FAITHers day.





"Quiet now! Be still! Why are you so frightened? Do you still have no faith?"
Mk.4:39




Hello ulit mga kablog. Ilang araw na akong puyat pero masaya kasi bonding kami palagi ni Kuya. Basahin niyo rin iyong comment sa last blog ko. Nakakamotivate para sa isang nanghihinaan ng loob gaya ko. ayk. Isa sa mga points niya ay tungkol sa mga ipinagdiriwang ng simbahan. Tama ka na marami nga tayong celebrations sa simbahan ngunit hindi alam ng ibang Katoliko. Kagaya na lang noong Friday na Solemnity of the Sacred Heart of Jesus at kahapon naman ay Solemnity of the Blessed Virgin Mary.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Father's Day. May kilala akong pamilya na buo nga sa paningin ng iba pero sa loob naman ay watak-watak dahil sa kakaibang ugali ng Papa nila. Hindi naging mabuting ama at asawa ang Papa nila. Palaging may tension sa loob ng bahay kapag nandoon ang Tatay. Dahil na rin sa kanyang hilig uminom ng alak, nagkakacancer sa liver at binawian ng buhay. Naging mas buhay pa ang pamilya nila nong silang mag-iina na lang ang natira. Ngayong Father's Day, kapag tanungin ko kaya ang isa sa mga anak tungkol sa kanilang Tatay, ano kaya ang sasabihin niya? Mabubuti o masasama? Pupusta akong masasama ang sasabihin nila dahil sa kasamaang naranasan nila hindi na nila maaalaala ang mga mabubuting nagawa ng Tatay. Marahil normal lang iyon pero hindi ba't nakakalungkot na patay na ay nagagalit pa rin sila sa Tatay nila? Sana ay maintidihan nila na marahil ay may pinagdaanan din ang Tatay nila noong bata o binata pa kaya sobrang strikto. Kung ako ang isa sa mga anak, bilang regalo sa Tatay ko simula ngayong Father's day ibabaon ko na rin ang galit ko kay Tatay. Palagi kong iisipin na kung hindi dahil sa kanya ay wala rin ako sa mundo. Tay, I love you po. Happy Father's Day. Maraming maraming salamat sa lahat ng nagawa niyo para sa amin lalo na po iyong pagturo sa aking maglaro ng chess. Darating ang araw na ngingiti ka at maipagmamalaki mo ako dahil ako ay Chess Master na.


Sana ay nakapagsimba rin kayo at nakarinig ng magandang homily hango sa pagbasa tungkol sa FAITH. May pinakita si Fr. Paul sa aming sulat na JESUS - green ang border at may kulay na puti rin. Para iyong mga Nirvana t-shirt na ang gulo-gulo pero kapag nakita mo na iyong hidden picture madali na lang hanapin palagi. Sa unang tingin hindi mo makikita ang sulat na JESUS pero kapag nakita mo na ang JESUS madali nang hanapin. Ganyan daw sa buhay natin. Kapag may mga kinakaharap na problema - problema sa pag-aaral, pamilya at iba pa we tend to ask "Where is Jesus sa mga panahong ito na nahihirapan ako." Pero kung malalim ang pananampalataya mo anuman ang kaguluhang nangyayari makikita mo si Jesus na nagsasabi sa iyong "Quiet now! Be still! Why are you so frightened? Do you still have no faith?"



Napakapositve kong tao at palaging nagsisimba. Pero kung sa pananampalataya ang pag-uusapan hindi ko maipagmamalaking very very strong... Hanggang September na lang ako sa AG Bermuda at ang ibig sabihin ay kailangan kong makahanap agad ng malilipatan dito o sa ibang bansa dahil kung hindi ay babalik ako sa Pinas. Babalik ako sa Pinas - paano na ang mga commitments ko? Paano na ang mga pangarap ko? Paano na sila? Paano na? Gusto kong intindihin kung anong magandang plano ni God sa gitna ng mga kaguluhang ito pero nangingibabaw ang kaba. Alam kong palagi kong sinasabi para mainspire ang ibang tao na He knows everything. Siya ang nakakakita ng bigger picture pero hindi ko maiapply sa sarili ko. Pero alam ni God kung paano akong aaluhin. Alam Niyang hindi pa sobrang matibay ang pananampalataya ko kaya habang nangyayari ang mga ito sa akin tinutupad Niya ang isa kong panalangin na makapunta si Kuya Ryan dito. Mayroon pa rin akong pangamba pero mas naiintindihan ko na at mas handa na ako kung anuman ang magiging resulta ng kaguluhang (?) ito. I request all readers na pakisama ako sa panalangin niyo na sana ay matupad ko kung anong kalooban Niya - maaaring may dapat pa akong gawin sa Bermuda, panibagong mission na sa ibang bansa o kailangan na ulit ako sa Pinas.



Sa lahat ng dumaranas ng pagsubok manalig lang tayong palagi nandyan si Jesus. Sinusubaybayan Niya tayo habang tinutugunan natin ang mga pagsubok na ibinibigay Niya para rin ikabubuti natin. Kapag alam Niyang hindi na natin kaya He will carry us.


Fly Shel! Fly!!!

Happy Father's day sa lahat ng tatay especially Kuya Athan, Kuya Ryan at Kuya Bong.


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?