Happy Birthday mahal kong Nanay
"You are my Son, the Beloved, the One I have chosen." Mk. 1:11
Isang mapagpalang 2009 mga kablog. Natapos ko na rin iyong The Alchemist. Sobrang ganda. Tungkol iyon sa Personal Legend - pagsearch ng hidden treasure/pagfulfill ng dreams. Kaya nga ako tutuparin ko rin ang mga pangarap ko.
Mayroon akong inspirasyon kaya napakagaan ng paglalakbay ko patungo sa tagumpay. Napakablessed ko at ipinagkaloob sa akin si nanay. (uulitin ko ung message ko - 6th secret) Simula nang mag-aral kami hanggang sa magkatrabaho, nakahanda na ang almusal namin with matching cup of coffee. Nakahanda na rin ang mainit na tubig pangligo. Ganyan kami kamahal ni nanay. Lahat ay nakahanda maliban lang sa baon. Kasi uutangin pa niya sa mga co-teachers niya. Kinakapalan niya ang kaniyang mukha para lang masigurado na may pamasahe kami at makakakain nang maayos sa school. Maniniwala ba kayo na nakakaraos kami sa bawat araw ng walang pera ang nanay ko. Kaya nga iyong wallet niya pakalat-kalat kasi walang laman. Isang kahig isang tuka ang naging buhay namin. Solved na kapag makakakain ng 3 times a day. Bihira lang kaming nakakapunta sa mall together para magshopping o makakain sa Jollibee.
Ang bawat araw na iyon ay tumanim sa puso at isipan ko kaya ipinangako ko sa sarili ko na balang araw papaginhawain ko ang nanay ko. Ipaparanas ko sa kaniya ang pakiramdam ng may wallet - wallet na may laman, ang magshopping na hindi nag-aaalala kung sapat ba ang pera, kumain sa magagarang restaurant at maraming-marami pang iba.
Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako lalong nagsisikap. Naalaala ko tuloy nong college pa ako -Dahil sa nakapag-aral ako ng libre sa Letran through my Ate Nym, hindi ko na kailangang mag-exert ng sobrang effort para makakuha ng scholarship. Pero dahil sa kagustuhan kong masuklian ang lahat ng paghihirap niya, pinilit kong maging dean's lister. Isang araw, dala-dala ko sa bahay ang invitation para sa Recognition day. Kinabukasan, bago kami dumiretso sa Letran nilibre ko muna siya sa Chowking ng chicken lauriat at special halo-halo. Alam kong proud na proud sa akin si Nanay nong araw na iyon gaya ng pagkaproud ni God kay Jesus kaya nasambit Niya:
"You are my Son, the Beloved, the One I have chosen." Mk. 1:11
Hanggang ngayon maraming marami pa akong pangarap para sa Nanay ko kasabay ng pagtahak ko sa aking Personal Legend. bow.
Sinu-sino ang mga inspirasyon mo? Siguraduhin mong kasama roon ang iyong pamilya lalo na ang magulang mo na handang mag-alay ng buhay para sa ikakabuti mo.
Mag-isip ng munting bagay para mapasaya natin ang ating mga inspirasyon like pasalubungan ng balot, ilibre sa Joliibee, isurprise ng excellent grades at regaluhan ng Youtube video. Ang malalaking bagay ay nagsisimula sa maliliit.
Comments
HAPPY HAPPY BIRTHDAY MAHAL KONG MOMMY!!!
Birthday din kasi ng mommy ko mahal naming author last January 12th. Magkasunod lang sila ni Mam Prez pag ang basehan ay January 16 kasi alam ko birthday din ni Mam Prez January 1st. Hehehe. January 12 nga din pala yung birthday ng Nanay ko (mommy ni mommy. May she rest in peace).
Katulad mo at ng iba pang mga anak, syempre mahal na mahal ko rin ang Mommy ko. Palagi syang gumagawa ng lahat ng mga gawaing bahay. Pinamuhay nya ako na parang prinsesa. Ang gusto nya, mag-aral lang ako palagi kaya hindi ako marunong ng gawaing bahay. Ngayon na lang ako natututo kasi malayo ako sa piling ng mommy ko. Palagi kaming inaalagaan ng mommy ko. Pero ngayon na lang ako naging showy sa pagmamahal ko sa kanya. Dati kasi, mahiyain pa ako sa kanya. Hehehe. Pero ngayon, hindi na. Gusto ko palaging sinasabi na mahal ko sya dahil tooto naman na mahal na mahal ko ang mommy ko. Marami din syang pagsasakripisyo sa amin. Katulad mo, yung pambaon namin, inuutang pa nya sa iba. Kinakain nya palagi yung pride nya para lang makakain kami at makapasok sa eskwela. Minsan, naranasan ko na papasok ako sa school, wala pa akong baon, medyo nainis ako. Pero naiyak ako sa loob ko na hindi ganun kadali yung ginagawa nya para sa amin. Kaya simula nun, kapag walang baon, okay lang. Basta kahit pamasahe na lang, makapasok lang. Hehehe. Sa lahat ng mga failures ko sa buhay, nandyan sya parati para sa akin. Nung nagfail ako sa exam, nahiya ako sa kanya, kina daddy, mama, papa at sa iba pa dahil nga nabigo ko sila. Pero dun ko narealize na sa kahit anong kabiguan, gaano man kadisappointed ang pamilya natin lalo na ang mommy ko, nandyan pa rin silang patuloy na nagmamahal sa atin.
Kaya naman, pangarap ko na mapaginhawa ang mommy ko, daddy ko, mama ko, si papa at lahat-lahat kami. Hindi ko naman gusto ng marangyang buhay. Gusto ko lang ng maginhawa para sa amin, na hindi na nila kailangan pang mangutang para sa pamilya. Naniniwala ako na kasama ko palagi si God para maisakatuparan ang mga pangarap ko para sa mommy ko at sa pamilya ko.
Mahal na mahal kita Mommy ko!!! Miss na miss ko na pag-aaruga mo sa akin. I love you Mommy.
Bowowow.
Nakakaiyak naman. Hehehe. Mahal naming author, maraming salamat nang marami palagi sa ‘yo. Mag-ingat ka palagi dyan ha. Maraming nag-aabang ng mga nakakainspire mong mga blogs. God bless you always. J