Kriscien is the name


Isaiah 49:16 Behold, I have carved you on the palms of My hands
Luke 9:59 Follow me
Hello mga kablogs! Balik ulit tayo sa Tagalog blogging. Mas madaling mag-express kapag sariling wika. Medyo busy pa rin sa botohan. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigang tumutulong sa akin. Pasensya naman sa mga nakukulitan na.

Dahil ako ay FB addict, lahat ng mga postings tinitignan ko. Hindi lang ako nagkocomment kaya hindi halata.

Kanina, napadaan ako sa page ni Igie Franz. Gumawa siya ng video para sa lolo niyang kamamatay lang. Ito iyong pangalawa kong pamilya, akala nga dati ng iba magkapatid kami ni Emma kasi palagi kaming magkasama noon. Ang pangalan ni Tatay Asiong ay Ignacio tapos si Nanay Franz naman ay Francisca. Kung titignan, iyong pangalan ay makasinaunang panahon pero ang nakakatuwa ay dala-dala noong bunso at apo. Si Nonoy ay Ignacio Jr at si Jing naman ay combination ng Lolo at Lola.

Alam niyo bang pangalan ko ay MARIA SHIELA? Jologs ng Maria kaya hindi ko ginamit noong nag-aaral ako. I never introduced myself, "I'm Maria Shiela." Palaging Shiela lang. Noong mapunta ako sa Bermuda, tinawag ako ng lahat na Maria. Akala nila middle name ang Shiela. Eeewww. Sagwa sa pandinig.

Naalala ko tuloy ang natutunan ko from our Theology class o sa homily yata na ang pangalan natin ay ipinagkaloob ng Diyos. There's a reason kung bakit iyon ang naging pangalan natin. Kung titignan mo pa ang kahulugan ng pangalan mo, you'll realize na kaya pala iyon ang pangalan mo dahil the meaning reflects your personality.

Maria name means: Beloved
Shiela name means: Blind

Minamahal na bulag. Hehehe. Huwag naman sana akong mabulag. Mahalin niyo na lang ako. hehe. Pero in fairness, since 1995 naka-eye glasses na ako.

Si Ate Lhok ay magsisilang ulit ng ikalawa nilang baby ni Kuya Athan so noong nagbakasyon kami todo isip kami ng name. Ang name ng panganay ay Kyle Yuan. Gusto ni Mommy Lhok, ang name ay magstart sa K at 8 letters. Kakaloka...? Kung anu-anong sinasabi namin sa kanya. Tapos bigla ko ngang naisip kanina iyong name through that video kaya dali-dali akong nagtext sa lahat:

"Hello sa inyo! suggestion lang, naisip kng ipngln ky baby ay Krisbien. Wala pang gumagamit ng pnglan nina nay at tay sa pmilya ntin. walang pilitan ito h. gusto k lng snng maalala plgi sina nay at tay hnggng sa tauy tumanda na. kapag wala pang gagamit, mpipilitan akong mag-anak ng 2. hehehe. ang gusto nina ate lhok 8 letters at nagsisimula sa K. kung oks sa kanila isip tayo na nandon ung PRISCILLA AT BIENVENIDO so kayo na magmixup.lab u all.naisip ko lang pag lumaki ung baby, everytime n ttwgin ntn sya our parents will be remembered though it's given that they are always in our hearts. it's an additional nga lang. lab u all. mmwah. hugs ang kisses. Kriscien, isa pa.:-)" Ganyan kami sa family, mayroon kaming group messaging...
Reply naman ang aking mamuds na naiyak daw sya, hindi niya alam naiyak din ako. Isa sa aking mission ay palaging pasayahin ang nanay ko pero siyempre dapat sang-ayon din ang mga kapatid ko. Kakatuwa kasi pumayag sina Kuya Athan at Ate Lhok! KRISCIEN ang magiging pangalan ng baby nila.


Hindi ko makita sa google ang ibig sabihin ng Kriscien siguro dahil wala pang gumagamit. Basta para sa akin kapag makikita ko si Kriscien, maaalala ko ang Tatay kong nagdisiplina sa aming paglaki. Si Nanay, na patuloy na nagmamahal sa amin kahit malalaki na kami. Love u Tay and Mamuds!

Follow me.

Ang pangalan natin ay may kahulugan at lahat tayo ay anak ng Diyos at kapatid ni Kristo. Bilang anak niya, ang gawain mo ba ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Sundan natin ang daan patungo kay Kristo. Let's live by our names, and always remember that we are all sons and daughters of Christ! Let's follow Him.

bow




Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?