SPELL TIRED AND BLESSED

Hello mga kablogs!




Sobrang pagod na pagod ako. Pa'no ba naman hindi ako nakatulog kagabi. Ay hindi pala ako natulog.




Nagtake ako ng exam kahapon. Joke joke lang iyon kasi nga hindi naman ako prepared. Tinake ko lang kasi sayang naman dahil hindi ko rin marerefund iyong binayad ko. Better to take it para magkaidea kapag nagtake ako ng totoo.




Ewan ko ba at iba na talaga ang effect sa akin ng exam ngayon. Kahit hindi ko na sineryoso, sineryoso naman ako at hanggang madaling araw iniisip ko pa rin. Ayay!




Isa lang naman ang dahilan ko why I want to pass that exam - gusto kong maging stable ang trabaho ko para makatulong sa mga nangangailangan. Naks ha. Pero, totoo 'yan.




Akala ng maraming tao ang dami-dami kong pera. Na isang hiling lang nila may paghuhugutan ako. Ayk. Kung alam niyo lang marami rin akong utang.




Kahit saktuhan lang ang pera ko hindi talaga mawala sa akin iyong pagbahagi ng blessings sa iba lalo na sa mga hindi ko kapamilya/kamag-anak. Kaya nga nabuo ang SHARE A SECRET SPREAD SUCCESS. Natutuwa akong nakaka-2 taon na ang 4S at sa kasalukuyan ay may 3 scholars kami (mga kabataang Capri/PYM). Dapat nga 4 na sila kaya lang hindi muna raw mag-aaral iyong isa. Kaya naman, ibibigay namin iyong dapat makukuha ng pang-apat sa pangatlo. Aba, isang araw nagsend ba naman ng message sa akin iyong pang-apat, "Ate Shel,, baka magOCTOBERIAN ako." Hay naku po. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nirereplyan iyong message niya kasi hindi ko talaga alam kung may ipapang-abono ako.




Tapos, dagdag pa iyong isipin sa mga dapat kong bayaran (sariling utang). Samahan pa na makakarinig ako ng mga kabataang gustong mag-aral pero wala silang pantustos. Kung mayaman lang ako, sinagot ko na talaga ang bawat requests nila. Pagod sa trabaho, pagod emotionally, pagod mentally, pagod, pagod, pagod... ssssiggghhh




Kanina sa office, sa gitna ng kaaligagaan namin may message akong natanggap buhat sa dati kong boss at Treasurer ng 4S. May pera raw siyang natanggap mula sa kaibigan namin na kasalukuyang nagtatrabaho sa Abu Dhabi. Pagkabasa ko ng message, sobrang pasalamat na ako kasi akala ko drawing lang itong taong 'to na sa simula active tapos biglang nalanta. Hehe. Kaya natuwa ako kasi para siyang nabuhay. Tapos, nong binasa ko ulit iyong message Php20,000.00 pala ang pinag-uusapan namin. Wow! Sobrang napakalaking biyaya! Akala ko I will forever ignore the message of that hopeful youth na may balak mag-Octoberian kasi nga I don't have any means. Parang that help from Abu Dhabi will make the dream of this kid come true.




Hindi ko talaga inaasahang magiging ganito ang 4S within 2 years. Sobrang pasasalamat ko sa mga kaibigan kong naniniwala rin sa mga pinaniwalaan ko at nagiging masaya rin kagaya ko kapag nagbibigay sa kapuwa. Ang dami pa naming mga nakilalang tao kagaya na lang ng taga-Cebu na ngayon ay based sa Switzerland. Ni hindi ko nga kakilala ng personal at ni isa wala siyang kakilala sa amin pero she's giving HUGE AMOUNT regularly. Nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan kong binabawasan ng Php100, Php200, Php500 o Php1,000 ang savings nila every month para lang samahan ako sa proyektong ito. Wala na akong ibang hiling kung hindi ay gantihan kayo lalo ng Diyos sa kabutihan ng inyong mga puso.




My name is Shiela - I am TIRED BUT BLESSED.




bow

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?