UNTITLED
"So they are no longer two but one flesh. Therefore what God has joined together, no human being must separate."
Hello mga kablog! Oct. 3 7:45pm Chinchy time; Oct. 3 8:45pm at Oct. 4 7:45am Pinas. Feast ulit ni St. Francis de Assissi. Remember iyong song na "Make Me A Channel of Peace."
Sa dinami-dami ng pagbasang maaaring matapat sa linggong ito natapat pa ang tungkol sa pag-aasawa na wala akong kaalam-alam. Wala raw? hehehe. Wala akong experience pero nagkakaroon ako ng clues sa pamamagitan ng mga tao sa paligid ko. Sabi nga nila sa buhay pag-aasawa matutunan ang higit na lesson ng buhay. Sa mga nag-struggle sa buhay may-asawa, palagi niyo na lang sigurong tandaan iyong vows niyo nong ikinasal kayo at kung may mga problemang darating magkasama niyong harapin para happy pa rin ang ending. Para sa mga nalilihis ng landas, open your eyes kasi baka you are still turning left, turn right na pala ang sign. Tandaan mo rin na hindi lahat ng roads ay may U-turns kaya baka sa kaka left turn mo mapunta ka sa dead end... Para naman sa mga hindi pa nakakarelate kagaya ko iba na lang ang pag-usapan natin.
I just watched "Tuesdays with Morrie." Hindi ako nagsisising pinagpalit ang idlip sa movie na ito. Simula pa lang naiiyak na ako at sobrang touched sa mga lessons ni Morrie. Ilang beses ko nang nabanggit na maganda ang book at syempre nirecommend ko rin na basahin niyo tapos nalaman ko through my friend na mayroon din palang movie kaya nong nag-isip ako ng isang espesyal at magandang bagay na gagawin ko this weekend pumasok sa isip ko ang movie watching at iyon ay Tuesdays with Morrie.
There are lots of lessons na matututunan pero syempre baka maging book kung ididiscuss ko lahat kaya pumili lang ako at ito ang mga iyon.
Fear of aging. Lives that haven't found meaning. Am I ready? Am I leading in the life I want to lead? Am I the person I want to be?
When you know how to die you know how to live. We must love one another or die.
Fear of aging. Lives that haven't found meaning. Am I ready? Am I leading in the life I want to lead? Am I the person I want to be? Siguro naman halos lahat sa atin ay natatakot tumanda o mamatay? Kung pagninilayan natin iyong sinabi ni Morrie na kaya natatakot iyong iba kasi hindi nila alam kung anong kabuluhan nila sa mundo. Parang sumusunod lang sa agos. Am I ready? Honestly kung oras ko nang magpaalam sa mga oras na ito hihirit siguro ako kay God na give me more time kasi marami pa akong gustong gawin. At isa sa mga iyon ay mayakap ang mga mahal ko at sabihan sila na mahal na mahal ko sila. Parang alam niyo iyong pakiramdam na may mga dapat ka pang tapusin? May mga unfinished business pa... Kung sisimulan na nating gawin ang mga gusto nating gawin gaya ng pagsabi sa kanila na mahal natin sila o kung ano pa man iyong mga unfinished business na iyon kahit kailan tayo tawagin handa na tayo. Am I the person I want to be? Am I the Shiela (your name) that I want to be? Not yet? Do something!
We must love one another or die. When you know how to die you know how to live. In connection sa naunang lesson at related din sa 4S, sa totoo lang kahit kaunti handa na ako. May mga pangarap ako nong bata pa ako na unti-unti ko nang natutupad sa mga munti kong paraan. Medyo magpo-focus ako sa 4S ha. Uulitin ko lang ang blog ko matagal nang panahon na may mga nagrespond at ngayon ay pinapalantsa na mga matatalik kong kaibigan. Share a Secret Spread Success. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang paniniwala ko na instrument lang ako ni Lord para ipadama sa kapuwa ko na He exists. Binigyan Nya ako ng maraming blessings para maipasa sa iba. We must love one another or die. Ang paniniwala ko ay ispread ko ang blessings at hindi magpakayaman. Mas gusto ko pa iyong simpleng buhay na alam kong habang umaangat ako umaangat din ang iba. Tapos sa bandang huli lahat ay masasaya... Bakit ganito ang takbo ng isip ko? When you know how to die you know how to live. Gaya ng sabi ko, sobrang hirap ang dinanas ng Nanay ko para makapagtapos kaming lahat kaya gusto kong bawasan ang mga nanay na nangungutang tuwing umaga para lang makapasok ang mga anak nila. And the story goes something like this... http://cancinomsm.blogspot.com/2009/07/labis-lapis.html. Kailangan ko ng iend ito dahil chatting time na with my family. Pakibasa na lang ang link tapos let me know your thoughts cielah_04@yahoo.com or private message na lang. Basta sisimulan na ito agad. May isang estudyante na pagtutulungan namin ang allowance at kung gusto mong makijoin sabihan mo lang ako. We must love one another or die.
Happy Weekend!
Comments