Happy New Year!
Hello sa lahat ng nagbasa ng blogs ko ngayong taon. Asahan niyo na mas marami pang blogs sa 2009.
Ilang oras na lang iiwanan na natin ang 2008 at sisimulan ang 2009. May kasabihan na kung ano raw ang ginawa mo sa unang araw, ganoon daw ang gagawin mo sa buong taon. Kung ano raw ang mayroon ka sa katawan, magkakaroon ka raw ng marami sa buong taon. Siyempre naniniwala ako. At hinding-hindi ko makakalimutan ang Shiela noon na siguradong dapat may barya sa bulsa. Palagi kong nilalagyan ng barya ang bulsa ko hanggang sa narealize ko na hindi pala pera ang kailangan ko. Higit ko palang kailangan ang strong faith sa Panginoon. Siguro 3 to 5 years ko ng pinalitan ng rosary ang dating barya. Kaya bawat araw ng taon, palagi akong may rosary sa bulsa at nananampalataya na sa lahat ng ginagawa ko kasama ko palagi ang Diyos.
Heto rin ang time na magbalik-tanaw sa lahat ng mga blessings na natanggap ko. Sa dinami-dami ng biyayang natanggap ko hindi ko magawang magtampo kapag nalugi ako sa ibang bagay. Bigla ko tuloy naalaala ang one day millionaire nanay ko. Siya kasi iyong tipo ng tao na kapag may pera, asahan mo ilang oras lang naubos na. Mabuti nga kung naibigay niya sa iba kasi minsan nalaglag sa kalsada habang bumubunot ng ibang pera. Mawawalan yan ng 100, 500 at mayroon pang instance na 1,000. Kaming magkakapatid ang naiiinis pero siya cool na cool at sasabihin pa na nangangailangan ang nakapulot ng pera na iyon. Napatunayan ko nga iyon na kapag bukas ang palad mo para tumulong sa kapuwa, makakatanggap ka rin ng maraming biyaya mula sa Diyos. Kapag nakasara ang palad mo sa pagtulong, hindi mo napapansin na sinasarahan mo rin ang pagpasok ng blessings.
ISANG MABIYAYANG BAGONG TAON PARA SA ATING LAHAT!

Comments