Low point ulit



"He was lifted up, and a cloud took him from their sight." Acts: 1-1-11, Mk.
16:15-20



Hello mga bloggers lalo na sa mga masusugid na tagabasa ng mga blogs. Nakita ko itong quote ni Thomas Edison habang nagbabrowse ako sa net kahapon.

Many of life's failures are men who did not realize how close they were to success when they gave up.

Biglang pumasok sa isip ko si Carla. Matalik kong kaibigan, isa ring OFW at kagagaling lang din sa bakasyon. Nakakabilib itong kaibigan kong ito. Sobrang optimistic, maraming pangarap at talaga namang napakasipag at matiyaga. Malayo man sa pamilya, masaya siyang namumuhay kasama ang kanyang mga kaibigan sa ibang bansa. Para sa inyong kaalaman, nagtatrabaho siya sa isla, somewhere in Europe. Dahil isla, ang available na pagkain doon ay halos frozen foods kaya hindi sariwa. Ang tubig naman nila ay tubig-ulan din. Nang magbakasyon siyang muli sa Pinas, naenjoy niya ang mga sariwang pagkain, nag-uumapaw na tubig at siyempre ang kanyang pamilya. Subalit, pagbalik niyang muli sa Isla Batu-bato nakaramdam siya ng kakaiba. Ang paliwanag niya ay parang “she’s tired of eating frozen foods.” Sa palagay ko sobrang namimiss niya ang pamilya dahil nga puro saya ang naranasan nang magbakasyon sya. Nakakagulat talaga kasi parang hindi ko siya nakilala nong sinasabi niya ang mga ito.

Sa muling pag-uusap namin, nakapag-adjust na raw siya ulit. Siya na ulit ang dating Carla na nakilala ko. Dahil maayos naman daw ang lagay ng pamilya niya sa Pinas lalo na ang Nanay niya, maayos na rin siya. Tungkol naman sa pagkain at tubig, tinanggap na lang niya na kasama ang mga iyon para mabuhay sa Isla Batu-bato. I’m proud of you Carla dahil nalampasan mo ang low point sa buhay mo!

Ating ikoconnect sa quote at celebration ngayon. Sa ating paglalakbay gaano man tayo kagaling at kabuti darating at darating ang panahon na parang nakakapagod na. Palagi lang nating tandaan na puwede namang magpark sandali para makapagpahinga at makapagrefill na rin ng gasoline. Dahil kapag nagpatalo ka sa pagsubok na iyan, you’re not aware konting distance na lang pala at malapit ka na sa destination mo. Kagaya rin ng lahat ng nangyari sa buhay ni Hesus, nahirapan Siya habang nasa lupa pero itinaas pa rin Siya ng Panginooon.

Kaya para sa inyong lahat na kagaya ko ring naglalakabay, palagi nating tandaan na habang tumatagal lalong sumasarap. Habang pataas nang pataas, pabigat nang pabigat. Anuman ang mga pinagdaraan niyo ngayon, park ka muna. At ang pinakamahalaga sa lahat ay humingi ng gasoline sa number one provider nating si Hesus.

Happy Birthday sa mahal kong kapatid na si Kuya Athan. Sigurado akong mag-eenjoy na naman kayo sa Enchanted Kingdom. Sabi mo nga, tumatanda ka na pero masaya naman kasi gumiginhawa. Dahil alam mo kung paano magrefill ng gas tank.

Happy birthday din kay Jepot at kay Enggoy. Nawa’y maging happy kayo at matupad ang lahat ng pangarap.

Happy birthday din kay Kimpoy na nagpabaon sa akin ng maraming movies. Ilang buwan na lang puwede na akong magkakaso…

God bless u all at sana nagustuhan niyo ang pagbabalik ng blogger.





Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?