It’s the way how you see your cross…
Naalala ko iyong kinuweto ng Values Education teacher ko back in 4th Year HS. Siyempre iyong version ko ay edited na ha. hehehe
Bawat isa ay pinapili ng cross sa isang room at bubuhatin nila papunta sa isang place. Medyo choosy at maarte si Juan kaya inisa-isa niya tapos nakapili rin sya (finally!). Habang buhat-buhat niya, napansin nyang mabigat kaya balik ulit sya sa room inilapag ang una niyang napili at libot ulit para pumili ng kapalit. "Makapili nga nang mas magaan" sabi ni Juan. Nakapili ulit sya at nadala niya nang hindi nabibigatan... Alam niyo bang pareho lang ang una at pangalawa niyang napili?
Lesson # 1: Sa buhay natin, nasa iyo kung pano mo iaattack ang cross(es) mo. Kung iisipin mong kaya mo, kaya mo. Kung iisipin mo na hindi mo kaya, tama ka. (nabasa ko to sa Yes You Can!) Palagi tayong may choice at mind setting lang yan I should say.
Gaya na lang isang araw paggising ko. Sobrang lakas ng ulan kaya nakakatamad pumasok. Kumanta ako sa isip ko ng This is the day that the Lord has made, I will rejoice and be glad in it. (singer din pala e no. hehehe) Siyempre naging maganda ang takbo ng araw ko dahil iyon ang ginusto ko, iyon ang pinili ko.
Mayroon din akong nareceive na email from my beloved Ate Nym, na sinend din ng aking makulit na bunsong kapatid na si Memey at sinend din ng aking mga kaibigan (Elem, HS, Megapits atbp). O diba, basta pag nagandahan ka talaga sa isang message ipoforward mo sa mga mahal mo sa buhay.
Series iyon ng stick person. Same sa unang kuwento na pipili din ng cross at dadallhin sa isang place. Sa kuwento na ito, may option si Juan na lagariin iyong cross kapag nabibigatan na sya. (Sosyal!) So, sa bawat pagbuhat niya at mabigatan sya, putol lang nang putol. E di very easy at very light talaga ng cross niya. Oops... bago pala sya makarating sa target place kailangang gamitin iyong cross para makatawid. Tsk. Tsk. Naku! Kung hindi sana nya pinutol ang cross matutulayan niya para marating ang place.
Lesson #2: Magagamit natin sa ating buhay ang mga cross na dinala/dinadala natin. Sa simula, hindi pa natin maiintindihan kung bakit kailangan mong dalhin ang isang cross.
Gabi-gabi akong umiiyak hanggang sa makatulog nong nagbabakasyon ako sa Mindoro (I was 10 then). Takot na takot ako sa tuko (lalo na pag naririnig ko ung tu-ko) at ang alulong ng aso (ahooo). Sinumpa ko na hinding hindi ako hihiwalay sa nanay ko kasi ayow kong maexperience ulit ang mga gabing iyon. (Buking ako ron. Magkatabi kami ni Nanay o ni Mey pag natutulog). Hahaha. Ngunit hero ako ngayon, malayo sa tabi ng nanay ko. Hindi na ako natatakot sa gabi. Kahit ilang tuko pa ang magtunugan at magfiesta pa ang mga aso sa gabi maririnig pa rin ng roommate ko ang masarap kong hilik. hehehe. Kaya pala pinadala sa akin ang cross na iyon kasi magagamit ko pala ngaun.
Bow. Sana po ay nagustuhan niyo. Nanay, baka umiyak na naman kayo ha?
Reminder mga kaibigan ko. pakibigay na ng libro before September ends (please contact Memey). malapit na raw matapos ang library. Hindi sapat ang mga pinadala ko kaya kailangan pa ng ibang manggagaling sa inyo. Nakahawa na ako ng 4S attitude, nagvolunteer si Kuya Ryan na ipagamit ang munti niyang kuwarto para maging library ng mga kabataan. Thanks Kuya!
God bless you all. Hanggang sa muli.
Comments