Maghintay ay hindi biro... maghapong naka...
"The Holy Spirit will come upon you and the power of the most High will overshadow you" Lk. 1:35
Hello mga friends! Isang malalim na inhale sa inyo, in short e "haaaaay". Naisahan tayo ng friendster last week kasi nagloko ung blog site nila pero sana kahit ganoon ay nabasa niyo pa rin ang "Simbang gabi" blog. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa paghihintay. Bigla lang pumasok sa isip ko ang topic na ito kaya I've decided na paikutin rito ang message at magbahagi ng experience para maintindihan nating lahat ang kasiyahang naidudulot ng paghihintay.
Tuwing simbang gabi marami ang nagsisimba at matiyagang naghihintay sa araw ng pasko. Nagagawa pa rin nating gumising ng maaga kahit malamig, kahit pagod na pagod tayo sa pag-aaral/pagtatrabaho at kung anu-ano pang reasons. Dahil pinapangibabaw natin ang dahilan kung bakit natin ginagawa iyon.
Naaalaala ko tuloy iyong pagrereview ko para sa Board Exam noon. Sobrang disiplina ang pinairal ko. Gumigising ako ng maaga at late ng natutulog. Ang pinaka hindi ko pa makakalimutan ay marinig na kilig na kilig ang mga kapamilya ko sa panonood kina Dao Ming Zhe at Shan Cai ng Meteor Garden habang ako ay nasa kuwarto at nakasubsob sa Accounting book. Ang pangontra ko palagi kapag may temptations ay "kailangan kong mag-aral para sa katuparan ng pangarap ko para sa aking mga mahal sa buhay." Maganda naman ang naging resulta ng aking paghihintay. "The holy Spirit came upon me and the power of the most High overshadowed me" Ipagkatiwala lang natin ang lahat sa Kaniya at siguradong Siya ang bahala sa atin. Sabi nga e He makes all things beautiful in His time. (arribamate, nakita ko sa shoutout mo. thanks.) bow
Kaya mga kapamilya ko, hintay lang tayo dahil darating din ang time na magkakasama-sama tayo sa Christmas. Mag-enjoy kayo diyan dahil nag-eenjoy din ako rito. Let's feel the spirit of Christmas nasaan man tayo. Basta alam natin sa isa't-isa na nagmamahalan tayo Ok na Ok na.
Share your thoughts mga friends... Magbigay ng pangyayari sa buhay mo na naghintay ka at mabuti naman ang kinalabasan. Ano ang hinihintay mo ngayon? Magtiyaga ka lang dahil basta para sa kabutihan ng lahat He will make a way para mangyari iyon.
Malapit na malapit na. Merry Christmas sa inyong lahat.
Comments
Nakakatuwa. Naalala ko kasi nung nabasa ko itong blog mo, yung pagiging late ko palagi dati (medyo nabawasan na.ayk). Madalas ako ang palaging hinihintay ng mga kaibigan ko at ang ending, palagi silang nagagalit sa akin. Pero nung natuto na akong maging maagap, naranasan ko rin ang paghihintay. Naranasan ko kung gaano kahirap ang maghintay nang matagal. Minsan pa, hindi natin alam kung meron ba tayong hinihintay pero matiyaga pa rin tayong naghihintay. Ganito rin dapat tayo kapag naghihintay sa kung anong magandang plano ni God para sa atin. Darating at darating yung mga pangako Nya sa atin in His time. Kailangan lang natin manalig at matiyagang maghintay sa tamang panahon na ibibigay Nya.
Katulad ng nabanggit ko sa dati kong comment sa isang blog na galing sa pinakamamahal nating author, kahit na malayo akong nagcelebrate ng Pasko sa mga mahal ko sa buhay, matiyaga akong naghihintay sa panahon na ibibigay ni God na magkakasama kaming muli na magdidiwang ng Kapaskuhan. Isang magandang plan din naman kasi ni God na mapunta ako ditto sa malayong lugar para mapaginhawa ang mga mahal ko sa buhay. Hindi naman pwede na nagdasal ako na makapagabroad para makatulong sa pamilya ko at sa iba pa, tapos ginrant ni God tapos bigla kong sasabihin na dapat palagi ko silang kasama. Although tutuparin pa rin naman ni God yun, pero as what He always wants us to do, let’s just have faith and wait for all God’s blessings to come… IN HIS TIME.
Bowowow. Hehehe.
Mahal na mahal naming author, thank you so much for always inspiring us. We all believe na palagi kang pagpapalain ni God for all your very good deeds. And so are we. God bless us all always. J