"Chorbita ka talaga" ika ni Jado

Jesus went to her and taking her by the hand, raised her up. The fever left her and she began to wait on them. Mk. 1:31

Hello mga kablog! Mabuti na lang nakaisip ako ng item bago ako natulog kagabi. Sana magustuhan niyo ulit at kapulutan ng aral.


Alam niyo bang isa sa mga treasures ko ay ang aking mga friends? Sa lahat ng mapuntahan ko, mapaschool o mapatrabaho palagi akong nakakahanap ng mga kaibigan. Sabi kasi nila madali raw akong pakisamahan. (magbuhat daw ng sariling bangko). Siguro totoo kasi kahit ano pang ugali ng mga nakakasalamuha ko nakakajive ko pa rin. Mapa-matino, mapa-kengkoy, mapa-seryoso, mapa-bata, mapa-matanda at kung anu-ano pa kaya kong pakibagayan. Isa si Jerielle Jade Puyao Dulagan doon na super ang pagkanegative. Pero kahit ganoon marami akong ala-ala with her na dadalhin ko habang ako'y nabubuhay.


Naging seatmates kami sa Megaworld Corporation. Siya rin ang kasabay kong maglunch, magmerienda at magdinner kasama sina Ms. Liza, Jayzee at ng iba pa. Katangi-tangi ang kabaitan niya pero nangingibabaw pa rin ang pagiging pessimistic. Nakakatuwa kasi sa kaunting panahon ng pinagsamahan namin naimpluwensiyahan ko siyang magdroga. Ay maging positive pala. Bukod pa roon, naimpluwensiyahan ko rin siyang magsimba lalo na pag first Friday. Hindi ko rin makakalimutan ang pagkanta namin ng The Power of Your Love habang gumagawa kami ng Journal Entries sa MWAS. Napaiyak na rin ako ng chorbitang ito dahil sa sobrang kakatawa.


Dahil naging malakas nga ang impluwensya ko kay Jado, ninais din nyang mag-abroad ng makapunta ako sa Bda. Una niyang tinahak ang Dubai kapiling ang kanyang future husband na si Jcpot. Madalas niyang hinihingi ang opinion ko tungkol sa career niya. Hesitant sya noong magpunta sa Dubai dahil sabi ng iba sobrang init ng period na napili nya. Dahil nakinig sa mga kalokohan ko, nagpunta pa rin sya sa kabila ng mga payo ng iba na huwag na muna. Agad namang nakahanap ng trabaho si Jado pero maling company pala ang napasukan niya dahil isa na naman ako sa nagbuyong "Ok lang kahit hindi stable ang company, ang mahalaga masasahuran ka." Kaya ayun mahirap ang pinagdaanan niya; sobrang nag-alala ako na kahit dito sa Bermuda hinanapan ko rin sya ng trabaho. Halos 1 month o lagpas pa yata ang pagstay niya sa Oman sa paghihintay ng VISA.


Sympre palaging wonderful ang wakas ng story natin...


Jesus went to her and taking her by the hand, raised her up. The fever left her. Dahil napalapit na sa Diyos at optimistic na si Jado, naging maayos ang lahat. Nakahanap siya ng magandang trabaho. Lalong tumibay ang pananampalataya niya sa Diyos at siya pa ngayon ang nagsasabi sa akin na maging positive ako. Salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanya. bow


Bloggers, anu-anong mga katangian mo ang naibahagi mo sa iba? Sikapin nating maibahagi ang mabubuti nating katangian lalo't higit ang pagnanais na mailapit sa Diyos ang ating kapuwa.


Sa lahat ng mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, gayahin lang natin ang pagtitiyagang paghihintay ni Jado at absolutely Jesus will raise us up.


Jado, mag-ingat ka palagi jan at sana ay makilala mo ng higit ang sultan mo. (sultan-faith in God). Gaya ng palagi kong sinasabi na palagi lang akong nandito para sa'yo. Chorbitas forever.


ANNOUNCEMENT: May nadiscover akong bagong blog site. inilagay ko roon lahat ng blogs ko. http://msmcancino.blogspot.com/. Sana ay magustuhan niyo.


God bless you all. Nex week ulit.

Comments

A Khudori Soleh said…
salam. happy birthday to U. please visit to my site

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?