WATCH bunsoy
"Be alert and watch for you don't know when the time will come." Mk. 13:31
Hello to all my supporters! Another blog na naman from your sister. Sister Shiela! Correct, I am a big sister to bunsoy Memey. Tinatanong ko ang sarili ko sa mga oras na ito: "Naging mabuti ba akong ate sa kapatid ko? Did I look after her? Did I watch her...?"
I realized na marami akong time na pinalagpas. DATI kasi, ako ang tipo ng taong sobrang bait sa mga kaibigan pero pagtuntong sa pinto ng bahay tinutubuan na ako ng sungay, sobrang sungit lalo na sa kapatid ko. Palagi kaming nagtatalo ng kapatid kong si Memey. Sabi nga ng nanay ko, huwag daw kaming magsasama kasi siguradong mag-aaway lang kami. Ang weird nga kasi kahit ganoon magkatabi pa rin kaming matulog. Ganyan ang relationship namin dati away-bati-away-bati. Hinding hindi ko makakalimutan iyong away namin nong mga bata pa kami. Nagbatuhan kami ng brush kaya pareho kaming pinalo ni Nanay. Pasaway itong si Memey, akalain niyong tinakbuhan si Nanay noong siya na ang papaluin. Eh iyong bahay namin dati paikot kaya hindi niya alam makocorner din sya ng tatay kong papunta na sa kanya. Ayun, napalo tuloy siya nina Nanay at Tatay. I believe na alam niyo iyong feeling na kahit magkaaway kayo ng kapatid mo masasaktan ka pa rin kapag nasasaktan siya at lalo na pinapalo ng dahil sa iyo.
Palagi kaming nagkakabati agad kasi pareho kaming gifted. We know how to touch people's hearts. We know how and when to surrender. Napaiyak man namin ang isa't-isa hindi magtatagal mabubunutan din kami ng tinik kasi nagsubmit na ang isa sa pamamagitan ng sulat, text at ngayon may YM na. Minsan, paggising ko may sulat from her on top of our study table saying "sorry at I love you te." As simple as that pero it heals our hearts. Kapag nagkita na kami ulit, parang walang nangyari.
Sobrang mahal na mahal ko talaga siya at palagi ko siyang gagabayan at poprotektahan. - Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang mukha ng mamang gustong manantsing sa kanya sa peryaan. Kahit na bata pa lang ako noon, naglakas-loob akong harangan ang kapatid ko. Nang makalayo na kami sa manong, dali-dali ko siyang niyayang umuwi. Lately na lang niya nalaman na nangyari pala iyon. - Haaay. Sana palagi akong nasa tabi ng kapatid ko. Bakit kasi hindi ko na-maximize ang mga panahon na puwede kaming magkuwentuhan dati? Bakit kasi hindi ko siya niyayang magbonding sa pamamagitan ng panonood ng sine, pagkain ng pizza, atbp? Bakit mas inienjoy ko pa ang time with my friends than to be with her? Bakit kasi tulugan ko lang ang kuwarto at hindi "confidante" area? Bakit hindi ko siya tinutulungan sa paglilinis ng bahay? Kung alam ko lang na mapapadpad pala ako rito eh di sana nagawa ko dati ang maraming bagay. Sabi nga sa Mk. 13:31, "Be alert and watch for you don't know when the time will come."
Mabuti na lang at nakakapagbakasyon ako kaya nagkakachance na ulit ako to enjoy time with her. Hindi man maibabalik ang nakaraan maaari namang magsimula at ipagpatuloy ang magagandang pinagsamahan. bow.
Points to ponder:
Kung may isang araw ka na lang na ilalagi sa Pilipinas, sino ang gusto mong makasama? Anong sasabihin mo sa kanya? Anong ginagawa niyo? .......... Kailangan pa ba nating hintaying mangyari iyon? Bakit hindi natin gawin NGAYON?
Memey, i love you. Alagaan mo palagi ang sarili mo. Be responsible to all your actions. Palagi lang akong nandito para sa iyo. Miss you manot.
Nay, Ate Nym, Kuya Athan, Kuya Ryan, Memey at ang extension ng ating family,
Miss na miss ko na kayong lahat. I'm looking forward sa isang simple but memorable dinner sa isang mahabang lamesa na magkakasya tayong lahat. Kakain ng masasarap na luto ko (yummmy) at magkukuwentuhan nang matagal na matagal.
Readers,
Speak up. Share your thoughts. Kayo naman. Say I love you sa mga mahal niyo. Send them text messages. Send them Friendster smile to brighten their day.
Pahabol na mensahe, siguradong mangangarolling ang PYM para sa annual na pagbibigay ng makakain sa mga nangangailangan. Baka gusto mong magvolunteer na makarinig ng tinig ng mga kabataang naghahangad na makatulong? A voice to remember and an envelope to surrender. Nice one. bow.
Comments