He Will Raise Me Up


“Blessed are they that hunger and thirst after justice: for they shall have their fill.” – Matthew 5:6

Hello sa inyong lahat mga kablogs! Nakaraos na naman tayo sa isang blessed na week para sa ating lahat kahit na may dumating na namang bagyo sa atin. Ngayon din ay sinecelebrate natin ang All Saints’ Day. Ginugunita natin ang kahalagahan ng mga buhay ng mga saints, kung paano natin ito matutularan somehow at ganon din ang paggunita natin sa ating mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na.

Nakakatuwa ang araw na ito para sa akin. Iba talaga kasi kapag inspired ka sa mga kabutihan ni God sa atin kahit na may pagkamisteryoso ang mga paraan na iyon. Kaninang umaga after ng breakfast, naishare sa akin ng mga kasamahan ko ditto sa bahay iyong napanood nila sa youtube tungkol sa isang taong walang kamay at paa, kung paano sya nabubuhay sa ngayon at kung paano sya hindi nawawalan ng pag-asa para magpatuloy sa buhay. Sa ngayon, isa syang preacher na nagtuturo at nagpapatotoo na sa lahat ng mga nangyayari sa atin, palaging may magandang purpose si God. Para sa kanya, ang purpose ng kanyang buhay ay makapaghatid ng Mabuting Balita ni God sa lahat. Mapapanood din sa video na humiga sya habang nagtatalk sa audience at tinatanong sa audience kung paano sya makakatayo ulit. Wala syang paa at kamay. Pero nakatayo sya dahil hindi sya sumukong bumangon. God raised him up. Sa pamamagitan ng Holy Spirit, na bumalot sa kanya para magpatuloy.

Dahil doon sa napanood ko nung umaga, lumakas ang loob ko at naging maayos ang buong araw ko dahil para sa kin, kung nagawa nyang makabangon kahit na wala syang kamay at paa, tayo pa kaya na meron? Na narealize ko na maliit pa pala ang pinagdadaanan ko kumpara sa pinagdadaanan nya. Kumpara sa pinagdadaanan ng iba. Kaya naman, sobrang natuwa ako lalo na meron akong natanggap na reply. Nagkaroon akong lalo ng pag-asa lalo pa nung nagsimba ako dahil sobrang solemn ng mass at nafeel ko na at home ako. Kinanta pa yung kantang On Eagle’s Wings na naririnig ko na sa ating napakagaling na author, pero kanina ko lang nakanta. Blessed are they that hunger and thirst after justice: for they shall have their fill. Para sa lahat ng mga nakakaramdam ng hirap sa buhay at nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa, I quote the chorus of the song:

And He will raise you up on eagle’s wings

Bear you on the breath of dawn

Make you shine like the sun

And hold you in the palm of His hands.

Mapalad ang mga nahihirapan dahil sa mga pagkakataong tayo’y nahihirapan, palagi nating kasama si God. He will always raise us up. Kaya huwag tayo kailanman mawawalan ng pag-asa sa buhay. Dahil sa ating mga buhay, kasama natin ang Panginoon, maging sa kabilang-buhay, gaya ng ating mga mahal sa buhay na kapiling na ni God sa Kanyang paraiso ngayon.

Ipagdasal natin lahat ng mga santo at mga kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay pati na rin ang mga kaluluwa na walang nakakaalala.

Happy Happy Birthday Sir Bien! (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)

God bless us all always. J

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?