How to Stop Worrying and Start Living
"Come to me, all you who work hard and who carry heavy burdens and I will refresh you. " Mt. 11:28
I will never forget the faces of my enthusiastic officemates as they listened to me in our DISC Team Building Seminar. I was grateful they were interested to hear my stories. (Would you believe na matagal kong kinompose ang 2 sentences na yan?)
Ang topic for this week ay related jan. Alam niyo ba na isa sa mga worries ko ang English? As in. Naaalala ko noong nag-aaral pa ako na palagi akong kinakabahan kapag English na ang subject. Naaalala ko rin na halos lahat ng assignments ko re English, simula Elementary hanggang College mapaessay writing, grammar atbp., Nanay ko ang gumagawa (nabuking ako). Tapos, mayroon pa kaming mga English classes nong high school na may E-card na umiikot. Ibibigay sa'yo kapag nagsalita ka ng Tagalog. Kaya ang nangyayari hindi na lang ako nagsasalita. Dahil din sa subject na yan kaya hindi ako naqualified as Laude dahil hindi ako gumawa ng poem (79 tuloy grade ko). Nakakaloka dahil nandito ako ngayon sa English speaking country...
Hindi ko makakalimutan ang mga unang buwan ko sa JP. Kung puwede nga lang maging invisible gagawin ko para makaiwas sa mga katrabaho ko sa mga conversations. Minsan nakocorner ako sa pantry at sa restroom kaya ngumingiti na lang ako kapag kinakausap nila pero ang totoo ay hindi ko talaga sila naiintindihan. Ang palagi ko lang sinasabi ay How are you?, "Enjoy your day, See you later at iba pang mga common sentences.
Hindi na ako natutuwa sa nangyayari sa akin, nabibigatan na ako sa burden na iyon kaya pinagpray ko kay God na sana magimprove ako. Sobrang bait naman ni Lord at nirefresh Niya ako. And then I realized na kapag nilapit natin kay God ang mga problems natin He will absolutely help at narealize ko rin na ABLE naman talaga ako kaya lang kinakain ako ng worry ko kaya hindi lumalabas ang tunay na galing.
Kaya ngayon worry-free na ako - Inienjoy ko ang bawat usapan namin, mali-mali man ang grammar ko at nahihirapan man akong mag-isip ng appropriate terms tuloy pa rin ang chika. hehehe.
Mga students natin jan, tanggalin mo na ang worry na mayayaman lang ang nakakapagtapos ng pag-aaral. MAG-ARAL KANG MABUTI AT MAGKADIPLOMA!
Mga PYM, tanggalin mo na ang worry na kulang ang time for your studies to be involved in PYM projects. GAYAHIN MO SI SAN ISIDRO!
Mga trabahador, tanggalin mo na ang worry na pang Rank and File ka lang. MAGSIPAG KA PA, IPAKITA ANG GALING!
Mga tambay, tanggalin mo na ang worry na wala ng pag-asa ang buhay. MAGHANAP-BUHAY, KAYOD!
Mga OFW, tanggalin na natin ang worry na tayo'y alipin ng ibang lahi. ITAAS ANG ATING BANDILA! Balang-araw sila naman ang magtatarabaho sa Pilipinas...
Nanay ko, tanggalin na ang mga worries mo kung anuman iyon. hehehe.
Sabi sa binabasa kong book na How to Stop Worrying... by Dale Carnegie "Those who do not know how to fight worry die young." at ang sabi naman ni God sa Mt. 11:28 "Come to me, all you who work hard and who carry heavy burdens and I will refresh you. "
As such, iwewelcome pa ba natin ang worries? No, no, no. Sama-sama tayong maging worry-free. :-) bow.
Comments