Lolo Jose at ang angkan



"He remembers his covenant forever, his promise to a thousand generations, the covenant he made with Abraham, the promise he swore to Isaac." Ps. 105:8-9


Maligayang paskong muli sa inyong lahat. God is really good, palagi Niya akong ginagabayan. Palagi Niya akong binibigyan ng idea kung paano ako makakapagshare ng cheese story.

Lolo ko nga pala sa mother side ang nasa picture tapos may 14 siyang anak. Nakakatuwang makita ang mga pictures ng mga kamag-anak namin sa abelmanibo@yahoo.com friendster account. Habang ginagawa ko iyon, nakaramdam ako ng awa sa iba naming kamag-anak lalo na sa mga wala sa photo albums. Ako at ang iba ko pang pinsan ay nakakapagfriendster samantalang ang iba ay nasa probinsya at nagtatanim ng palay. :_(

Naisip ko tuloy kung unfair ba si God. Magkakapareho sila ng tatay at nanay pero hindi pare-pareho ang naging buhay nila ngayon. Naicompare ko tuloy ang sarili naming pamilya sa pamilya nila. Marahil, magkakaiba nga kami ng mga kapatid ko. Matalino at responsible sina Ate at Memey, pasaway naman sina Kuya Athan at Kuya Ryan. Nag-aral nang mabuti ang mga girls, nagbulakbol naman ang mga boys. Iyong mga tipong ganon. Iisa ang aming pinanggalingan ngunit hindi pareho sa pagtubo. Naaalala ko tuloy iyong nabasa ko dati. Sinasabi doon na dahil na rin sa ibang tao kaya nalalabel ang sarili. Halimbawa, marami akong pera tapos ipapamukha ko pa sa iba na mapera ako nagiging tingin tuloy sa sarili nila mahirap sila at kaawa-awa. Sa tingin ko kasi sa amin ngayon, iba-iba man kami ng buhay parang pantay-pantay pa rin. Halimbawa ulit, kahit kaya ng bumili ni Memey ng starbucks coffee, hindi muna siya bibili hanggat hindi niya nasisigurado na may Nescafe sina Kuya Athan at Kuya Ryan. Ang pananaw ko kasi mas masayang tignan iyong sabay-sabay kayong aangat. Iyong tipo ba na hinihintay mo sila at hindi ka magstep forward kapag nastuck siya sa isang level. Pangarap ko na mapanatili sa aming magkakapatid iyon at dumating ang panahon na matulungan na rin namin iyong mga kamag-anak namin na naiwan ng "jeep." I believe na darating ang panahon na ngingiti si Lolo Jose sa narating ng LAHAT ng mga anak niya.

"He remembers his covenant forever, his promise to a thousand generations, the covenant he made with Abraham, the promise he swore to Isaac." Ps. 105:8-9

Hanggang dito na lang muli. Tignan niyo ang pamilya niyo ngayon, sino sa kanila ang nangangailangan ng tulong mo? Ipapaalaala ko ulit, satisfy yourself first. Kapag satisfied ka na, help mo family mo, tapos labas ka na sa mga kamag-anak tapos sa ibang tao.

Magbabagong taon na rin pala kaya resolution time. Ito ang aking mission statement/resolution statement "This coming year, magbabasa pa ako ng mas maraming books, mas bubuksan ang puso para makapag-inspire ng maraming kapuwa." Bless me God.

Comments

Anonymous said…
Hello ulit nang marami sa mahal na mahal naming tagapagbigay ng inspirasyon sa lahat ng avid readers! Gusto kong bawiin lahat-lahat ng namiss kong mga blogs kaya nanditto na naman ako para makatulong magshare. Hindi man ako ganun kagaling tulad ng mahal nating author, galing naman sa puso ko itong sharings ko. Hehehe.
Nung nabasa ko tong blog mo mahal na author, napaisip ako tungkol sa pamilya ko, sa mga angkan namin. Hindi man ganun kalaki yung angkan namin katulad sa inyo, masasabi ko pa rin na isa kaming malaking pamilya. Medyo mas bata kung tutuusin yung average ng pamilya ko. Ako kasi yung panganay sa lahat ng magpipinsan mapa-mother or father side. Naisip ko tuloy na parang sa amin, nagsisimula pa lang sa akin yung pagtulong para maiangat hindi lang yung pamilya namin, pati ibang mga kamag-anak.
Sa pagtatrabaho ko ditto sa malayong lugar, minsan palagi kong naiisip na guminhawa na agad kaming lahat, makatulong na ako sa ibang tao at kung anu-ano pang mga pangarap. Pero naisip ko ngayon, hindi ganun kadali yung process na maachieve yung mga pangarap na yun. Ika mo nga sa blog mo e, si Lolo Jose ay matanda na. Ibig sabihin, hindi agad-agad yung pangako ni God sa atin na maginhawang buhay. Kelangan nang matinding tiyaga at sipag para makamit yun. Dapat isa-isa muna. At dapat magprioritize. Tama ka, dapat isatisfy muna ang sarili, tapos pamilya, tapos ang iba pa. Minsan kasi, yun yung nagiging simula ng mga regrets. Pilit na inuuna ang iba, tapos mararamdaman na sa sarili may kulang pa pala. Ang ending, syempre hindi masaya kasi hindi ka palagi magkakaroon ng contentment.
Pero anu’t anuman ang mga pangarap na gusto nating matupad sa ating mga buhay, palagi lang tayong manalangin at magtiwala sa PANGAKO ni God para sa ating lahat. Hindi man ganun kadali na marating natin yung mga gusto nating marating, gaano man yung magtatagal bago natin makamit, sa katapusan, mararanasan pa rin natin yung mga katuparan ng mga pangako ni God sa ating lahat.
Bowowow.
Mahal naming author, thank you for always sharing your inspirational thoughts with us. These blogs really make our lives inspired. God bless you always. J
"Shel" said…
:_( Naalala ko si Lolo.

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?