BEC September 6, 2008 - Enong as facilitator
(message from Enong)
te...e2 poh ung pagshasharean...
Magbigay ng pangyayari sa buhay na naramdaman mong kasama mo si God sa katauhan ng isang taong malapit sa'yo na syang naging instrument ni God para masolve mo ang problem na kinaharap mo.
w8 ko po ung sharing mo pra ma2ya....'
yngatkahpohjanfalague'
Hello again my readers. (mangarap ba raw na may mga readers ng blogs ko. hehehe)
First of all, nagpapasalamat ako kay Alvhin at Ednor sa pag-invite sa amin ni Casey na sumali sa BEC nila. O diba, all the way from Bermuda at Dubai ang mga sharers. hehehe.
Oki, back to the topic... isang pangyayari sa buhay kong naramdaman kong kasama ko si God sa pamamagitan ng isang taong malapit sa buhay...
Isang downfall ng buhay ko ay noong year 199?. Dinapuan ako ng sakit na PARANOIA at INFERIORITY COMPLEX. Ngayon ko naiintindihan kung bakit kailangan kong pagdaanan ang mga ganong bagay kasi mas lalo akong naging close kay God.
Kung ano ang personality ko ngayon, hindi mo papaniwalaan na pinagdaanan ko ang yugto ng buhay ko na iyon. Naalala ko nun, na gusto ko na lang sanang masagasaan para matapos na problema ko. Naalala ko rin na palagi akong nagkacut ng classes para makaiwas sa mga kaklase ko at sa maraming tao. Sympre nagtataka sila sa bahay sa mga kilos ko. Palagi lang ganoon, pasok, cut ng class, uwi, iyak... Tapos, may party non sa bahay, nandoon ang mga kaklase ni Kuya Athan at nalasing sila sa sobrang daming alak na ininom nila. Pagkatapos ng party, nasa labas lang ako ng bahay, nakaupo sa loob ng tricycle. Hindi ko alam na nakikita nya pala ako. Si Kuya Athan ang tipo ng kapatid na hindi mo makikitaan ng concern (dati iyon), hindi kasi sya showy sa pagmamahal. Tapos, bigla nya akong nilapitan (dahil nga lasing sya so lumabas iyong tunay na ugali nyang mapagmahal), sabi nya "Shiela, may problema ka ba?" Nag-iyakan na kami, hanggang sa dumating na rin si Kuya Ryan. Kinausap din ako ni Nanay at Ate Nym. Si Memey iyak lang nang iyak. Damang-dama ko ung pagmamahal ng pamilya ko na pinangunahan ni Kuya Athan, isang taong may pusong bato pero naging instrument ni Lord para sagipin ang isang taong tulad ko. And the rest is history. hehehe. Nabitin ka no?
Sa ngayon, showy na sa pagmamahal si Kuya Athan, mayroon pa rin kaming mga iyakan blues at alam niyo ba na si Kuya Ryan ang pinakaiyakin sa lahat lalo na pag nalalasing. (lately nga ay bonding in crying time raw sina Nanay, Ate Nym at Memey sa Laguna - sayang namiss ko). At ako na ngayon ang kanilang tagapayo. God really works in mysterious ways. Isang nalunod, sinagip ng mga mahal sa buhay at ngayon ay isang biyaya para sa ibang tao. (ehem! ang yabang e no.) Mas makakasagip ako ng ibang tao sa tulong niyo kaya magbasa na kayo ng libro. please. hehehe. tapos bigay niyo sa group namin.
So paano, next week ulit. PYM, kung may BEC ulit kayo, sabihan niyo ulit ako kung gusto niyong mabasa ang share ko.
God bless you all
Comments