Blind Belief = Unheard Voices

And no sooner had he spoken than a cloud appeared and covered them: and the disciples were afraid as they entered the cloud. Luke 9:34
Hello mga kablogs! 2:10pm dito sa gitna ng aking pag-aaral. Kaninang umaga pa ako nakakaisip ng topic pero sabi ko saka ko na gagawin kapag natapos ko na ang pag-aaral ko. Ibig bang sabihin tapos na akong mag-aral? Hindi pa. Sa pagpapahinga ko, nakita ko iyong news about sa Chile. Before pa iyon napanood ko ang video sa Haiti. Pagkatapos ng Chile, patayan sa Mindanao. Haaaaayyyyy. Sabi ko gagawin ko na ang blog ko. Grabe ang mundo. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas.
Ngayong araw (Linggo sa Pinas) rin ooperahan ang tenga ng pinsan ko. Siguro nasa 23 o 24 y/o sya. Isang araw dahil sa isang aksidente sa dagat, bigla na lang siyang hindi nakarinig. Kung dati ay naririnig niya ang huni ng mga ibon, ang ihip ng hangin, ang kulitan ng mga kapatid niya, ang pag-uusap ng mga magulang niya, ang paglalambing ng asawa niya at ang lahat ng tunog sa paligid niya ngayon ay bigla na lang naglaho... Kahit hindi ako siya, sobrang nagdurugo ang puso ko. Gustuhin ko mang tumulong kahit financially, hindi rin kaya ng budget ko dahil nga sa mga pinagdaraanan ko rito. Pinapanalangin ko ang successful operation niya at sana muli niyang mapakinggan ang "tinig ni Lord."
Sa mga nangyayari sa paligid ko, sa paligid natin, patunay lang na darating sa punto ng buhay natin ang KATAPUSAN. Hindi man katapusan ng mundo pero katapusan natin. Kung halimbawa mang matatapos ang mundo in 2099, masuwerte pa ako kung buhay ako sa 2082. Sana nasusundan niyo ang ibig kong iparating. Sabi nga sa nabasa kong book, hindi ang mundo ang tahanan natin kundi ang langit. At kagaya ng isang nagtatrabaho lang sa ibang bansa, hindi ka masydaong bibili ng mga gamit dahil alam mong babalik ka pa rin sa sarili mong bansa or magsesettle ka sa ibang country. Kaya lang ang nangyayari sa karamihan sa mga tao, inaari natin na sa atin ang mundo. Kung makaasta tayo parang hindi natin lilisanin ang mundo. Kanya-kanya tayo ng paraan ng pagpapayaman. Nandyan na bibili tayo ng mamahaling bahay, magpupunta kung saan-saan para magliwaliw, magpapakadalubhasa sa pag-aaral para maging mas marketable at kung anu-ano pa. Hindi naman sa sinasabi kong hindi natin dapat gawin ang mga ito dahil sa maniwala kayo o hindi ang mga examples na binigay ko ay AKO. Sobrang sakit sa totoo lang na magkakaroon nga ako ng bahay tapos ang iba ay mawawalan ng buhay kung hindi ko papakinggan ang mga hinaing nila. Haaaay.
Dagdagan natin ng details para maging mas malinaw. Ang ibig kong iparating sa lahat lalo na sa mga kapamilya ko at mga malalapit sa akin, marapat lang na iimprove natin ang ating pamumuhay, marapat lang na maghangad tayo ng yaman, marapat lang na iparanas natin sa mga mahal natin ang masaganang pamumuhay PERO huwag tayong maging bingi sa mga kapuwa nating humihingi ng tulong natin. Hindi itong mundo ang tahanan natin kaya anong kabutihang maidudulot kung magpapakayaman ka o magiging pinakamatalino kung isang araw ay babalik ka sa langit at iiwanan mong lahat sa mundo. Mabuti pang habang may panahon tayo, simulan na nating mag-ipon ng mga materyales sa langit by helping others here on earth. Naalalaa ko iyong turo sa amin sa Legion of Mary noong bata pa ako, bawat munting pagtulong daw natin sa kapuwa katumbas ay pako para sa bahay natin sa langit. China-challenge ko ang lahat ng mga makakabasa ng blog na ito na humanap kayo ng paraaan para maishare niyo ang blessings niyo. Hanapin niyo iyong mga kamag-anak niyong napag-iwanan sa probinsya. Isurprise niyo sila ng isang sakong bigas o grocery for the month. Kung ang mag-anak niyo ay masagana na, humanap kayo ng ibang tao na maaari niyong matulungan. Buksan ang mga mata at mga tenga, maraming nangangailangan ng tulong mo. Huwag mo nang hintayin bawiin ang mga senses na iyan bago ka kumilos.
Uulitin ko pong hindi masama na maghangad tayo ng abundant life at gumagawa tayo ng paraan para maimprove ang buhay natin. Ang nagpapasama sa hangarin nating ito ay kapag nagiging ganid tayo-kapag nagiging bingi at bulag tayo sa pangangailangan ng iba. Sa palagay ko ay mas matutuwa si Lord at susuportahan pa tayo sa mga plano natin kapag batid Niyang para sa kabutihan ang mga ginagawa natin. Ipapaalala kong muli, isang araw lahat tayo ay lilisan...
And no sooner had he spoken than a cloud appeared and covered them: and the disciples were afraid as they entered the cloud. Luke 9:34

God bless everyone!

P.S.

Ngayong lent mayroong mga simbahan na nag-stations of the cross, iyong iba naman ay may misa every noon. Sikapin nating maging bahagi ng season na ito.

http://www.youtube.com/watch?v=Glny4jSciVI

http://www.youtube.com/user/wearetheworld?v=Glny4jSciVI&feature=pyv&ad=5274879739&kw=we%20are%20the%20world%20haiti#p/a/u/0/Glny4jSciVI

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?