Samahan Mo Ako…
"Master, to whom shall we go? You have the words of eternal life." – John 6:68Isang mapagpalang linggo mga kablogs! Salamat nang marami kay God dahil tayong lahat ay palagi Nyang ginagabayan at pinagpapala saan man tayo naroon. Salamat nang marami sa Kanya dahil tayo'y inilalayo Nya sa anumang kapahamakan.Salamat nang marami sa Kanya dahil tayo ay palagi Nyang sinasamahan.
Noong isang araw, nagpasama sa akin ang kaibigan ko sa bahay para pumunta sa mga kabarrio nyang mga kaibigan. Ang purpose ko kung bakit ako pumayag ay para syempre masamahan sya dahil medyo alam ko kung paano makapunta sa lugar na gusto nyang puntahan na hindi nya alam at kahit hindi ko naman alam kung saan banda. Pumayag ako dahil gusto ko na mayroon syang KASAMA. Maayos naman yung napuntahan namin, pinakain pa kami ng masarap na sopas na miss na miss ko nang kainin. Pumunta pa ulit kami doon sa isa pa nyang kabarrio na kasambahay ng isang napakalaki at napakagandang bahay ng among ibang lahi. Nakakatuwa dahil iba man ang lahi nila at kahit amo sila, pantay pa rin nilang kaming itinuring na mga tao. Naging close pa nga sa akin yung isang batang maliit na para bang Pilipino rin sila. Sabi nga ng kaibigan ng kaibigan ko na marunong daw magkapampangan yung mga babies na naroon. Mga kapampangan nga pala sila. Hehehe.
Naging masaya ang lakad naming iyon kahit na sinamahan ko lang yung kaibigan ko, kahit na hindi ako marunong magkapampangan, at kahit na hindi ko alam noong una kung saan at kung sa anong klaseng lugar kami pupunta. Ganoon din ang pinapaanyaya ni God sa atin. Higit sa lahat, sa Kanya tayo dapat manalig at magtiwala kapag nagpapasama Sya sa atin. Dahil siguradong sigurado na dadalhin tayo ni God sa magandang buhay na nais Nya para sa atin. Kung palagi tayong tinatawag ni God, pero hindi naman tayo sumasama, hindi rin tayo makakapunta sa ating paroroonan. He has the words of eternal life. Magtiwala at manalig tayo na dadalhin nya tayo sa Kanyang Kaharian, sa buhay na walang hanggan.
To whom shall we go? Sa mga pagkakataong hirap na hirap na tayo at pakiramdam natin wala na tayong matakbuhan, kanino tayo pupunta? KAY KRISTO. Sya lang ang tanging makapagbibigay ng hinahanap ng ating puso. Let's just have FAITH IN HIM at tumugon lang tayo kapag sinabi Nya sa ating, "Samahan mo ako."
Bowowow.
Ipagdasal natin ang bawat isa. Magpasalamat tayo sa Kanya sa buhay at gabay na ibinibigay ni God sa atin. Patuloy nawa Nya tayong ilayo sa lahat ng kapahamakan gayundin ang mga mahal natin sa buhay.
God bless us all always. J
Thanks contributor! next is about TRUST. :-)
Comments