sell what you have and give money to the poor, and you will have riches in heaven. Then come and follow me.""It is easier for a camel to go through the eye of a needle than for one who is rich to enter the kingdom of God."
Hello mga kablogs! Sana nag-eenjoy kayo sa mabilis na takbo ng mga araw. Napansin niyo ba iyon? Next week kalahati na ng buwan. 1:30pm ditto sa amin, Oct. 10 ...(biglang tumunog ang fire alarm.) Oct. 11, 2009 7:14 - dapat kahapon ko pa natapos kung hindi lang tumunog iyong fire alarm. Minsan may mga bagay na nangyayari around me para mabigyang focus ang blog.
Sobrang lakas ng tunog, talagang ma-aalarm ang mga residents ng apartment. Hindi ko alam kung may nagkamali lang na pumindot o talagang may sunog. Syempre medyo nagpanic din ako tapos inisip ko kung anu-anong mga mahahalagang gamit ang dapat kong dalhin. Ang nadala ko ay 2 cell phones-roaming/local at wallet with debit card, credit card at kaunting cash. Siguro ay nagtataka kayo dahil walang laptop. Maliit lang kasi iyong bag ko kaya hindi ko na dinala. Kung talagang nagkasunog, ang 3 bagay lang na iyon ang matitira sa akin. Kahit nga passport ko hindi ko naalalang bitbitin. Bigla tuloy pumasok sa isip ko iyong mga nasalanta ni Ondoy na tinangay ang mga bahay. Tsk. tsk. tsk.
Anong connection ng mga pinagsasabi ko sa blog ngayong week? For you, one thing is lacking. Go, sell what you have and give money to the poor, and you will have riches in heaven. Then come and follow me... It is easier for a camel to go through the eye of a needle than for one who is rich to enter the kingdom of God. Lahat tayo ay ipinanganak na walang pag-aari kahit na ano at ganoon din kapag namatay na tayo. Madadagdagan lang ng damit o iyong iba may suot pang singsing pero in essence kaluluwa lang natin ang aakyat sa langit. Iyong mga bagay na naacquire natin simula nong ipinanganak tayo at bago tayo mamatay ay pag-aari lahat ni Lord; manager lang tayo ng mga blessings na iyon. At gaya sa setting ng isang mabuting manggagawa, kapag maayos kang magtrabaho mas maraming ibibigay na responsibilities sa'yo. If you know how to manage God's blessings then He will bless You more.
"Shel, ibinibigay mo ba ang lahat ng kayamanan mo gaya ng sinasabi sa pagbasa?" kunwari tinatanong niyo. Ang totoo nyan ay HINDI. Mayroon din kasi akong nabasa na Love yourself first then others. Syempre kailangan ding satisfied ang giver bago makapagbigay sa iba. Pero syempre mayroon din akong sacrifices para makapagbigay gaya ng imbes na 4x a week na kakain sa restaurant, 3 na lang para maisave ko iyong 1 at maibigay. Iba kasi ang pagbibigay ng excess sa pagbibigay ng sarili through sacifices. Naalala niyo iyong widow na nagbigay ng kaunti tapos iyong iba nagbigay ng marami? Mas cheerful giver pa ang widow kaysa sa nagbigay nang marami dahil ibinigay ng widow ang part ng sarili nya kaysa sa iba na ang ibinigay ay sobra lang.
Sana in your little ways ay nakaramay kayo sa mga nasalanta ni Ondoy. Nakakatuwa dahil marami akong nakitang pictures na nagbigay ng mga relief goods. Kahit nga ang mga kabataan sa amin ay nagbigay din. Sana huli na si Ondoy dahil nakakaawa ang mga kababayan natin. Para sa mga makakabasa nito at sa 4S core group, maglalabas ako ng initial plan para sa testing period ng 4S. Para sa kaalaman ng lahat, official ng sisimulan ang 4S next school year at experiment naman next semester. Ang layunin ng 4s ay masuportahan ang mga bata at kabataan sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng school supplies at allowance. Kung nais niyong makibahagi ay simple lang - maaari kayong bumili ng lapis sa halagang Php50.00 bawat isa o maging regular sponsor sa halagang Ph50.00 every month. Ipaalam niyo lang sa akin para maisend ko sa inyo ang plan.
Masasabi mo bang mabuti kang Manager ng mga blessings na ipinagkaloob sa'yo ni Lord? Hahayaan mo bang madala lang ni Ondoy o masunog ang mga yaman mong natutulog? Sana ay mahikayat ko kayong masimulan ang pagbabahagi na may halong kaunting sacrifice.
Have a blessed week everyone.
Memey, advance Happy birthday!
Comments