Who moved my cheese?
They, too, ask: 'Lord, when did we see you hungry, thirsty, naked or a stranger, sick or in prison, and did not help you?' Mt. 25:44
Isang malamig na araw sa inyong lahat. Nagsisimula na ang winter dito sa amin kaya palamig na nang palamig. Mas gusto ko sana ang summer season kaya lang hindi naman puwede dahil iyon ang nature ng weather, ang magpalit-palit.
Ang nature naman nating mga tao ay ang magstick sa mga bagay na gusto lang natin. Ang tumingin sa mga bagay na gusto lang nating makita. Kung alam ko lang na ang namamalimos sa akin sa Nova Bayan ay si Hesus, siguradong bibigyan ko sya ng masarap na Julies' tinapay. Kung alam ko lang na si Hesus ay nasa TIya kong nangungutang para pambayad ng kuryente nilang mapuputol na, dali-dali kong bubunutin ang malutong kong pera na pinagkatagu-tago ko pa sa aking wallet. Kung alam ko lang na si Hesus ay nasa bawat estudyante ko, mas tuturuan ko pa sila at ituturing na anak. Kung alam ko lang na si Hesus ay katabi ko sa fx, ngingitian ko sya at sasabihan ng Kumusta na. Kung alam ko lang na si Hesus ay nasa bawat katrabaho ko, makikinig akong mabuti sa mga kuwento nila. Ang tao kasi kasama na ako ay nakafocus lang sa "ako, akin, ko." Ngayong nalaman na natin na si Hesus ay nasa mga "maliliit" it's time to CHANGE our reaction toward them. It's time to share a piece of cheese.
Ang main topic talaga natin ngayong week ay about "change." Heto ang mga good points ng book entitled Who Moved My Cheese by Spencer Johnson:
- CHANGE HAPPENS They keep moving the cheese
- ANTICIPATE CHANGE Get ready for the cheese to move
- MONITOR CHANGE Smell the cheese often so you know when it is getting old
- ADAPT TO CHANGE QUICKLY The quicker you let go of old cheese, the sooner you can enjoy new cheese
- CHANGE Move with the cheese
- ENJOY CHANGE Savor the adventure and enjoy the taste of new cheese
- BE READY TO QUICKLY CHANGE & ENJOY IT, AGAIN They keep moving the cheese
Sobrang iksi ng story nina Sniff, Scurry, Hem at Haw subalit mag-iiwan ng panghabambuhay na aral. I can't share it all here kaya I encourage you to get a copy. Ibabahagi ko ulit sa inyo ang piece of life ni Grace ng "Maybe so Maybe not" blog para magkahint kayo sa message ng book.
Kung maaalala niyo si Grace ay sobrang attached sa family niya lalo na sa Nanay niya. Simula nang mag-aral ang magkakapatid hanggang sa magtrabaho, tuwing umaga ay may nakahain ng masarap na almusal together with coffee. Hindi rin mawawala ang mainit na tubig pangligo. Ito ang masarap na "cheese" na ginive-up ni Grace ng makipagsapalaran siya sa ibang bansa. Kapalit naman nito ay mas masaganang pamumuhay ng pamilya niya sa Pilipinas, mas masasarap na almusal, umaapaw na tubig, at marami pang iba. Ang bago niyang cheese ay ang magandang job. Haaaaaay. Bakit may term pa na economic crisis ng magiging dahilan para mawala ang new cheese na iyon? Kahit na worry-free si Grace hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga posibilidad na mangyayari. Bumalik na naman siya sa pagiging pessimistic. Nakalimutan tuloy niya na if she ADAPTS TO CHANGE QUICKLY The quicker she let goes of old cheese, the sooner she can enjoys new cheese. "Aha! Mas comfortable na pala ako ngayon sa pagsasalita ng English, marami pala akong job experiences, competitive pala ako kaya makakahanap ako ng mas magandang trabaho, marami rin akong kaibigan na maaaring tumulong sa akin at higit sa lahat God is with me. My intentions are good kaya He will not let me down." sabi ni Grace sa sarili.
Ilan lang iyan sa mensahe ng book - kapag sobrang nasasarapan tayo sa cheese ibinubuhos natin ang attention natin doon. Sobrang niyayakap natin kaya kapag biglang nawala katapusan na rin ng buhay. Nakakalimutan natin na maraming biyayang nagmumula sa Diyos, marami pang mas masasarap na cheese. bow.
My supporters, please help me na ipagpray si Grace. Specifically ang intentions niya.
PYM, ituloy niyo lang ang AG. Magrerequest ako kay Mia ng 1 juice at biscuits. Thanks Mia!
God bless you all.
Comments