Simple and merry


"The Lord does not delay in fulfilling his promise..." 2 Peter 3:9

Wow. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin itong verse na ito ha. Thanks sa Didache sa paghighlight ng verse na ito. Maraming puwedeng piliin sa buhay ni Grace pero sa iba muna tayo bumaling.

Merry Christmas!!! Malayo man ako sa aking original family masaya ko pa ring icecelebrate ang pasko dahil ang attitude ng isang positive na tao ay ang ienjoy kung anu-anong meron ka at huwag magfocus sa wala. Kung iisipin palagi ni Nanay na wala ang anak niyang si Shiela sa tabi niya, mababalewala niya sina Nym, Athan, Ryan at Memey. Kaya focus on what you have. Let's examine my 1st Christmas celebration...

Nakagawian ng company namin na magChristmas party sa magandang restaurant. Naalala ko noong nakaraang taon, magagara ang mga damit namin, kumpletong meals - appetizer, main dish at dessert, libreng wine at nandoon din sina Catherine Zeta Jones at Michael Douglas. Ngayong taon, matinding pinagplanuhan ng Social Committee namin kung paano kaming muling papasayahin. Binalak nilang binyagan ang bagong renovate na restaurant dito at maraming marami pang pakulo. Nagbago ang lahat nang biglang nagpapansin ang economic crisis. Ang original na plano ay nauwi sa party sa office. The Lord does not delay in fulfilling His promise. Hindi man kami nakapagparty sa magarang restaurant, masaya pa rin naming pinagsaluhan ang aming munting handa. Nakakatuwang tignan ang mga katrabaho ko kahapon habang naglalaro kami ng Battle of the Brains. Lahat kami ay nakaupo sa sahig, nagpaparticipate at nagtatawanan. Naisip ko nga na hindi magiging ganoon ang atmosphere kung nasa restaurant kami. Mas masaya pa iyong simple. Simple pero may pagkakaisa. Simple pero may pagmamahalan. Mga kapamilya ko, ano man ang magiging handa niyo sa Noche Buena tandaan niyo na mas mahalaga doon ang pagsabi ng Merry Christmas Nay, Ate, Kuya, Bunso, Tiya/Tiyo, pinsan habang niyayakap sila. Hindi na mahalaga kung maraming handa, bago ang damit mo o may magreregalo sa iyo. Para sa akin, kapag napapasaya ko na ang mga mahal ko sa buhay, nakakapagpasaya ng mga kamag-anak, nakakapagpasaya ng mga kaibigan at nakakapagpasaya ng ibang tao MERRY na ang CHRISTMAS. bow



Paano mga supporters, hanggang dito muna ha. Next week naman ang 2nd celeb. Ang palaisipan ko sa inyo ngayong linggo ay anu-ano ang mga maari mong gawin para mapasaya mo ang mahal mo sa buhay? May ginawa na ako sa family and friends ko. Sasabihin ko next year. hehehe.

P.S.

Pakatok naman sa mga pinto ninyo. Dumarami na ang PYM, dumarami na rin ang mga projects. Isa sa mga gawain nila ay ang magbigay ng pangnoche buena sa mga nangagailangan sa parokya namin. Maglalaan sila ng oras para magcarolling at makalikom ng pera. I'm knocking at your hearts, please volunteer na mangarolling sa mga bahay niyo o kaya kung oks lang magdonate sana kayo ng goods o cash. It's the best time to share our blessings. Share your cheese. Let's spread God's love.

Comments

"Shel" said…
Gusto niyo bang malaman kung ano ang ginawa ko? Nagpadala ako sa kanila ng Christmas card at nilakipan ko ng pictures naming lahat.

Syempre natuwa sila.

God bless us

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?