And he will send the angels to gather his chosen people from the four winds, from the ends of the earth to the ends of the sky. Mk. 13:27 Hello mga kablogs! Kamusta kayo? Ako, heto medyo dinapuan ng sakit. Pasaway na katawan bumigay sa nakakapagod na mga araw na nagdaan. hehehe. Salamat na rin kasi narealized ko na nakakalimutan kong ipagpasalamat sa araw-araw na buhay pa ako at malusog. Kaya simula ngayon pag gising ko, unang-una na ang pagpapasalamat sa buhay at malusog na pangangatawan. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa PSP. It sounds technology pero ang ibig sabihin nyan ay Pagpupugay sa Pablik. Para sa kaalaman ninyong lahat, graduate ako sa public schools, elementary at high school. Naaalala ko pa noong malapit ng matapos ang school year sa Nagkaisang Nayon Elementary School, palagi akong tinatanong ng mga classmates ko kung saan daw ako mag-aaral. Iisa lang ang palagi kong sagot "sa Pablik." Bukod sa hindi kaya ng mga magulang kong magbayad ng mataas na tuition fee...
Comments