bonus for this week


Mayroong ginawa si Kuya Athan na hindi ko nagustuhan, ipagpalagay natin kasinglaki ng dalandan. Nanahimik ako pero nakatanim na sa puso ko. May ginawa na naman siya, pinalagpas ko na naman (this time kasinglaki ng talong) pero nakatanim na naman sa puso ko. May ginawa ulit siya kasinglaki lang ng kalamansi. Sa pagkakataong ito, napuno na ako sa pinagsama-samang dalandan, talong at kalamansi kaya sumabog na ako. Nagkuwento ako kay Memey ng tampo ko. Iba ang gustong kong iparating pero sa ibang paraan natanggap ni Memey ang message. Nagkuwento rin sa akin si Memey na may tampo rin pala siya kay Kuya Ryan. Nakarating ang aming kuwentuhan sa Ate ko at hindi lang tampo ang nakarating kung hindi galit na galit na. May mga bagay na ginagawa ang mga kapatid ko na hindi namin nagugustuhan. Tinatanim lang namin sa sarili namin. Kapag napuno na ikukuwento sa iba. Ang kuwento ko ay nagtatampo ako pero ang dinig ng kausap ko galit na galit. Uhum.... there's something wrong....
Let's check, sana sa dalandan pa lang sinabi ko na kay Kuya Athan na hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya nang sa gayon nacorrect na nya. Normal sa tao na akala niya tama ang ginagawa niya. Hangga't walang pumupuna at nagsasabing mali ang ginagawa niya ipagpapatuloy niya iyon. Hindi ba't mas mabuti pang sabihan na natin siya agad na mali ang ginagawa niya para mabago niya?
Kapag may tampo ka sa isang tao, sabihan mo siya directly. Huwag mong ipaparating sa iba. Maaari mong ikuwento pero mag-ingat ka sa kausap mo at siguraduhin mong kakilala mo siyang mabuti. Kapag kapareho ko siya na magaling magdagdag bawas, patay kang bata ka. Ang may boyfriend, pagdating sa iba buntis na.
Mabuti na lang marunong magsala si Ate Nym. Iweweigh niya muna ang situation at saka niya titignan kung talagang galit na galit o baka nagtatampo lang. Sabi nga e, ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Kapag nakarinig ka ng negative na sinabi sa iyo ni Pedro, huwag mong tanugnin si Juan kung sinabi nga ni Pedro iyon. Go directly to Pedro and ask him if he really said that. Uulitin ko ulit, ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.
Lahat tayo ay naging biktima o at the moment ay biktima ng mga sakit na ito. Nakikinig sa tsismis, nanggagatong, madaling magalit, at kung anu-ano pang nakakasira sa relasyon ng nagmamahalan. Relasyon ng magkakaibigan, relasyon ng magkakamag-anak, relasyon ng magkakapamilya, relasyon ng magkakapatid. Ang hindi dumaan sa ganitong pagsubok ay kakaiba.
Kung nasa stage ka pa ng pagsubok na ito, all you have to do ay magpatawad at humingi ng tawad. Humingi ng tawad at magpatawad dahil nagpadala ka kay Taning. Pumayag kang magpailalim sa kapangyarihan niya. Tuwang-tuwa siya habang kayong magkakamag-anak ay nag-aaway-away.
Kailan mo balak makipagreconcile? Kapag mayroon ng pantay ang mga paa? Habang may oras pa, buksan niyo ang mga puso niyo at pakinggan ang katok ng bawat isa.
Ako nga pala si Shiela. Umalis ako sa Pilipinas bilang si Shiela at mananatiling Shiela habang buhay. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Naniniwala rin ako na ang lahat ng nakakamtam ko ngayon ay nagmumula sa Diyos at instrument lang Niya ako para ibahagi iyon sa iba. Kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko ang yumaman. Ang ninanais ko ay pagyamanin ang pagmamahalan ng bawat isa.
Aasahan ko ang inyong boto! Vote for me!
God bless you all.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?