Itanong mo sa mga bata





"Truly I say to you, whoever does not receive the Kingdom of God like a child will not enter it." Mk. 10:15

Magandang umaga sa inyong lahat mga kablog. Kamusta ang nagdaang linggo mo? Ako nagmovie marathon - Ginamit ko ulit ang libreng voucher at nanonood ng Bedtime Stories. Tapos kagabi pinanood ko rin ang The Little Mermaid. Mga pambatang movies, mga simpleng istorya pero kapupulutan ng aral na maiapply kahit matanda na.

Kapag natatapat akong magfacilitate sa pagbasa tungkol sa mga batang pinuri ni God ang palagi kong ginagawa ay tanungin ang mga kaBEC ko sa pagkakaiba ng mga ugali ng mga bata sa matatanda. At palagi namang top of the list ang hindi nagtatanim ng galit ang mga bata o madaling magpatawad. Naalaala ko na naman iyong mga pamangkin ko. Isang reunion namin sa Laguna habang nanonood ng High School Musical ang mga oldies sa loob ng bahay, nasa garahe naman ako at nag-oobserve sa mga pamangkin kong naglalaro. Natutuwa ako sa kanila kasi si Shinade hindi pa nakakapagsalita nang maayos noon pero nagkakaintindihan sila. Sabi ko nga sa sarili ko siguro may sariling language ang mga chikiting na ito kaya kahit parang hindi maintindihan ng mga matatanda naiiintindihan pa rin ng mga bata. Tapos, ilang sandali bigla na lang silang nagkatampuhan. Sabi ni Yaying kay AJ, "galit natin si Kyle ha." Ilang sandali lang nagkabati-bati na at naglalaro na naman sila. Ganyan silang mga bata kaya natutuwa sa kanila si God - "Truly I say to you, whoever does not receive the Kingdom of God like a child will not enter it." Mk. 10:15. Ang matatanda naman sobrang tagal magpatawad at makalimot sa mga kasalanan ng kapuwa. Mayroon pa nga patay na ang kagalit buhay na buhay pa rin sa puso ang galit. Sa totoo lang tayo ang nagsasuffer kapag nagagalit tayo. Kumikirot ang ating mga puso samantalang iyong mga kagalit natin masayang nagpapatuloy sa buhay nila. Sana ivacuum nating lahat ang galit sa ating mga puso para maging lubos ang ating kasiyahan. bow1

Isa pa sa mga characteristics nila lalo na iyong mga babies ay hindi sila nag-aaalala, sila ay worry-free. Minsang dinalaw ko ang Jamaican kong officemate na bagong panganak naremind ako ng gawain ng mga babies. Dumede, pumupu, lumingad, maligo, matulog, maglaro at kapag may requests sila gaya ng milk o gustong magpapalit ng basang diaper iiyak lang nang iiyak. Patuloy pa rin sila sa mga gawain nila magkagulo man ang ekonomiya ng buong bansa. Sana sa aking pag-iyak palitan din ni Lord ang aking diaper at bigyan ako ng mas masarap na milk... Halos lahat ng nasa investment industry dito sa Bermuda ay nahit ng bagyong economic crunch. Maraming nalugi at nagsarang companies kaya marami ring nalay-off. Palagi akong nag-iinspire ng iba every time na gumagawa ako ng blog pero this time ako naman ang dadaan sa pagsubok. Palagi ko na lang iniisip na everything happens for a reason and God knows what is best for me. Sa lahat ng mga makakabasa nito pakisama niyo naman ako sa prayes niyo pati na rin ang mga kaibigan kong nasa Dubai especially Jade. Ang prayer request namin ay more successful career this year. Maraming salamat! bow2

Kung may galit ka pa sa iyong puso, get your vacuum at higupin ang galit dahil it doesn't help you. Magkakaroon ka lang ng sakit sa puso.

Sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, iyak (pray) lang tayo kay God at maniwala na He knows what is the best. He makes all things beautiful in His time.

Next week ulit. :-)

Comments

Anonymous said…
Hello sa iyo author naming pinakamamahal! Sana makagawa ka na ng best seller book mo. Syempre, kung mamarapatin mo, gusto kong maginput dun. It will be a very great pleasure for me. Hehehe. Tulungan din kita syempre na maipublish. Hehehe.
Itong blog mo ay para sa mga bata. Kapag nababasa ko yung reading tungkol sa mga bata, naaalala ko rin yung palagi mong itinatanong sa BEC. Hehehe. Anu-ano ba yung mga characteristics ng mga bata na dapat gayahin ng mga matatanda para maging kaaya-aya kay God? At yun nga yung mga lumalabas. Hehehe. Madali silang magpatawad, hindi sila nagtatanim ng sama ng loob, mapagkumbaba (kapag alam na mali sila, nakikipagbati agad.hehehe), worry-free at kung anu-ano pa.
Natutuwa ako na masasabi ko na kahit papaano, meron akong katangian ng bata. At yun ay ang madaling magpatawad. Hindi naman din kasi ako marunong magalit. Hindi rin ako nagtatanim ng sama ng loob. Siguro, dahil matatakutin ako. Hehehe. Para bang bata na natatakot na awayin ako ng iba. At tama ka, masakit talaga sa loob kapag nagtatanim tayo ng galit at hindi tayo nagpapatawad. Kung matapang lang ako, sa nararanasan kong hirap at sakit na may nagagalit sa akin at hindi ako mapatawad, siguro World War III na. Hehehe. Kapag kasi walang isang nagpapakumbaba sa dalawang nag-aaway, kahit kelan, hindi sila magkakabati. Isa rin kasi sa source kung bakit hindi nagpapakumbaba ay PRIDE. Hindi naman maiaalis yun pero sana saglit lang. Palagi sana tayong maging bata lalo na sa paningin ng Diyos para maging kaaya-aya tayo sa Kanya. Bowowow1.
Tama ka mahal naming author, dapat palagi tayong worry-free katulad ng mga bata. Tsaka kahit hindi na tayo mga bata, dapat talaga maging worry-free tayo. Hindi ba nga, kapag alam natin na nandyan palagi si God para sa atin, wala tayong dapat ipag-alala? Dapat manalig lang tayo sa mga magagandang plano Nya para sa atin. Alam nyo di ba yung scenery na yung baby, nakapulupot yung maliit nyang kamay sa isang daliri ng mommy nya habang mahimbing na natutulog? Hindi sila nag-aalala kasi alam nila na katabi lang nila yung mommy nila. Na sa kahit anong pangangailangan nya, konting iyak lang, nandyan na agad ang mommy nya. Ganun din dapat tayo. Tayo’y maliliit sa paningin ng Panginoon. Ipulupot lang natin ang mga sarili natin sa Kanya at damhin na nandyan lang sya palagi para sa atin. Na sa konti nating pag-iyak, darating at darating Sya palagi para ibigay ang ating mga pangangailangan.
Palagi kong pinagdarasal na sana maging okay na ulit ang investment ng JP. Sana hindi na magkaroon ng economic crisis sa mundo dahil halos lahat talaga ay nahihirapan. At syempre, pinapanalangin ko palagi na patatagin pa ni God ang ating mahal na author sa lahat ng mga pakikipagsapalaran nya at bigyan ng maraming marami pang biyayang nararapat para sa kanya. Bowowow2.
Author naming mahal, hangad naming lahat ng mga kabutihang nararapat na ibigay sa iyo ni God. Basta dapat maging worry-free lang tayo. God will always make a way and He will always give us more blessings especially you. Maraming nananalangin para sa iyo kaya dapat lalo kang maging matatag. Hehehe. God bless us always! We will always be thankful to you for touching our lives. J

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?