Proud Akong Lumaki sa Barangay Capri Part 1


Speech ko nong PALSC 1

Bago ko simulan ang maikling kuwento ng isa sa mga unforgettable experiences ko patungkol sa gabing ito, pasasalamatan ko muna ang lahat ng sumuporta para sa ikakatagumpay ng gabing ito lalung-lalo na ang DVDB Dok Juner Creencia, Vin Caminong, Da Samoranos at Bok Manibo, salamat din sa suporta ng Barangay Council  at kay Doc Cesar Dalida na syang nag-trigger ng gabing ito at ang iba't-ibang youth organizations sa Capri. Kung babanggitin ko ang mga pangalan nila mawawalan na ng sasabihin ang magkoclosing remarks kaya mamaya na lang natin sila kikilalaning mabuti.

Noong nag-aaral pa lang ako, batid ko na ang kahirapan ni Nanay para lang mapagtapos kami sa kolehiyo at mabigyan ng magandang buhay. Isa lang ang pinapaniwalaan kong paraan noon para kahit paano'y makabawi ako sa mga paghihirap niya - ang mag-aral nang mabuti para mabigyan siya ng mataas na marka at mapaakyat sa stage para sabitan kami ng medalya. Sa awa naman ng Diyos, palagi naman syang umaakyat sa stage noong nasa Elementary at High School kami para sabitan kaming magkakapatid ng medalya.

Kaya lang iba na kapag kolehiyo at lalo pa ay BS Accountancy ang course ko na pasadong marka lang ay mahirap nang makuha. Buti na lang, nakatiyamba akong maging Dean's lister noong first year. Nakatanggap ako ng invitation at sabi'y makakatanggap daw ako ng medalya. Pagpasok ko sa auditorium namin sa Colegio de San Juan de Letran, sobrang namangha talaga ako, pano'y iyon ang kauna-unahang nakapasok ako sa auditorium. Nagulat pa ako na bakit iyong iba'y may kasamang mga magulang. Sobrang pagsisisi na bakit hindi ko nalaman agad na puwedeng magsama eh di sana'y kasama ko si Nanay. Kaya't nong araw na iyon ipinangako ko sa sarili kong dapat ay maging Dean's lister ulit ako.

Nakuha naman s matinding pagdarasal at pagsusunog ng kilay kaya't naging Dean's lister ulit ako the following semester. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong ito. Sinorpresa ko si Nanay ng isang invitation kung saan nakasulat ang pangalan ko. Sabi ko sa kanya, "Nay, magdamit ka nang medyo maayos bukas tapos magkita na lang tayo sa Maynila." Lunch time kinabukasan ay sinundo ko sya sa Doroteo Jose. Dumiretso kami sa Chowking at nilibre ko sya ng chicken lauriat at special halo-halo. Noong mga panahong iyon, super ibang level kami kapag nakakakain sa fast food chains.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mukha ni Nanay na tuwang-tuwa sa karangalang ibinibigay namin sa kanya. Marahil ay gustong isigaw ng puso niyang "PROUD AKONG NAKAPAGPALAKI NG MGA ANAK KO.  KAHIT AKO'Y SINGLE PARENT, NAGAWA KO PA RING ITAGUYOD ANG KINABUKASAN NILA.

Isa po sa mga dahilan kaya  tayo nagkakatipon ngayong gabi ay dahil gusto kong gunitain muli ang saya ni Nanay through proud parents of this year's graduates. At gusto ko rin pong makitang muli ang sarili ko sa mga kabataang ito na labis ang tuwa dahil napapasaya nila ang kanilang mga magulang. Na siguro'y gusto ring isigaw ng mga puso "SA WAKAS TAPOS NA ANG PAGHIHIRAP NINA NANAY AT TATAY. PANAHON NA PARA KAMI NAMAN ANG BUMILI NG BIGAS AT ULAM. MAGBAYAD NG KURYENTE AT IBA PA."  Bukod diyan ay makakarinig din tayo ng inspiring messages sa mga nakaline-up nating speakers.

Kaya naman, sit back and relax dahil hahalukayin din natin ngayong gabi ang ating pagmamahal sa bayan.  At nawa'y bago matapos ang gabi ay mahawaan tayo ng mga kabataang makikita natin sa stage na IN THEIR OWN LITTLE WAYS AY NAGAWA NILANG IPAKITA ANG PAGMAMALASAKIT SA BAYAN.

Let's get the party started.
Para sa ibang mga nagspeech nong gabing iyon, baka may copy kayo.  Palagay rin sa note para mabasa ng iba (Doc CD, AC. Kap AC at NP)
Tapos, puwdeng magcomment iyong ibang nagpunta sa harapan para iremind kami ng mga sinabi nila na tanong ng mga emcees  nong gabing iyon "Anong maipapayo mo sa mga kabataan ng Barangay Capri?"
Para sa iba, feel free to share your thoughts.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?