Huling tilaok ng manok
"Make me a channel of peace." St. Francis de Assisi
Ang gospel ay tungkol sa may-ari ng vineyard na nagpunta sa malayong lugar at ipinagkatiwala sa mga trabahador ang property nya. Kaya, ang main point ng homily ni Fr. Paul ay tungkol sa stewardship. Sabi nya holder lang daw tayo ng susi pero ang properties ay pag-aari ni God. Minsan kasi akala natin tayo na ang owner dahil tayo ang tagapangalaga. Sounds familiar? Yep. Kapareho ito ng sinasabi ng Treasure Principle kaya para sa mga nakabasa na non irecall niyo at para sa mga bago kong readers (hahaha. that's the spirit Shiel) please read The Treasure Principle blog.
Ate Shel, ano namang connection ng manok chenes? hehehe. Let's connect... Naging topic namin ang manok noong isang gabi. Alam niyo bang isang province sa Pilipinas ang may kaugalian sa pagpatay ng manok - gigilikan tapos susunugin pa (pinikpikan). Nakakaawa kung iisipin. Sabi ng isa, "iyon kasi ang purpose nila sa mundo - mabuhay para makain ng mga tao." Bigla akong napaisip. Tama nga naman sya na sa bawat manok na namamatay maraming tyan ang nabubusog niya. Pinahiram lang ni God ang kanyang buhay para magbigay-buhay para sa mga tao. Ung picture sa primary photo ko, nagkatay kami ng manok para mapasaya nya ang isang tao sa mahalagang araw ng buhay nya. Huling tilaok man nya kahapon, pinasaya naman nya ang unang araw para sa another year na maaring maging blessing sa iba.
Sa araw-araw ng buhay natin, marami tayong puwedeng magawa para makapagpasaya ng iba kung bubuksan lang natin ang ating mga puso. Always wear your smile - malay mo ung taong nginitian mo ay problemado kaya kapag nakakita sya ng angelic face mejo mabawasan ang dinadalang problema. Send hi/hello/kamusta message - nakakataba ng puso kapag naaalala ng mga mahal sa buhay. Give a hug - may nabasa akong libro na nagsasabing malaking bagay daw ang nagagawa ng hug. Maraming marami pang iba - pagtulong sa kapatid sa assignment nya, pagbukas ng chips ng pamangkin, pagkamot sa likod ng nanay, pagbati sa kapatid ("pogi naman" o kaya "gumaganda tau ha") atbp. Mga simpleng bagay pero nakakapagpasaya.
Bukod sa pagpapasaya ng kapuwa, isa pa sa mga missions ko ay sundan ang message ng kanta ng favorite kong Saint na si St. Francis de Assisi, maging channel of peace...
Make me a channel of your peace.
Where there is hatred let me bring your love.
Where there is injury, your pardon, Lord
And where there's doubt, true faith in you.
Oh, Master grant that I may never seek
So much to be consoled as to console
To be understood as to understand
To be loved as to love with all my soul.
Make me a channel of your peace
Where there's despair in life, let me bring hope
Where there is darkness, only light
And where there's sadness, ever joy.
Make me a channel of your peace
It is in pardoning that we are pardoned
In giving to all men that we receive
And in dying that we're born to eternal life.
Ikaw, alam mo na ba ang purpose mo sa mundo? Subukan mo ring magpasaya ng iba sa linggong ito.
Bow.
Comments