Bonus Blog
Hello mga kablog! Isang nakakaantok subalit datapuwat napakasayang araw sa inyo. Napuyat ako kagabi sa closing ceremony ng Chess Tournament sa Country Squire, Somerset. Ikukuwento ko ang naging experience ko. Matutupad na rin ang pangarap kong irelate ang chess sa life through this blog.
Mayroon akong 4 na natutunan sa Tournament na ito, ang PARK. Pagsubok, Alarm, Reason at Kaibigan. In general, ang larong chess ay para ring pagdedecide sa buhay natin. Dapat pinag-iisipan muna nating mabuti ang lahat bago magdesisyon. Isiping mabuti ang position ng mga pieces saka magmove dahil sa isang pagkakamali lang masisira na ang game.
Unahin na nating intindihin ang KAIBIGAN. Dahil sa tournament na ito, mas lalo akong napalapit sa mga kalaro kong sina Kennedy at Kuya Ruben. Si Kennedy ang naghahatid sa akin every Tuesday nights (around 10:30pm) pagkatapos ng laro. Lalo kong naramdaman ang kabutihan niya nang sinundo niya ako nong Sunday. Dahil late ng dumadaan ang bus sa lugar namin kapag holidays at Sundays, sinundo ako ni Kennedy at magkasama kaming nagtungo sa hotel. Sya rin ang naging service namin nina Kuya Ruben at Vanessa. Si Kuya Ruben naman ay bagong sali lang sa Club. Kahit baguhan lang, magaling sya sa chess dahil hilig talaga nya ang larong iyon nasa Pilipinas pa lang sya. Kuye Ruben reminds me of Tiyo Rey, makuwento, makaDiyos at palakaibigan. Nanalo sya ng $200 at ng figurine dahil sa kanyang kagalingan. Si Vanessa naman ay Kapampangang palangiti. Galing ako sa pagrerelax sa isang couch sa hotel nang magkatinginan kami. Dahil hitsurang Pinoy, nagngitian kami at nagkuwentuhan na akala mo ay matagal ng magkakilala. Ipinakilala ko rin siya kay Kuya Ruben. Kaya naging napakasaya naming tatlo kasama si Kennedy. Lesson 1: Habang naglalakbay tayo patungo sa tagumpay, God will send us friends na makakasama natin para magaan at masaya ang paglalakbay. Dapat lang ay buksan natin ang ating mga mata ng may ngiti sa ating mga labi para matagpuan natin ang mga kaibigang ipinapadala ni God.
Ang ikalawa naman ay ALARM. Para sa kaalaman ninyo ang bawat laro sa Tournamnet na ito ay inabot ng 5 oras o higit pa. Sabado ng hapon, pinlano kong magsimba kaya kailangan kong tapusin nang mabilis ang laban ko – mananalo ako nang mabilis, magpapatalo ako agad o magtatabla kami. Ang misa na dadaluhan ko ay magstart ng 6:30 kaya dapat 5:45 nagsisimula na akong tumakbo papunta sa bus stop dahil malayo ang simbahan doon. Sobrang higpit ng laban namin, complicated na position pero lamang ako ng isang pawn na parang ayaw ko munang umalis kaagad. Maniniwala ba kayo na biglang tumunog ang Fire Alarm at parang sinasabihan na kami na ievacuate ang lugar? Dahil sa tagpong iyon, inalok ko ang kalaban ko ng draw dahil wala akong balak magstay doon at hintayin na iclear nila kung bakit tumunog iyon. Hindi siya pumayag dahil makakain nya raw ang isang pawn ko which is magpapantay ang number of pieces namin. Kaya talilong ako sa paghanap ng papunta sa direction ng simbahan para comfortable akong maglaro at alam ko rin na may masasakyan ako. Bumalik ulit ako sa paglalaro at tumira na akala mo’y may nagdikta sa akin na iyon ang itira. Iniwan ko ulit ang kalaban ko at naghanap ng makakasabay papunta sa town. Halos lahat ng napagtanungan ko ay sa iba ang direction, mayroong malapit doon nakatira pero hindi pa uuwi agad. Nagdesisyon akong iend na ang laban kahit na talo ako basta makapgsimba lang. Pagbalik ko sa laro namin sabi niya tinatanggap niya ang “draw.” Thank God! Ang naging resulta? Nakarating ako sa simbahan before the time. Sa pagtanggap niya ng offer ko na iyon, napanalunan niya ang mga sumunod niyang laban against other players. Lesson 2: God will alarm us kapag nag-iiba ang priorities natin – kapag binabalewala natin Siya dahil sa mga makamundong bagay. Ngunit kapag inuuna natin Siya He will make all things beautiful.
Ang ikatlo ay PAGSUBOK. Isa sa mga players si M. Nadevelop ang skills niya sa pagsali sa mga competition noong bata pa sya, sa pagbabasa ng book at regular na pagpunta sa Chess Club. Masasabi kong mahusay din syang maglaro pero hindi pa niya kalevel ang mga rated players. Nang biglang itinapat sya sa isa sa mga rated players na si Neil. Si Neil din ang organizer ng event kaya sobrang kabado itong si M. Kitang-kita ko sa kanya ang paghihirap habang nakikipaglaban kay Neil. Maraming beses siyang palabas-labas dahil nawiwiwi sa sobrang tension. Magaling ang kalaban nya pero lumaban sya hanggang sa huli. Sobrang lakas sigurong manalangin ni M at naipanalo niya ang larong iyon. Natuwa sa kanya si Neil at bingyan din ng award na $100. Lesson 3: Malalaman lang natin ang ating kakayahan kapag isinabak na tayo sa mabibigat na pagsubok at nalagpasan natin iyon. Habang bumibigat ang ating pagsubok higit naman tayong tumitibay lalo na at kasama natin palagi si God.
Ang ikatlo ay PAGSUBOK. Isa sa mga players si M. Nadevelop ang skills niya sa pagsali sa mga competition noong bata pa sya, sa pagbabasa ng book at regular na pagpunta sa Chess Club. Masasabi kong mahusay din syang maglaro pero hindi pa niya kalevel ang mga rated players. Nang biglang itinapat sya sa isa sa mga rated players na si Neil. Si Neil din ang organizer ng event kaya sobrang kabado itong si M. Kitang-kita ko sa kanya ang paghihirap habang nakikipaglaban kay Neil. Maraming beses siyang palabas-labas dahil nawiwiwi sa sobrang tension. Magaling ang kalaban nya pero lumaban sya hanggang sa huli. Sobrang lakas sigurong manalangin ni M at naipanalo niya ang larong iyon. Natuwa sa kanya si Neil at bingyan din ng award na $100. Lesson 3: Malalaman lang natin ang ating kakayahan kapag isinabak na tayo sa mabibigat na pagsubok at nalagpasan natin iyon. Habang bumibigat ang ating pagsubok higit naman tayong tumitibay lalo na at kasama natin palagi si God.
Ang huli ay REASON. Si Larry ay isa sa mga Chess Club Officers. Siya ang nakaassign na magsolicit sa mga sponsors. Nakakuha sya ng mga items at ibinigay ang mga iyon sa mga dayuhang sumali sa Chess Tournament. Nong gabing namigay sya ng gift items sa mga bisita sinabihan ko sya kung puwede akong makahingi pero ang sabi niya sa mga bisita lang daw iyon. L Sa huling round ng chess, kami ang nagkalaban. Mapalad akong puti ang natapat sa akin kaya inatake ko ang puwesto niya. Kahit sobrang layo ng agwat ng rating namin, nahirapan din si Larry sa mga tira ko. Lumamang ako ng 1 piece at batid ko na ako ang mananalo sa larong iyon, nagsabi na rin si Larry na “This is your game Shiela.” Nang biglang nagkamali ako sa isang move na naging kabaligtaran ng lahat. Nanlumo ako pati na ang lahat ng mga nanonood sa amin na dapat ay ipinanalo ko ngunit natalo pa. Tinuruan ako ni Larry tungkol sa mga mali kong tira at sinabihan din na pagbutihan ko sa susunod. Sa huling usapan namin, binanggit ko ulit iyong bag. Humiling ako sa kanya na dapat mayroon din akong reward dahil nahirapan ako sa laban namin. Ano kaya ang naging resulta? Siyempre binigyan nya ako ng gift item na exclusive lang sana sa mga visitors. Lesson 4: Everything happens for a reason. It’s not important whether we win or not. The most important is the lesson we get from failure. Mistake is only failure kung hindi ka natuto sa pagkakamali mo. Mistakes are just opportunities for learning something new.
Comments
Nakakatuwa na naman author naming mahal. Itong bonus blog mong ito ay para sa napakagandang experience mo sa Chess Tournament. Natutuwa ako kasi mahalaga rin sa buhay ko ang chess. At tama ka, marami tayong magegain sa paglalaro nito. Nakalimutan ko na kung anong age ako nagsimulang maglaro ng chess. Basta Grade 4 ata yun. Hehehe. Meron kaming naging kapitbahay nung bata pa ako na bagong lipat. Tapos naging kaibigan namin sila. Minsan, nakita ko silang naglalaro ng chess. Naging interesado naman ako. Tinuruan nila ako ng moves ng bawat piyesa. Sa una, syempre yun muna yung kailangan nating matutunan. Nang matuto na ako ng moves, nakikipaglaban na ako. Sinabi sa akin ng kapitbahay namin na ang technique daw para manalo ay iisipin mo palagi kung bakit yun ang move ng kalaban mo. Iisipin mo kung may binabalak ba sya. Hehehe. Nung nagsisimula ako, tamang hinala ako na palaging may binabalak ang kalaban ko. Hehehe. Sa umpisa, puro depensa muna, hanggang sa ako na yung umaatake. Hehehe.
Dahil sa naging interesado ako sa chess, tinry ko sumali sa mga tournaments nung grade 5 ako. Pati nung grade 6. Nahinto lang nung high school kasi nagfocus ako sa pag-aaral. Sinabi ko na napakahalaga ng chess para sa akin dahil ditto ko nakilala ang Amo ko. Meron kasing isang magaling na chess player sa lugar namin. Kilala ko sya sa pangalan at alam kong matalino sya at magaling sa chess. Minsan, hinamon ko sya. Wala lang. Gusto ko lang sya makalaban dahil sabi nga, kalabanin daw yung magagaling. Hehehe. Hindi naman ako nagexpect na mananalo ako kasi bata pa ako noon at hindi pa bihasa. Pero maniniwala ba kayo na natalo ko ang Master na yun sa unang laban? Hehehe. Simula noon, natuwa sya sa akin at lalo akong nahasa sa Chess. Nakagain din ako syempre nang maraming maraming kaibigan.
Sa ngayon, tinry ko na sumali sa Filipino Chess Players League ditto. Sa una, hesitant ako kasi nga bata tapos baguhan tapos babae pa ako. Hehehe. Pero nilakasan ko ang loob ko kasi ininspire ako ng mahal nating author. At sabi ko sa kanya, magkikita kami sa tournament sa ibang bansa. Hehehe. Masaya naman dahil tinanggap nila ako. Although ako lang ang babae na naroon. Ayk.
PARK. Tama lahat ng sinabi mo mahal naming author. Ang buhay ay parang larong chess. Dapat isipin muna natin yung position ng lahat ng mga piyesa bago tayo magmove. Para hindi tayo magkamali ng tira. Naniniwala ako na lahat ng piyesa ay may mahahalagang role. Mapa-pawn man yun o queen, lahat sila ay mahahalaga. Kung irerelate sa buhay, lahat ng mga nakakasama natin ay may mahahalagang role sa buhay natin. Mapapinakaimportante man sila o simpleng kakilala, sa kanila iikot ang laban ng ating buhay kaya dapat natin silang pahalagahan. May times na kailangang magsacrifice para maging mas maganda yung move para manalo. Pero ganun talaga ang larong Chess. Ganun talaga ang laban ng buhay. Sa bandang huli, hindi man natin makakasama yung mga pawns o iba pang piyesa pag nagtagumpay tayo, hindi pa rin natin sila makakalimutan dahil naging part sila ng ating pagkapanalo.
Bowowow.
Mahal naming author, salamat nang marami sa yo. Masaya ako palagi at inspired kapag nababasa ko mga blogs mo. Iba rin ang pakiramdam kapag nagkocomment kasi nakakapaginternalize ako ng mga sarili kong karanasan sa buhay. Nakakatuwa na nababalikan ko yung mga experiences ko. Sana itry din ng iba mong avid readers yung pagkocomment at pagshishare dahil mas makakatulong yun sa pagpapalalim sa mga puso natin ng blogs ng ating Kaagapay sa Matagumpay na Buhay. Hehehe.
God bless you always mahal naming author. Naniniwala ako na bibigyan ka pa ni God ng maraming blessings dahil deserving ka doon. Syempre God bless us always din.
Enjoy MSMC’s very inspirational blogs! J