Higit pa sa Php500. :-)


Many are called but, few are chosen. Mt. 22:14






Sakto itong verse na ito sa text message na nareceive ko last night. Binalita sa akin ng isang PYM ang tungkol sa fatima - pagrorosaryo araw-araw ng mga kabataan sa bawat bahay ng PYM. Sa 50 members ng PYM, wala pang sampu ang regular na umaattend. Mejo nakakalungkot pero ganyan yata talaga sa simula...

Catholic Life in the Spirit Seminar (CLSS), isa ito sa mga humubog ng spiritual life ko. Si Nanay ay active sa Charismatic - assignment nilang magrecruit ng mga participants. Kaya, isang araw ginising ako at pinilit umattend ng seminar. Para makalusot, sabi ko kailangan kong tapusin ang mga projects at kailangan kong magreview dahil Finals na. Sabi nya, "Alam mo ba Shiela na si God ang nag-iimbita sa'yo? Ako lang ang instrument nya para masabihan ka." Para mas maconvince ako inalok nya ako ng Php 500.00, bibigyan daw nya ako ng pera kapag natapos ko ang seminar. Whew! Instant money, aattend lang ng seminar tapos may pera na ako. Ganyan ang style ng nanay ko para hikayatin kami. Pasalamat ako sa style na iyon dahil marami akong natutunan, higit pa sa Php 500.00. Siguro puzzled kayo kung tinanggap ko ung Php 500? kalahati lang yata kinuha ko e. hehehe. Puwera joke, hindi ko tinanggap dahil in the first place tinanggap ko ang invitation ni God (through nanay) not because of the money but because after ako sa mga matutunan ko, marami akong requests (hehehe) at bilang pasasalamat sa Diyos.

Hindi ko masyadong mablame ang mga kabataang yan kasi dyan din ako nagsimula. Mas gusto ko ang mga field trip like pagpunta sa Grotto ng Legion of Mary group namin kaysa magrosary linggo-linggo. Mas gusto kong umattend ng Fatima kapag alam kong ang pupuntahan naming bahay ay magpapakain ng masarap na tinapay at magpapainom ng coke kaysa nakaluhod na magdarasal. Nagsisimba ako kasi marami akong hinihiling hindi dahil sa time iyon para ibalik ko sa Diyos ang lahat ng biyayang natanggap ko for the week. Hanggang sa naisapuso ko na kung bakit ginagawa ko ang mga bagay na iyon kaya't mas lumalim na nag dahilan ng paggwa ko sa mga bagay na iyon. Salamat sa mga taong gumagamit ng mga tactics para mapakagat kami sa tunay na nagbibigay-ligaya.

Many are called but, few are chosen... PYM, palagi kayong iniimbitahan ng mga ate at kuya niyo sa lahat ng mga activities ng PYM. Variety show, Youth night, Taize, Halloween party, Christmas Pary, pagbabasura, pagdidikit ng flyers, Rosary, Feeding Program, BEC at maraming-marami pang iba. Anu-ano sa mga activities na yan ang always present ka kahit na sobrang busy ka sa school o sa trabaho? Anu-ano naman sa mga activities na yan na kahit na napakaluwag ng schedule mo ay hahanap ka ng allibi para hindi ka makapunta? Ilang taon ka na bang PYM member, nagsisimula ka pa rin ba? Sa ngayon, saan mo ikaclassify ang spiritual life mo- kagaya ko ba na gusto ng Php 500.00 o kagaya ng iba na sobrang fulfilled kapag nakakapagpuri sa Panginoon?

Gising PYM! Gising!

Bow!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?