Recorded blog
"Do your best to enter by the narrow door, for many, I tell you, will try to enter but will not be able." Luke 13:24
Hello all! Recorded ang blog ko ngayon. Say niyo. hehe. Pero exclusive lang iyon sa PYM. Wala pa akong lakas ng loob na iparinig ang boses ko sa lahat. hehe.
Anyway, kahit nakapagrecord na ako ng blog gusto ko pa ring magtype para sa mga nagbabasa ng aking blog kung meron nga. :-)
Pinaalalahanan ko ang PYM ng kahalagahan ng pag-attend ng BEC lalo na ang pagsisimba. Ang dahilan kasi ng ilan ay busy sila sa kanilang pag-aaral kaya hindi na nakakaattend ng mga gawaing pangsimbahan.
Naalala niyo iyong quote dati ni Wayne Dyer kapag nakakapagbigay ka kahit nahihirapan ka mas madali nang magbigay kapag mayroon ka? In relation to this, kapag busy ka at nagagawa mo pa ring makatugon sa mga gawaing pansimbahan, mas madali lang sa 'yong makapunta kapag hindi ka busy. PERO, kapag nagpi-feeling-feeling-an na busy ka at ginagawa mong excuse sa hindi mo pagsisimba, lalong hindi ka magsisimba kapag talagang busy ka na. Hindi lahat ay kagaya mong may tagapag-paalala kaya habang hindi pa sila naiinis sa 'yo ng todo-todo, do your best to enter by the narrow door.
Ayun lang. Gbu!
Comments