430 - 02202010 - ^ __ ^ 470 - 05032010 - ^____^

"All that you ask for in prayer, believe that you will receive it and it shall be yours." Mk. 11:24
Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Sa totoo lang sa mga oras na ito, masakit ang aking ulo at pakiramdam ko ay pagod na pagod. Gusto ko lang ishare ang experience ko at ang hula ko na maaaring gusto Niyang ituro sa akin sa mga pangyayaring ito.
Dahil sa pangambang mawalan ng trabaho noong sinabi sa amin na ikoclose ang J sa Bda, nagdecide akong dagdagan ang aking qualifications. Mas lalo pang pinatibay noong unang received ko ng salary ko na sobrang baba. Sabi ko ang kasagutan sa mga issues na ito ay kapag naipasa ko ang isa sa mga requirements ng maraming job posts. Nag-aral ako simula last October at una kong salang ay noong February 20th. Score ay 430 (passing ay 500). Kaunti na lang sana at nasa Step 2 na ako.
Magbabakasyon ako sa Pinas at bibiyahe ako starting May 7 kaya right after nang hindi ko pagpasa, nagdecide ako na i-take ulit agad habang fresh pa sa isipan ko at para wala na rin akong aalalahanin na aaralin kapag nasa Pinas ako.
May 3, 2010, sinubukan kong muli at hindi ko inaasahan hindi ulit umabot sa 500 ang grade ko. 470.
Si Peter kung naaalala niyo, siya iyong nagpush sa akin na maging positive raw ako at isipin kong papasa ako. Nakatulong ang pagpush niya sa akin at naramdaman ko ngang nagbago ang aking reaction at review style. Mas lalo kong naintindihan ang ginagawa ko at feeling ko pa marami akong na-accomplish. Kahapon naman, I really felt na sobrang handa na ako, nakapanood pa nga ako ng movie (My Big Fat Creek Wedding) sa pagrerelax. Nasa ayos ang lahat, handa ako sa araw na ito tapos nakakatuwa pa kasi number 4 ang locker at testing site ko. Sabi ko, this is it na talaga! Unlike noong unang exam na parang ngarag na ngarag ako, kanina ay nagawa ko pang makapagpray nang maayos bago magstart ang exam at pagkatapos ng exam. Nagawa ko ring mareview ang ilang mga items.
Sabi ko bago ko pindutin ang SUBMIT, "Thank God! I claim it! Anuman ang mangyari, I will be grateful.... 470! Bigla na lang akong napatungo at sabi ko, Bakit?
Hindi sa dinedepensahan ko ang sarili ko pero gusto ko kayong bigyan ng overview. 140 questions at more on theories. Ang topics ay divided sa 4 units with total of 20 sub-units at may mga branches pa. May isang topic don na talagang hindi ako sigurado sa mga pinagsasagot ko pero I was very comfortable sa karamihan ng mga items. Noong binilang ko nga ang hindi ko sigurado, sabi ko puwede na 'to. Kaya lang ganoon talaga, kailgangan may matutunan ako kaya gagawa Sya ng paraan para ipaalala sa akin ang lessons at i-share na rin sa inyo...
Lesson No. 1 - Huwag madaliin ang buhay. Kung hindi ako masyadong nagmadali at nagpalipas muna ng panahon baka naiba ang ihip ng hangin.
Lesson No. 2 - Huwag magpaapekto sa nakaraan. Nakatulong iyong pagkausap ko sa officemate ko. Kumuha rin pala sya ng exam at kagaya kong nagmadali rin para ipasa ang unang naibagsak, hindi rin naging successful ang pangalawa niyang take. Sabi niya, may aftershock pa raw siya ng unang failure. Nagkamali man tayo dati, hindi tayo dapat magpaapekto sa ginagawa natin ngayon dahil lahat tayo ay may karapatang mag-improve.
Lesson No. 3 - Paano ka marereact sa mga bagay na hindi naaayon sa kalooban mo? Puwede akong mag-iiyak dito lalo na at nag-iisa ako, mag-aksaya ng oras sa ibang bagay o mag-isip kung anong plan ni God at tanggapin ng positibo ang mga bagay-bagay. Napili ko ay ang maging positive. Alam kong ginawa ko ang best ko this time at kung gugustuhin ni Lord, puwede Niyang itama ang mga hula ko pero may dahilan Siya kung bakit ito ang napili Niya. Para through me, masabi Niya sa lahat na hindi ibig sabihin na hindi natupad ang gusto natin hindi na Niya tayo mahal. Para through this situation, mainspire ang mga makakabasa na ang pagkabagsak, pagkakamali, pagkakadapa ay hindi katapusan ng buhay kundi simula ng isang mas masagana at mas matagumpay na buhay.
Lesson No. 4 - When we are weak, we are strong because God is in control. Sa sobrang excitement ko, hindi ako nakakatulog nang maayos. Nahihiga na nga ako ng maaga para kung magising man ako sa madaling araw, nakabawi na ako ng tulog. Hanggang kanina nga, nagising na naman ako at 2:00am. Kung anu-anong position ko para lang makatulog ulit. Hanggang sa kinuha ko iyong rosary at hindi ko namamalayan habang patapos na rin ako sa mysteries nakakatulog na ako at parang recharge na recharge. Let's leave everything to the Lord. He is in control.
Lesson No. 5 - Family and friends, sila iyong kasama ko at nakasuporta sa lahat ng ginagawa ko. Anuman ang mangyari palagi silang nandyan. Salamat din kay Kuya John Cancino!
Lesson No. 6 - Ask and believe. I asked and I believed. I don't know yet what His plans for me, for my career but I believe that He is granting my requests. One day, ibablog ko ulit na tinupad na Niya ang panalangin ko.
Bonus lesson - In regards sa IN-SPIRIT blog, mas mararamdam mo raw ang pakiramdam ng isang tao kapag naramdaman mo rin ang nararamdaman nila. Gusto kong maging inspiration sa mga board exam takers na hindi nakapasa agad sa unang take. Actually, nabubuo pa nga sa isip ko na mag-organize ng Accounting group sa lugar namin para mainspire ang iba na kunin din ang course na ito. Higit sa lahat, dahil sa ilang beses ko nang pinag-aralan 'tong topics na 'to parang gusto kong ito ang maging subject ko kapag nagtuturo na ako.
Hanggang dito na lang. God bless everyone.
Kaya po ako hindi masyadong active sa FB at ibang sites dahil sa pag-aaral ko. Ngayong tapos na, you'll see me more often.
My family, I'll see you soon. I love you all. mmwah.




"Jesus was now full of Holy Spirit. As He returned from Jordan, the Spirit led him into the desert where he was tempted by the devil for forty days." Lk. 4
Hello mga kablogs! Ilang buwan din ang nakalipas... Oo, ilang buwan, ilang buwan din akong naghanda para sa katuparan ng isang malaking project. Hindi lang halata pero sa bawat blogs ko for the past few weeks, ginagawa ko iyon sa pagitan ng aking subsubang pag-aaral. Kaya kung napansin niyo, may maiksi, may blog na masakit ang ulo ko, may blog na inaantok ako at kung anu-ano pa...

Sa blog na ito may 3 points akong gustong itanim sa bawat isa. Dahil 3 points, iexpect niyong mahaba at syempre kapupulutan ng aral.

Una ay Life has many good things to offer. It's up to us if we will grab it or not. Nang mapadpad ako rito sa Cinci, napag-isipan kong dagdagan ang aking kaalaman. Nagregister ako sa isang organization na nagbibigay ng series of exams at kapag naipasa ay madaragdagan ang suffix ng pangalan. Naging fit naman kasi nga mag-isa lang ako sa bahay kaya mayroon akong mga idle times. Kung hindi nga ako nag-aaral, malamang naburyong na ako at siguro maraming-maraming movies na akong napanood. Lalo pang tumibay ang aking pagsisikap na matapos ito nang nalaman ko ang aking bonus at ang salary kong hindi man lang dinagdagan. Sa sobrang disappointment, gusto kong maging madali ang lahat. Gusto kong ipasa agad. Gusto kong matapos na para makalipat na agad sa ibang company... Think of ways kung paano mo mae-enhance ang talents mo o kung paano mo magagawa ang mga bagay na gusto mong gawin. Kunwari, gusto mong mag-aral magpiano o kaya gusto mong maging mba. Maraming-marami pang bagay na kung gugustuhin lang natin ay maaaring mangyari.

Pangalawa ay tungkol sa reading - temptations. Sana ay nabasa niyo iyong blog ko tungkol sa pag-iwas ko sa Meteor Garden nong nag-aaral ako para sa board exam. Parang ganito ulit kaya lang modern na. - Hindi ko alam kung nahalata niyong nagbawas ako ng time sa pag-visit sa facebook at sa mga political sites. Nakakatawa kasi dinisiplina ko talaga ang sarili ko na titingin lang ako sa FB kapag nakatapos ako ng isang set ng questions at dapat pigilan ko ang sarili kong magcomment o kahit na maglike. Turned off din ang notifications kaya hindi ko nalalaman ang updates sa FB ko. Masasabi ko namang napagtagumpayan ko ang pag-iwas sa FB habang nag-aaral this month. Hindi dapat sinasabi pero sasabihin ko na para sa kabutihan ng iba. Isa ang FB sa mga pinili kong bagay na i-fasting. Sabi ng mga pari sa homilies nila, ngayong lent daw ay pilitin nating umiwas sa mga bagay na nakakaagaw ng attention ni Lord. Gumagamit pa rin ako ng facebook pero sa mas kapaki-pakinabang na. Anu-ano ang mga bagay ang palagi mong ginagawa na sa tingin mo ay nakakaagaw ng attention ni God? Handa ka bang bawasan iyon o kaya'y gamitin ang bagay na iyon so that others will get closer to Him?

Pangatlo ay ang pagtayong muli. 430 02202010. Result - Fail! Haaaaaaaaay. Mixed emotions ang naramdaman ko kahapon. Nagsisimula pa lang kasi iyong exam, sabi ko kapag nakapasa ako rito talagang God's intervention kasi hindi ko naencounter ang karamihan ng mga tanong. Ganoon man iyong feeling pero sinabi ko sa Kanya na gusto ko sanang makapasa na para nakapagmove on na ako sa next step at hindi na gugugol ng oras sa pag-aaral ulit. Medyo sinuspense pa ako tapos ayun nga failed daw. Sa mga oras na iyon puwede ko nang iconclude na THIS IS IT! Why will I bother to exert effort eh maayos na naman ang lagay ko. Nanalo pa rin ang sinasabi ng maliit na boses na "Shel, subok ka ulit. Makakapasa ka rin hindi pa lang ngayon." Sa buhay natin, hindi palaging naaayon lang sa kagustuhan natin ang mangyari. Everything happens for a reason. Minsan pa nga ang mga failures ang lalong nagpapatibay ng loob natin para magsikap pa lalo. Itong failures ay hindi lang tungkol sa exams, maaari ring sa love, career, friendship at marami pang bagay. Ang mahalaga dyan ay hindi ka basta-basta susuko bagkus babangon kang muli mula sa pagkadapa.

Bonus lesson. Ang blog na ito ay para sa lahat ng mga mahal ko sa buhay, sa aking pamilya, sa aking mga kamag-anak, sa aking mga kaibigan at sa lahat ng mga nakasubaybay sa aking paglalakbay. Sana ay magsilbing inspirasyon sa inyo ang aking buhay na punumpuno ng mga challenges na masaya kong kinakaharap. Sana rin ay magsilbing huwaran ang religious side ng aking buhay. May mga bagay na puwede kayong mapulot sa mga inilalagay ko. Higit sa lahat, nagpapaalala lang na ang aking buhay ay hindi perfect. Kagaya rin ng isang simpleng tao, bumabagsak din ako at may mga maling decisions na pinipili sa buhay. Ayun lang. more blogs to come...

Salamat nga pala sa lahat ng nagpray at sa sumama sa akin sa simula hanggang sa wakas.

bow!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?