Pagtulong sa 'di Kaanu-ano
"You believe because you see me, don't you? Happy are those who have not seen and believe." John 21:29Hello sa lahat! Kailangan kong agapan ang mga blogs ko dahil ilang araw na lang ang natitira para makaboto tayo sa Facebook.
Palagi kong nakukuwento sa inyo si Carla. Nakakatuwa iyong kaibigan kong 'yon. Napakamapagbigay kahit walang matira sa kanya. Namana niya ang ugali niya sa Nanay niya, iyong tipong isusubo na lang ibibigay pa sa iba.
Naalaala ko iyong experience niya nong College pa lang siya. Engineering ang course, syempre mahirap kaya palagi siyang nag-aaral at halos kaunti lang ang free time. Mayroon siyang kapitbahay na nagpapaturo sa kanya, inabot sila ng hating-gabi. Mapagbigay man ang Nanay niya ngunit dahil nag-aalala sa kalusugan ni Carla, palihim siyang kinakausap at sinasabi sa kanyang "Sabihin mo sa kaibigan mo, sa ibang araw na lang ulit. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Nagpapakapagod ka wala ka namang makukuha dyan." Nasasabi niya lang iyan dahil nga nag-aalala kay Carla pero sa totoo pareho sila ng ugali. Kahit na ilang beses nagmakaawa ang Nanay niya na humantong pa nga sa galit, hindi napigilan ang passion ng anak na makatulong sa kaibigan. Pagkauwi ng kaibigan, sinabi niya sa ina, "Nay, masaya po ako sa ginagawa ko. Hindi man po ako makikinabang, masaya na po akong nakakapagbahagi ng puwede kong maibigay." Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaibigan ni Carla pero ang alam ko ilang taon lang naipasa ni Carla ang Engineering at nagkaroon ng magandang trabaho.
Nakakahanga ang katangian ni Carla. Hindi man niya kadugo ang kaibigan pero naglaan siya ng oras para maturuan ito. Hindi man siya umasa ng kapalit, nakita ni God ang kabutihan ng kanyang puso kaya si God na mismo ang gumanti sa kanya sa pagbibigay ng maraming blessings.
Mga kaibigan, let's always find opportunities to help others. Masaya po sa pakiramdam ang makatulong sa mga nangangailangan. Kapag natutunan po nating makatulong sa mga hindi natin kapamilya o kamag-anak, napakadali na lang pong makatulong sa mas malalapit sa atin. Sa kabilang banda, kapag nahihirapan kang magbitaw ng Php100 sa kapitabahay mong nangungutang, mahihirapan ka ring tumulong sa kapatid mong nanghihiram.
Inaanyayahan ko po kayong tulungan natin ang PARA SA BATA sa kanilang adhikaing makatulong sa mga batang Pilipino. Top 18 na sila ngayon at kapag mas marami pang botong nanggaling sa mga Pilipino, maaari silang maging Top 5. Hindi ko man po sila kilala, hindi ko man po kaanu-ano ni isa sa mga leaders at members nila, naniniwala akong mabuti ang layunin nila. Sana ganoon ka rin!
"You believe because you see me, don't you? Happy are those who have not seen and believe."
Makakatulong tayo sa pamamagitan ng pagboto at pag-invite ng mga kaibigan. Kung ang 2,000 voters na mga nakaboto na ay mag-iinvite ng tig-2 nilang mga kaibigan, 4,ooo votes will be added. 5,600 lang po ang boto ng Top 5. We can do this if we will share our time and talent.
bow!
http://apps.facebook.com/chasecommunitygiving/charities/204980152-para-sa-bata?src=twitter
Comments