Holy Tuesday 2011




Hello mga kablogs. Holy Tuesday na! Kaunting araw na lang.



11:12pm at antok na antok na talaga. hhhhayyyy.



Ang hirap tuloy mag-isip ng ibablog. Ang pagbasa ay nakafocus kina Judas at Peter. Si Judas ang magkakanulo kay Lord at si Peter naman ang mag-kakaila. Parang narealize ko lang na mahirap talagang magtiwala sa tao kasi nga kahit kaibigan mo na maaari ka pa ring saksakin patalikod.




Parang may mga taong isinilang para talaga masaktan ka. Pero kung titignan mo ang positive side ng mga pangyayari, kaya pala sila isinilang para masaktan ka and at the same time para patatagin ang pagkstao mo.



Basta matibay ang pananampalataya nating everything that is happening to us is according to God's plan, kahit gaano pa kasagwa ang hitsura niyan, tingin mo pa rin maganda.



Kahit na saktan ka ng mga tao sa paligid at para bang dinideadma ka nila, ang tingin mo pa rin may role sila sa buhay mo.



Ayun lang. Sana kahit paano makatulong 'tong short and quick Holy Tuesday blog.



God bless us all.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?